Wala akong gana pumasok sa school at isa pa araw-araw naman talaga akong walang gana. Kasi ayoko din sa course ko. Kahit isa pa ang Western University sa pinakasikat na school, hindi parin ako masaya. Ito kasi yung gusto ng mama ko at isa din to sa dahilan kung bakit ayoko magtrabaho para lang pambayad sa tuition fee ko. BSIN pala kinuha ko. Ooops, kinuha ng parents ko sakin. Yun yung gusto nila eh.
Alam niyo ba kung anong course na gusto kung kunin? Secret muna. Pag nababanggit ko kasi yun, naiinis lang ako. Baka mas lalo pang lumala yung inis ko kahapon.
"Reese? Nagawa mo naba pinapagawa ko?" Sabi ni tin. Classmate ko sa tfn. Kakapasok ko lang sa room. Yun na agad bungad niya sakin.
Hayst. Patay ako nito. Nakalimutan ko. Mag isip ka ng paraan. Paano ba to? Uhmmmm.
Alam ko na!"Tin meron na. Kaso nakalimutan ko sa bahay. Sa sobra ko kasing pagmamadali, nakalimutan ko. Alam mo na? Malayo bahay namin." Sana maniwala siya sakin. Please, Please, please lord.
"Eh paano yan? Diba sabi ko sayo eh send mo sakin para magkaroon din naman tayo ng soft copy. Just in case. Ikaw talaga." Sabi ni tin with matching kamot. What a good student. I feel you, noon. But not anymore.
"Uhm, Sorry" yun nalang nasabi ko.
"Oo na! Magpasalamat ka na bukas pa yung pasahan." Bukas pa pala. Salamat naman. Magagawa ko pa yun later.
"bukas pa pala eh" bulong ko
"Nadyan na si prof!" Sigaw ng kaklase ko.
Nagtakbuhan na kami sa silya namin. Nakakatakot kasi si miss. May pagka strict pa naman yun. At nakakatakot talaga siya, ako lang pala yung natatakot sa kanya. Eh kasi naman, dun kasi siya kumukuha sa student list sa kung sino ang mag re-recite. Ayoko kayang matawag. Hindi ko pa naman ni rereview yung mga binibigay niya samin na topic. Nakakatamad kaya, puro history. Ano kinalaman ko diyan?.
"Well, who wiil be the next." sanmbay tingin sa students list. Ayan na siya.
"Den..."
Oops. I forgot to introduce myself. I am Calliope Reese Denver but, they call me Reese. If you are close to me, you can call me Cal or Calli. I'm also glad that I have a unique name. I am 18 years of age. Simple girl living in a simple world. I have a long thick hair, white complexion and chinita. Well, i'm not good in describing myself . Tingnan niyo na lang sa multimedia.
"Bwisit! Ako na yata yan." Sabi ko sa sarili ko.
"Denri?" Ako na nga!
"Po? Ako po? " Sabi ng katabi ko. Wait diba ako? Ayy Denver pala apelyedo ko. Buti naman at hindi ako.
"Hindi, ako. Eh di sino paba?" Nagtawanan yung mga kaklase ko sa pagka sarcastic ni miss, maliban sakin.
**
"Ganda?" Napalingon ako. Alam ko naman kasi kung sino yun, yung fc kung classmate sa 2nd sub. Fc talaga. Carry naman siya, mahilig nga lang mangopya.Simula kasi nung nag college ako, I become more serious and reticent. Ang layo ng ugali ko ngayon sa kung anong ugali ko nung HS. Because when I was in high school, I am friendly, importunate, hindi nauubusan ng kwento, kalog at most of all, a happy person. Since I got college, nawala lahat yun. Pero naisip ko na din dati na freshmen pa ako at baka hindi palang ako sanay. Pero hindi eh. Di ko talaga feel yung mga student sa college, masyadong maaarte, porque nag aaral sa private nag fe-feeling mayaman na, hindi naman bagay sa mukha nila. Thats why I choose to be a mysterious person, yung wala talagang nakakaalam sa background ko. So that no one can take advantage on me, especially sa mga tao na gusto kang apakan.
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
DiversosMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...