Chapter 9

10 0 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay at napansin ko na walang ilaw sa bahay namin.

"Naputolan na yata kami."

"Ma? Cai?"

Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw at

"SURPRISE!"

Kumpleto sila ngayon at mukhang pinaghandaan talaga birthday ko. Tsk.

"Anong surprise naman yan?" Meron lang naman kasing cake at balloons na may age ko.

"Eh blow muna ang candle ate para makaalis na tayo." Sabi ni cai.

"At saan naman tayo pupunta?"

"Sa labas tayo kakain, sa restaurant."

"Sige na anak"si papa naman yun.

"Hindi ako aalis. At isa pa gastos lang yan"

"Birthday mo, kaya hindi gastos."

"Kayo nalang kumain"

"Anong kami! Aba! Ikaw na nga tong pinaghandaan. Aarte kapa" inis na sabi ni mama sakin.

"Cora tama na, anak sumama kana" pakiusap sakin ni papa.

"Ayoko nga diba. Bat ba kayo namimilit. Diba birthday ko. Kung gusto ko manatili sa bahay. Pagbigyan niyo ako!"

Pak!

Sinampal ako ni papa.

"Huwag na huwag mo kaming sisigawan calli! Magulang mo parin kami! Matuto ka parin rumespeto!"

"Respeto? You don't deserve my respect pa. Kasi ang katulad mo hindi ni rerespeto!"

"Aba sumusobra kana!" Sabay sabunot sakin ni mama.

Napaupo ako ng di oras sa sahig sa pagsasabunot sakin ni mama. Napatigil siya nang pagsabunot sakin ng awatin siya ng mga kapatid ko. Kahit masakit ang sabunot sakin ni mama at pagsampal sakin ni papa hindi parn ako umiyak. Ayoko kasing umiiyak sa harapan nila. Ayoko maging weak sa mga mata nila.

"Kala mo kung sino ka dito sa pamamahay na to."

"Kung spoiled ka sa lola't lolo mo, pwes dito hindi!"

Tumayo ako at hinarap ko si mama.

"Kasi kung hindi lang namatay si lolo. Hindi ako babalik dito. Wala din namang kwenta tong pamilya na to."

"Sana hindi nalang kita naging anak!" Nagulat ako sa sinabi ni mama, hindi ko inaasahan na sasabihin niya sakin yung salitang yun.

"Sana nga ma hindi nalang ako naging anak niyo. Wala din naman akong kwenta sayo diba. Wala ding silbi kung magiging anak niyo pa ako." Matigas na sabi ko.

"Calli!" Sigaw ni papa.

"Isa karin pa. Alam mo pa, best actor ka din eh."

"Ang galing mong magpanggap na mahal kami samantalang may mahal ka naman talagang iba!"

Tumakbo ako palabas ng bahay na umiiyak. I started running. I don't know where to go. I just run and run, makalayo lang sa bahay. My eyes are now full of tears and to much cry lead to blurry my vision. Kaya di ko namalayan na may paparating na pala na sasakyan sa gilid ko.

BOOOOOGSH

I got hit and thrown few meters in air; landing centimeters away from lane. As I was flying down, I saw objects up and down in a slow motion. I heard mixed voices and screams.

"Ang bata!"

"Nasagasaan ang bata!"

"Diyos ko po"

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Ang daming tao nakapaligid sakin. They asking me, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Sa sobrang hilo ko, nawalan na ako ng malay.

"I wish I could stayed living in my dream"

Pagmulat ng aking mga mata, puting ilaw agad ang nakita ko. Ang sakit sa mata. Nakakasilaw. Nasaan ako? Patay naba ako? Nasa langit naba ako?

"Buti at nagising kana faith" May nagsasalita. Si san pedro naba to? Bat boses bak...

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay. At ngayon ko lang napansin na nasa ospital ako. Buhay pa ako. Pero nasaan sila mama? Bat ibang tao yung kaharap ko ngayon. Siya ba yung nakabundol sakin. Tama ba narinig ko, tinawag niya akong faith.

"Sino po kayo?"

"Ako to si tita mom mo."

"Hindi ko po kayo kilala" aalis na sana ako sa higaan ng may maramdaman akong kirot sa kamay ko.

Naka dextrose pala ako.

"Huwag ka munang tumayo. Di ka pa magaling"

"Uuwi na po ako. Di ko po kayo kilala."

"Faith, huwag ka malikot, dumudugo na kamay mo." Tiningnan ko naman kamay ko. Dumudugo nga. Dugo! Takot ako sa dugo. The next thing I know, I passed out.










One Life For The Two Of UsWhere stories live. Discover now