Nung matapos ko ng hugasan. Binigay ko to sa mga kaklase ko. Lalagyan na kasi nila ng chemicals. Ingat na ingat sila ngayon sa paglagay ng chemicals sa bottle at ako naman nakatingin lang. Gusto ko silang tulungan pero ayaw naman nila. Kasi kumpleto na raw sila.
"Reese?" Tawag sakin ni foreigner.
"What?" Wala kung ganang sabi.
"Nothing. I just want to call your name" foreigner ko palang classmate. "Your name is beautiful Calli.."
"Ok" hindi ko na siya pinatapos.
"Reese! Ano ba! Tumulong ka naman dito!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Lina sa pangalan ko at napatingin lahat mga kaklase ko sakin. Buti nalang wala si miss.
Lumapit ako sa kanila. Sabi nila, hindi ko na kailangan tumulong dahil marami na sila. Inabot naman sakin ni Lina yung bote at at yung cylinder na may chemicals. Ako daw ang maglalagay dun. Gagawin ko na sana kaso pinakilaman na naman niya ako.
"Hindi ganyan!" At kinuha niya sakin ang bote.
"Mali pagkakahawak mo." Iretado niyang sabi.
Pinapahiya ba niya ako sa mga kaklase ko. Kasi kung oo. Pwes, nagtagumpay siya. Pero pinipigilan ko lang yung nararamdaman kung inis sa kanya. Iniisip ko nalang na kaya siya nagkakaganito para hindi ma fail yung experiment namin. At gusto niyang makapasa.
"Ok" yan nalang ang nasasabi ko. Ayoko na din kasi magsalita.
"Ayusin mo! Grade natin lahat ang nakasalalay dito. Huwag mo muna unahin ang paglalandi mo." Ok na sana. Pero, parang iba yata yung narinig ko sa dulo.
Simula nung narinig ko yun, hindi ko na natiis. Hinablot ko yung bote sa kanya, at nagulat siya sa ginawa ko. Napasinghal siya.
"Akin na nga! Baka ma fail pa yan yung experiment!" Tapos inagaw niya ulit sakin ang bote.
Sa pagkaagaw niya yun hindi ko namalayan na natapon na pala yung chemicals at natalsikan siya sa kamay. Kahit naka gloves kami, nabutas parin ito.
"Ahhhhhhhh" sumigaw si Lina kaya nataranta din ako.
"Ahhhhhhhhhh, ang sakit." Mangingiyak niyang sabi.
"What did you do?" Tanong sakin ng teacher.
"It was an accident miss." hindi ko naman talaga sinadya eh. Siya ang humila nun.
"Go to dean office! Now" galit na sabi sakin ni miss.
Wala akong magawa kundi pumunta nalang sa office. Gusto ko sana tumakas at hindi nalang pumunta. Kaso naisip ko na baka mas lumala pa. At parang guilty naman ako nun kung gagawin ko yun.Kaya pumunta nalang ako.
Naghintay ako sa labas ng dean office kasi hinihintay ko rin si miss.
"Get inside" sabi ni miss.
"How may I help you?" Tanong ni dean.
"Good afternoon Ms. Dean."
"Good afternoon"
"She spill the chemicals to her classmates."
"But, it was an accident. I didn't meant to spill the chemicals to here. Inagaw niya bigla yung bote sakin kaya natapon"
"I need to talk to your parents now." Nagulat ako sa sinabi ni miss. Hindi pwede.
"Miss? Dean? Please, don't call my parents" pakiusap ko
"Hindi ko naman talaga kasalanan yun."
Mayamaya dumating na si mama kasama si papa.
"Ano na naman ba ginawa mo calli!?" Galit na sabi ng mama ko.
"Wala akong ginawa." Matigas kung sabi.
Habang naguusap ang parents ko at ang dean. Wala akong ginawa kundi ang yumuko nalang at hinihintay na matapos sila. Hindi ko na rin napagtanggol ang sarili ko, hindi rin naman kasi sila makikinig sakin.
**
"Ano ba ang nangyayari sayo calli ha! Yan ba ang nakuha mung ugali sa manila!?" Nasa kotse na kami at hindi parin ako tinitigilan ni mama sa kakasermon."Tama na nga yan. At hindi naman niya sinasadya" pagtatangol ni papa sakin.
"At kukunsentihen mo pa yan. Kaya nagkakaganyan yan eh."
Pagkadating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa taas.
"Di pa tayo tapos calli!"
Hindi ko na pinakinggan si mama. Nagbasa nalang ako ng libro sa kwarto. Books are my happy pill. Habang nagbabasa di ko na namalayan na may tumutulo na palang luha.
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
De TodoMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...