Ngayon ang alis ni tita mom, at nandito na kami sa airport. Ayaw sana sakin ni tita mom na ihatid siya sa airport kaso nagpumilit ako.
"Anak, mag ingat ka dito ha. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Alagaan mo sarili mo. And most of all, don.."
"Don't talk to stranger" tinapos ko yung sasabihin ni tita mom. Ginawa naman akong bata ni tita, ang daming bilin. Pero yung totoo naiiyak ako. Para kasi siya yung lolo ko.
"Good. Don't worry. Pag uwi ko, isasama na kita sa america."
"Ok lang po tita. Kaya ko naman po sarili ko."
"Basta alagaan mo sarili mo ha"
"Opo"
Yinakap ako ng mahigpit ni tita mom at ganun din ako.
"Bye for now anak. Alagaan mo sarili mo ha." Tumango naman ako.
Hayst. This will be the start.
"Aaliyah?"
"Ayy, butiki!"
"Nakakagulat ka naman. Bat bigla bigla ka nalang sumusulpot." Hawak hawak ko parin chest ko. Nenerbyosin naman ako nito.
"Sarry" sabay peace sign sakin.
"Paano pala ako mag sta-start? You know?"
"Ewan ko. Buhay mo yan eh"
"Ha?"
"Yes, its your life."
"Gusto ko sana maghanap ng trabaho. Ayoko naman kasi umasa nalang kay tita mom. Marami na kasing naitulong si tita mom sakin at ayoko abusuhin yun"
"Wow! Bait naman."
"Kaso wala naman akong gamit niya, katulad ng birth certificate at mga requirements for school. Gusto din kasi ni tita mom na mag-aral ako."
"Kina career mo naman life niya."
"Para din naman to sa kanya."
"Yeah, your right. Kaya eh go mo lang yan."
May inabot sakin na envelope si dreamy. Tiningnan ko ito. Nandun lahat ang mga gamit niya, napansin ko din na mag se-senior high school pa lang siya and may isa pa akong napansin, dalawa ang birth certificate niya.
"Bat dalawa to?"
"Oo nga no'. I don't know eh" she shrug.
"Alin dito ang gagamitin ko?"
"Let me see." Tiningnan niya ito ng mabuti. Tinaas taas pa niya ito, kahit siya nalilito kung ano ang gagamitin ko.
"I think this surname, suit you." Sabay abot sakin.
"Aaliyah Faith Sullivan" basa ko.
"Hindi kasi bagay sayo kung pilapil gagamitin mong surname at isa pa Faith lang ang pangalan na nakalagay sa isang birth certificate." Oo, napansin ko nga na Faith Pilapil lang ang nakalagay dun.
"Saan pala ako mag-aaral?"
"I want you to study here!" Tiningnan ko naman yung magazine na hawak niya.
"Wow ang ganda, mukhang mayaman lang yata ang makakapag aral diyan. "
"Ito yata yung gusto ni faith na pasokan. Nasa bag niya eh."
"Hindi ko yata kayang makapasok sa school na yan."
"Subukan mo lang. Wala naman yatang mawawala sayo kung susubukan mo."
"Hayst. Eh hindi naman kasi ako matalino."
"Baka nakakalimutan mo, nasa katawan ka ni faith."
"So, she's smart?"
"You'll see." Ngiting ngiti niyang sabi.
"Oo na. Pero bago pa yan, maghahanap muna ako ng trabaho."
Summer kasi ngayon dito. Tamang season din ng paghanap ng trabaho.
I need to find a job this time. Para na din sa kabubuti ng lahat hahahahaha.
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
RandomMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...