Chapter 13

4 0 0
                                    


Ilang oras na rin ako sa town pero wala parin akong mahanap na trabaho, ang hinahanap kasi nilang applicant ay yung may experienced. Eh wala pa naman akong experience . Ang hirap pala maghanap ng trabaho. Ang lakas ng tirik rin ng araw at amoy araw na ako, kaya sumilong muna ako sa karenderya. Nahihilo pa kasi ako kaya di ko pa kaya lumakad sa condo. Napansin ko rin na gutom na ako. Kain muna kaya ako.

"Wow! Mukhang masarap yung ulam. Ang bango!" Sabi ko sa sarili ko.

"Ano po sa inyo miss?" Nakangiting tanong sakin ni ate.

"Pork steak, giniling, at dalawang rice po."

Binigay na sakin ni ate yung order ko. Grabe. Gusto ko ng tikman. Kaso wala akong maupuan, ang dami kasing tao. Saan kaya ako nito?

May lalaki akong napansin sa bandang gilid ng counter. Mag isa lang ito sa table. Dun nalang kaya ako.

"Excuse me po kuya, pwede po bang umupo? Puno na po kasi."

"Yeah. Sure." Ang gwapo! Ang charming din niya. Natulala ako sa kagwapohan niya.

"Pwede ka ng umupo miss" ayy, ano ba yan. Napatulala na naman kasi ako. Nakakahiya."

"Ang sarap!"

"Masarap talaga mag luto si aling binene"

"As in. Aling binene pala name niya?"

"Yup."

"Grabe noh. Ang sarap niya pala magluto. The best yung food dito. Lagi na ako kakain dito"

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Grabe ang cute niya. Pakurot nga. Hehehe. Ano ba Cal. Pigilan mo yan. Landi mo.

Sabay kaming umalis ni shawn. Kanina ko lang nalaman na shawnel pala name niya. Hindi lang siya gwapo mabait pa. Sana maging close ko to as in close.

"Saan pala punta mo?" Tanong niya sakin.

Tinuro ko naman yung daan na dadaanan ko pauwi.

"Same pala tayo ng daan na pupuntahan kaya sumaba kana sakin."

"Sige" I blushed.

Pinasakay niya ako sa kotse niya. Grabe! Ang yaman pala nito. Sana all may sariling sasakyan.

"Bago ka pa lang ba dito?" Tanong niya sakin.

"Uhm oo. Galing kasi akong probinsya at nakikitira ako ngayon sa kaibigan ni mama."

"Ah. Nasaan pala mama mo?"
Nalungkot naman ako sa tanong niya.

" Wala na siya."

"Sorry to hear that."

"Hindi, ok lang."

"So?"

"Wala na akong mga magulang. Simula kasi nung mawala rin yung lola ko, ako na lang mag isa. Kaya naisipan ko lumuwas ng manila. Marami din kasi opurtunidad dito sa manila kaya ayon. At nagsisimula na ako maghanap ng trabaho ngayon"

"If you need help? Just call me and I'm willing to help you."

"Ay huwag na. Ano kaba. Nakakahiya. At carry ko na to haha"

"How tough of you" napangiti naman ako sa sinabi niya.

Ewan ko ba kung bat ang positive thinker ko. Samantalang sa real world, ang nega ko masyado. Kahit pa sabihin natin na mgaling ako mag advice sa mga kaibigan ko pag may problema sila, iba pa rin pag sariling problema ko na.

"Dito nalang ako."

"Wait, you stay there?"

"Uhm, oo. Bakit?"

"Nakatira din kasi ako diyan. hahaha. What a coincedence?"

"Oo nga noh" baka kami yung nakatadhana. Char lang. Chos lang po yun hahaha.

Sabay na kami umakyat papunta sa unit namin. At alam niyo ba? Hindi lang same tung condo namin, same floor din kung baga kapitbahay ko siya.

"Wait? Is that your unit?" Tumango naman ako.

"So si tita mom yung kaibigan ng mama mo?"

"Oo. Bat mo alam? Tita mom rin tawag mo sa kanya?" Ano ba to. Kilala niya si tita mom. Pwede naba tumili?

"Uhm. Oo. Matagal ko ng kilala si tita mom, mabait siya. Isa din siya sa mga designer ng mama ko."

"Kaya pala."

"So ikaw pala yung pinapabantay sakin ni tita mom, nice to meet you Aaliyah" omyg.

"Pinapabantayan? Ano ako bata?" Tawang tawa kung sabi.

"Basta pag may kailangan ka, katokin mo lang ako."

"Sige. Salamat"

Pumasok na ako sa unit ko at aad kung tinakpan ng unan yung mukha ko at para dun tumili.
















One Life For The Two Of UsWhere stories live. Discover now