"Nope. Ikaw at sa faith ay iisa. Nasa kanyang katawan parin siya.""So, dalawa kami sa isang katawan?"
"Yup. What her attitude is your attitude too."
"Pero nasaan ba talaga ako? At anong lugar to, nasa ibang bansa ba ako?"
"Nope. Your in Noitanigami world."
"Imagination world!" Tuwang tuwa niyang sabi.
"What the..." Mababaliw na yata ako.
Nag act akong mahihimatay.
"Oyy huwag ka mahimatay"
"Eh paano ba naman. Imagination world. Is this real?"
Kwenento na sakin ni dreamy lahat lahat. Pinaintindi niya sakin kung paano ako napunta sa imagination world at makakauwi lang ako samin pag nahanap ko ang enchanted tree. Yun lang kasi ang makakatulong sakin kung paano ako makakabalik sa real world. Kwenento rin sakin ni dreamy kung paano mamuhay ang mga tao dito.
Nakalabas na rin ako ng ospital. At napansin ko, wala naman talagang pinagkaiba ang mga tao dito sa real world, normal na tao parin naman sila. Pero mas maganda nga lang lugar nila kaysa sa real world. Wala rin akong nakikitang squatter. Malinis ang lugar. Para akong nasa ibang bansa. Ibang version ang meron sa pilipinas dito. At nasabi din sakin ni dreamy na walang nakakaalam na imagination lang pala ang kinagagalawan nila.
"Aaliyah? Pasok na. Simula ngayon dito kana titira sa condo ko" maganda condo ni tita mom at studio type ito.
"Cute siya" mahina kung bulong.
"Gusto sana kitang isama sa america kaso hindi pa kita pwedeng dalhin dun. Pero pwede naman ako magpadala sayo ng pera para sa gastosin mo dito sa bahay at sa pang papaaral na din "
"Po? Aalis po kayo?"
"Oo may trabaho kasi ako sa america. At hindi ko pwede iwan yun. Sorry anak. Alam kung ako ang inaasahan ng lola at mama mo na mag-alaga sayo"
Kawawa pala si Aaliyah, nakwento kasi sakin ni Dreamy na patay na ang mga magulang nito. Simula nung mamatay ang mama niya dahil sa sakit, yung lola na niya ang nag-aalaga sa kanya. Pero nung sumunod yung lola niya, wala ng nag-aalaga sa kanya. Kaka graduate lang din niya ng junior high school ng mamatay ang lola niya kaya naisipan niya lumawas sa manila para makapaghanap ng trabaho. At hindi iniasahan, nakita siya ni tita mom, ang matalik na kaibigan ng mama niya. Kala ko nung una perpekto na buhay ng mga tao dito. Pero katulad parin pala to sa real world.
"Ok lang naman po ako tita mom, malaki na po ako. Ang laki kaya ng muscle ko" at ginaya ko pa si johnny bravo.
"Hahahaha. Ikaw talaga, tara mag mall tayo. Ipagbibili kita ng damit at sabay grocery narin." Mall! Yes!
**
"Sukatin mo to anak." Ang daming biniga ni tita mom sakin na damit para sukatin."Tita mom, ang dami naman po nito."
"Ano kaba, kunti pa lang yan."
Maraming damit na nabili si tita mom sakin, may mga dress, shorts, blouse, pants at kung anong klaseng damit pa.Nasa grocery na kami ngayon, at namimili ng mga pagkain para sa bahay. Tagatulak lang ako ng cart samantalang si tita mom naman ang kumukuha ng mga gusto niyang bilhin na pagkain.
"May gusto kaba faith?"
"Po?" Napansin kasi ni tita na nakatitig ako sa mga gummies.
"Kung may gusto ka man. Huwag kang mahiya kumuha."
"Ok po"
Pumunta na ako sa station na kung saan nandun ang mga gummies.
"Wow! Gummies." Patakbo akong pumunta dun.
Booogsh
"Aray!" Natumba kasi ako at ang sakit ng pwet ko ngayon. Tiningnin ko muna ang lalaking nakabangga sa'kin.
"I'm sorry miss. Are you ok?" I blinked. Omg! Ang gwapo niya! Grabe! Para siyang artista.
"Miss?" Bumalik ako sa katinuan ko ng tawagin niya ulit ako. Di ko namalayan na inaaabot na pala niya yung kamay niya sakin para tulangan akong makatayo. Hindi lang pala gwapo, gentleman pa.
Tinangap ko naman ng buong puso yung kamay niya. Ayy. Chos lang.
"I have to go. Sorry ulit"
"No its my..." umalis na siya sa harapan ko at hindi man lang hinintay ang sasabihin ko.
Sana magkita pa kami ni Mr. Handsome. His my 1st crush here in noitanigami world!
YOU ARE READING
One Life For The Two Of Us
RandomMay isang babae na tuluyang pinasok ang pintuan patungo sa lugar ng kanyang haraya. Ang lugar na imposibleng maging totoo dahil ito'y malayo na sa katotohanan, at tahimik na lugar ang kanyang inaasam-asam. Ito'y isang lugar na tanging kaalwanan lang...