Chapter 10

11 0 0
                                    

"Doc ok na po ba pamangkin ko bat hindi niya po ako matandaan?"

Pag gising ko, nadatnan ko yung tita mom ko raw? At ang doctor na nag-uusap.

"I'm sorry to say na may amnesia pamangkin niyo"

Amnesia? Kailan pa ako nagka amnesia. Baliw ba tong doctor. Eh tanda ko pa nga yung nangyari sakin bago ako mabundol ng sasakyan eh.

"Po? May amnesia si Faith!"

"Hindi nga ako si Faith!" Napasigaw na ako. Ang kulit kasi eh.

"Anak, ikaw si Faith. I understand if you cannot recognize me" ang tigas talaga ng ulo. Hayst. Saan naba kasi sila mama. Manghiram kaya ako ng cellphone?

"Ti.." hindi ko alam kung anong tatawagin ko sa kanya, kung tita ba o tito.

Tama kayo ng iniisip. Bakla po siya.

"Tita mom ang tawag mo sakin" napataas naman yung kilay ko. Pero infernes mabait si ti.. tita mom.

"Pwede po ba ako makahiram ng cellphone?"

"Ha? Ah oo naman ." Nagtataka siya pero inabot parin naman niya sakin yung cellphone.

Habang abala si tita mom kausap ang doctor. Sinimulan ko ng eh dial yung number nila mama. Kaso hindi ma contact. Bat di ko sila matawagan.

Binigay ko na kay tita mom yung cellphone niya. Sinubukan ko ng eh contact lahat ng number na memorize ko atsaka na rin yung sakin kaso hindi daw talaga available yung number. Pinagloloko ba ako nito. Mapaglaro talaga ang earth.

Umalis muna si tita mom at may bibilhin daw. Hindi nga sana siya aalis baka daw kasi mapano ako pag nawala siya sa tabi ko. Pero sinabi ko sa kanya na kaya ko na sarili ko at strong ako kaya wala na dapat siyang ipangamba. Natawa pa nga siya sa sinabi ko. Nasanay narin akong tawagin siya na tita mom at ewan kung bat ang gaan ng loob ko sa kanya. Ramdam ko kasi ang pag-alala niya sakin. Buti pa siya nag-alala sakin samantalang yung mga magulang ko hindi.

"Pst" nagulat ako ng may sumitsit sakin.

"Faith" at tinawag pa niya ako sa pangalan na Faith.

"Sino yan?" Lumingon lingon pa ako. Pero wala namang tao. Hindi ako takot sa multo pero bigla ako kinabahan.

"Pst! Dito!"

"Aahhhhhhh!" Napasigaw ako ng di oras. Paano ba naman may nakaupong babae sa sofa. Ang pagkakatanda ko walang tao diyan. Multo ba siya?

"Sino ka ba?"

"I am dreamy." Nakangiting sabi niya sakin. Naka puti siya. Kaya mapagkakamalan mo talaga siyang white lady. Maganda at mukhang bata pa sakin.

"Thank you for your compliment! Pero mas matanda pa ako sayo."

"Ha? So baby face ka pala. Ilang taon kana ba?"

"717"

"Ah. Ano!? 717? Naka drugs kaba?"

"Excuse me!"

"Wala naman kasing umaabot na edad na ganun. Bagay nga pangalan mo. Dreamy. In your dreams!" Singhal ko sa kanya.

Sandali lang. Mga baliw ba mga tao dito. Una, si tita mom. Tinatawag niya ako sa pangalan na hindi ko naman pangalan. Pangalawa, yung doctor, may amnesia ba naman ako. At pangatlo, itong babae na nasa harapan ko. 717 years old na daw siya. Kalokohan. Panaginip ba to? Kasi kung oo, gusto ko ng magising. Ayoko na sa panaginip na to.

"Hindi kami mga baliw noh at hindi rin to panaginip. Mali lahat ang iniisip mo. Sadyang nasa katawan ka lang talaga niya "

"Katawan? Eh katawan ko to eh. Wait, nababasa mo ba isip ko"

"Oo. Kaya huwag kang magkakamali ng iniisip sakin because I can read your mind. And katawan mo nga yan at katawan din yan ni faith. At totoo si faith."

"Di ko maintindihan?" Hindi ko talaga maintindihan sinasabi niya.

"Let me introduce myself first. I am Dreamy I don't have a surname. Just dreamy. Isa ako sa tagapangalaga dito sa mundong to. At binabantayan ko ang mga tao na namumuhay dito kumbaga para akong angel. Narinig kayo ni bathala na humiling at hindi iniasahan na magkatulad kayo ng hinihiling ni Aaliyah"

"Wait, naguguluhan parin ako. Wala akong maalala na humiling ako. At kung ano man yun, ano naman kinalaman ko dito at napunta ako sa katawan niy..." natigilan ako.

"So, kung katawan niya to, nasaan siya? Don't tell me, nagkapalit kami ng body?"

Ohhhhhhhh Myyyyyyyy Goooooosh!

One Life For The Two Of UsWhere stories live. Discover now