Chapter 9: Andrew's POV

1.1K 32 0
                                    

| ANDREW'S POV |

Galing ako sa Engineering building para kunin ung mga worksheets na kailangan kong sagutan. Lagi na lang ganito, tuwing naglalakad ako sa hallway. Ang daming mga babaeng nagtitilian. Tsk. Nakakairita.

Bulungan dyan. Tilian dito. Nakakainis.

"Andrew my loves!" 

"Andrew! Baby!" 

Rinig kong sigaw nung mga estudyante. Tss. Mga walang magawa sa buhay. Makapunta na nga lang sa SP. Malamang walang tao ngayon dahil umattend ng klase ung mga yun.

***********************************************

Pagpasok ko sa SP, wala ngang tao. Dito. Dito ako makakapagbasa ng maayos.

Habang nagbabasa ako, may bigla akong napansin na pumasok, pero hindi ko pinansin.

"Andrew." Sabi nung babae. Sino naman yun? Hindi naman si Akira o si Sabrina yun.

"Andrew." Ang kulit naman nitong babaeng to. Kaya nga ko pumunta dito para magkaroon ng katahimikan tong buhay ko eh, tapos dakdak ng dakdak.

Tama! Naalala ko na, siya yung bagong member ng STAR 7. Tsk.

Sinara ko yung librong binabasa ko at ipinatong sa mesa.

"Hindi mo ba nakitang nagbabasa ako?"

"Eh bakit ang sungit sungit mo? May period ka noh?" Sagot niya.

Tsk. Bakit ba siya napasama samin? Mukha namang pagdakdak lang ang alam nitong gawin.

"Tssss."

"Andrew." Ayan na naman, salita na naman siya ng salita. Ano bang kailangan niya sa akin?!

"Ano na naman ba?!"

"Kilala mo ba si Mica?... Mica Fernandez." Tanong niya.

Paano niya nakilala si Mica? Tsaka andito si Mica sa Pilipinas? Akala ko ba nasa London siya?

"Bakit mo tinatanong?"

"Ang sabi niya kasi sa akin, kababata mo daw siya."

I can't believe this! Andito si Mica sa Pilipinas? For what reason?

"Bakit kilala mo siya?" Tanong ko.

"Nameet ko siya nung nag entrance exam ako dito." Ibig sabihin dito rin siya nag aaral? Tss.

Tumayo ako at nagsimulang nang maglakad palabas ng SP.

"Uy!! Saan ka pupunta? Ang gara mo naman eh!" Sigaw nung nakakainis na babae.

"Wala kang pakialam." Bat ba ang dami niyang tanong.

Nagsimula na akong maglakad lakad. Mabuti nalang at walang masyadong tao dahil oras ng klase nila. Pumunta ako sa narra tree na malapit sa main building. Medyo tago tong puno na to kaya dito ako lagi nagse-stay. Tahimik at peaceful.

Kilala mo ba si Mica?... Mica Fernandez? Naalala ko na naman ung sinabi nung maingay na babaeng yun.

Andito na pala si Mica... Its been a long time simula nung huli kaming nagkita.

| FLASHBACK |

Naglalaro sina Akira at Mica habang nagbabasa si Andrew. Biglang lumapit sina Akira at Mica kay Andrew. 

"Akira, Andrew, May sasabihin ako sa inyo." Sabi ng batang si Mica.

"Ano yun Mica?" Tanong naman ni Akira

"Sabi ni dad, pupunta daw kami sa malayong lugar." -Mica

"Wow! Saan?" -Akira

"Hindi ko alam eh." Sagot naman ni Mica

"Eh kelan ka babalik, Mica?"

"Sabi ni dad, hindi na daw kami babalik."

"Eh sino nang kalaro ko?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Akira.

Napatingin si Mica kay Andrew at agad niya itong kinalabit. "Andrew? Nkikinig ka ba sa amin?" Tanong ni Mica .Tumango lang si Andrew bilang sagot.

"Andrew, bantayan mo lagi si Akira ha?" Bilin ni Mica kay Andrew

Tumayo si Andrew at sinabing "Oo, basta ipangako mo na lagi kang magpapadala ng sulat para sa amin ni akira. O kaya mag e-mail ka."

"Pangako!!!" Sabi ni Mica habang nakataas ang kanang kamay.

Dumating ang panahon na kinailangan nang umalis ni Mica papuntang London. Naiwan sina Akira at Andrew.

Habang tumatagal, pakonti na ng pakonti ang sulat at e-mails na ipinadadala ni Mica para kina andrew at Akira. Hanggang sa nawala na ng communication sa pagitan nila.

| END OF FLASHBACK |

"Tsss. Sinungaling" Sabi ko sa sarili ko habang inaalala ung mga panahong yun.

Bzzzzzt. Bzzzzt. (Vibrate ng phone)

- - -

From: Nathan

Bro, Umuwi ka daw ng maaga. May aattend-an ka daw na business meeting sabi ni dad.

- - -

Tss. Business meeting na naman. Bakit hindi nlng si dad ang umattend? Sabagay, sanay na ako. Simula nung tumungtong ako sa college ako na ang itinetake over ni dad sa mga minor meeting sa kumpanya. Highschool palang kasi si Nathan. Oo, may kapatid ako, si Nathan.

Tsk. Makabalik na nga lang sa SP para makuha ung gamit ko.

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon