Chapter 4: Choisi University, Here I Come! :)

1.3K 34 2
                                    

| KYLA'S POV |

June 5, 2012

First day of school ngayon. Wow, suot ko ngayon yung bago kong uniform. It feels a bit weird, hindi ako sanay sa ganitong uniform. Pero.. Bakit ganon? Kinakabahan ako! Pero sabagay, ganon naman talaga ang feeling kapag first day. NAKAKAKABA.

Nagcommute na lang ako papuntang school, tinext ko na din si mica at sinabi ko sakanya na magmeet kami sa main gate. 

*********************************************************

Ilang sandali lang matapos kaming pumasok ni Mica, ini-announce na sa buong campus na lahat na student magform ng line sa school grounds.

"Good Morning Everyone! On behalf of the school administrators, I welcome you all to Choisi University! I would like to formally open the annual year, 2012- 2013!"

Nagpalakpakan kami, yun palang nagsalita kanina ay ung Senior Principal ng University. Maya maya lang, biglang may umakyat sa stage, middle-aged woman, siguro around 27? Sabi nung mga nagbubulungan, siya daw ung Junior Principal. Hindi ko alam kung bakit may senior and junior principal pa sila, eh samantalang sa dati kong school isa lang ang principal 

"Kyla, tignan mo oh! Siya daw ung junior principal"

"Onga eh, ang ganda niya noh? Di halatang stress siya sa trabaho. Hahaha!"

"Oo! Pero...Mas maganda tayo eh!" Biro ni Mica. Nagtawanan lang kaming dalawa. Habang tumatagal, mas nagiging close kami nitong si Mica.

| MICA'S POV |

Hello readers! Gusto ko muna ipakilala ang sarili ko. Hahaha! Ako nga pala si Mica Fernandez, architecture student. Ang parents ko ay may-ari ng iilan sa mga successful companies dito sa Pilipinas. Pinili kong mag-aral dito sa Choisi University para makasama sa STAR 7.

Actually, kaya naman namin bayaran ang tuition dito, kaya ko lang naman grinab ang chance na magkaroon ng scholarship ay para may mapatunayan ako sa parents ko. Ganon naman lagi, they always think that I'm not good enough as their daughter. Minsan nga naisip ko, ampon lang ako eh. 

Anyway, I'm happy na nameet ko tong si Kyla. Mabait naman siya sa akin, I don't think makakasagabal siya sa mga plano ko. Kaya lang medyo nainis ako sa kanya nung nalaman kong siya ung top 1! Akala ko talaga, ako na yung top 1 eh!

But still, I'm happy kasi nakapasok na ako dito sa university na to, mas malaki na ang chance kong makapasok sa STAR 7.

"Mica! Mica! Uy?" Sabi ni Kyla habang winiwave yung kamay niya sa muka ko.

"Oh?"

"Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman nakikinig sakin!"

"Hahaha! Bakit? Ano ba sasabihin mo?"

"Sabi nung speaker, pumunta na daw tayo sa kanya-kanyang classroom"

"Ay! Sige!"

"Hahaha! Ang pre-occupied mo kasi eh!"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ko papunta sa classroom.

"Naku Mica! Mabuti nalang at meant to be talaga tayo! Tignan mo, magka-section pa tayo!"

"Oo nga eh," Tinignan ko ung registration form ko. Section 3-A.

Pumasok na kami ni Kyla sa loob ng room, may mga tao na din na iba. Pumasok na rin yung magiging adviser namin.

| KYLA'S POV |

Nako, kanina ko pa kinakausap tong si Mica, nakatingin lang sa kawalan! Eh pupunta na kami sa classroom. Hahaha!

"Mica! Mica! Uy?" Winave ko ung kamay ko sa muka nya.

"Oh?" Hay! Salamat! Bumalik na siya sa reality. Hahahaha!

Sinabi ko sakanya na pumunta na kami ng classroom. Mabuti naman at magkasection kami. Sa totoo lang, ang gulo dito sa school na to! Sabi nung speaker kanina, sa 1st week of classes daw, halo-halo pa, kumbaga hindi pa magkakasama lahat ng magkaka-course kasi orientation palang daw. ANO KAYA YUN?! Tapos sa 2nd week onwards, dun lng magsasama ung mag-kakacourse para sa specialization nila. ANG GULO! Weirdo! Meron pa daw kasing selection test! Ay! Ang gulo! EWAN!

Nakarating na kami ni Mica sa room at umupo na kasi pumasok na rin ung proctor namin eh.

"Good Morning Everyone! I am Prof. Jeanne Cruz, I will be your proctor for the first week of classes. As you all know, orientation palang naman ang first week. Next week, saka niyo mamemeet yung mga professor niyo sa bawat subject. So, kumusta naman kayo guys?"

Kanya-kanyang sagot kami. Umingay sa loob ng room.

"Wow, mukhang active kayo ah! So, perhaps, some of you are new students? Sinong new students dito?"

Halos kalahati ng klase namin nagtaas ng kamay.Hala, ang dami rin pala naming new student!

"Woah, andami niyo ha! Okay! So, for your information, tomorrow will be the selection of the new members of the STAR 7."

Nagsigawan yung iba, siguro yung mga old students.

"Since karamihan sa inyo ay new students, I'll explain it to you guys, dito kasi sa Choisi University, we have this tradition na every 2nd day ng classes, we usually held an examination for the whole student body na tinatawag naming "Selection Test". Dito namin malalaman kung sino ung Top 7 na pinakamatatalino sa buong school. Kaya nga diba, halo-halo pa kayo ng 1st week?" Sabi ni Ms. Cruz. 

Ahhh! Medyo na-gets ko na! Kaya halo-halo pa kami ng first week kasi may gaganapin pang "Selection Test".

"So, pagnapili na ung Top 7 na yun, syempre mayroon silang privileges na matatanggap. FYI, The members of STAR 7 are highly respected and are often seen being elaborately greeted by other students, the STAR 7 class has its own building, a 19th-century styled greenhouse called "The School's Paradise". And lastly, their uniform is also different from the standard uniform."

Halos lahat halatang amazed sa mga narinig nila. Kitang kita yun sa bawat mukha ng bawat isa sa amin.

GRABE. AMAZING! Hindi ko akalain na may ganito pala sa school na to. Kakaiba talaga! Pero ang sabi ni Prof. Jeanne, yung top 7 na matatalino sa BUONG SCHOOL ang makakasama, asa pa ko!

"Sounds great, right?" -Ms. Cruz

Isa sa mga kaklase namin ang nagtaas ng kamay.

"Hi schoolmates, my name is Kris! Old student na ko dito. In addition to what Prof. Jeanne said a while ago, for the past 3 years, wala parin ang nakakabuwag sa STAR 7. Sila sila pa din ang nareretain sa STAR 7. So, Wag na tayong umasa" Sabi nung babaeng tumayo.

Tapos umupo na siya, Medyo may pagka-nega tong si Kris eh noh?

"Kris, malay mo naman, one of your classmate here ay makasama! At isa pa, yung Rank 4 ngayon na si Megumi Nakahara ay mangingibang bansa. So may chance na kayong makapasok! Tsaka being part of the STAR 7, hindi lang naman puro priveledges ang meron sila, syempre in exchange of that, they have a big responsiblity sa school. They are in collaboration with the Student Council sa paghahandle ng student body."

************************************************************

Natapos na din ung first meeting namin, half day lang. Naglakad na kami ni Mica palabas.

"Bukas daw, bago mag selection test, may program ah! Ipapakilala yung STAR 7."

"Talaga??? Grabe! Ganon sila kasikat? Meron pang introduction?" I curiously asked.

"Oo, gusto ko nga mapasama sa kanila eh."

"Nako! Mica! Suportado kita!!!" Sigaw ko.

"Ikaw? Wala ka bang balak na makasama sa STAR 7?"

Napaisip ako.. "Hmmm, Okay lang naman, kung papalarin, pero masaya naman ako kahit sa normal class lang ako. Basta, makakapag aral!"

Tumingin lang sa akin si Mica, minsan hindi ko mawari ung mga tingin niya. Minsan, friendly look. Minsan, parang galit. Eh, Ewan! 

YAY! Excited na ako pumasok bukas! 

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon