Chapter 34: Things that were left unsaid.

1K 27 4
                                    

| KYLA'S POV |

Konting render na lang. Hihihi. Matatapos na yung plate ko ❤

Haaay! Ilang araw na lang uuwi na si Andrew. Hihihi. :') Kaya good vibes ako ngayon.

Simula last week, Naayos na rin lahat, Back to normal na. Wala namang umaaway sa akin o ano man. Although alam kong may galit pa din sa akin yung mga fangirls ni Andrew.

Nasuspend din daw pala sila Mica at saka yung mga kaibigan niya.

"Wow. Ganda naman nyan." Napalingon ako sa nagsalita.

"Charles?"

"Yow. Sorry bigla akong napadaan dito sa SP, Alam ko kasing dito kita mahahanap eh."

"Hahaha! Upo ka Charles, Bakit? May sasabihin ka ba? Or what?"

"Hmmm, Namiss lang kita."

"Hahaha! Ikaw talaga!" >////<

"Eh pano, Busy na naman tayo nung nakaraang week hanggang ngayong week, Tapos magffinals pa."

"Oo nga eh, Grabe no! Tapos 4th year na tayo next year!"

Hala, Amazing! Ang bilis ng panahon! =)))

"Oo nga eh. Kyla..."

"Mmmm?" Sabi ko habang nagddrawing.

"Ano--uhm--p-pwede ba kitang ligawan?"

LIGAWAN? O_____O

"L-ligawan?"

"Oo, Kyla, dati ko pa kasi sinasabi sayo na gusto kita."

"Pero kasi Charles.."

"Ano?"

"I'm sorry." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. (>.<) Mabait si charles, pero para ko lang siyang kapatid. Ayoko siya masaktan pero, ayoko rin naman na umasa siya.

"Wala ba talaga akong pag-asa? Kahit 1% lang?" Sabi niya tapos tumawa siya.

"Charles naman eh..."

"Aray ah, Hindi pa nga ako nanliligaw, Nabasted mo na ko."

"Ihhh, Sorry. Ayoko lang na masaktan ka."

Ang awkward talaga ng mga ganitong moments. Pffft. (╯3╰)

*******************************************************************

| CHARLES' POV |

Pre-emptive Supalpal. >.<

Na-friendzoned ako.

Hindi pa ako nanliligaw, Binasted na ako.

Lagi na lang ganito, Nagkakagusto ako sa mga taong hindi ako gusto.

Pero naiintindihan ko din naman si Kyla. Siguro ayaw niya lang talaga na umasa ako. Ayos na rin to. Basta. Andito lang ako lagi para sa kanya.

"Hmmm, Kyla, if you don't mind me asking, May iba ka na bang gusto?"

Napatingin lang si Kyla sa akin. Yung mga mata niya parang sumasagot na "Oo, May iba na akong gusto"

"W-wala."

"Sus, Halata naman! Sino yan? Nako, Pagsinaktan ka niyan, Lagot sa akin yan!"

Ngumiti lang si Kyla.

Dyan. Dyan sa ngiting yan ako na-in love.

"Basta Kyla, Andito lang ako lagi para sayo ha?"

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon