Ermergerd Readers! After asdfghjkl years! Nakapagupdate din ako, Mejo lumuwag na sched ko dahil kakatapos lang ng madugo naming exams -__-" So ayun! Enjoyyy!
********************************************
| ANDREW'S POV |
Nasa ospital na ako ngayon, Andito.. Sa tabi ng pinaka-accident prone na taong nakilala ko. Sa taong walang ginawa kundi pag-alalahin ako.
Hindi pa nga ako nagtatagal ng one week sa France, Andito na agad ako sa Pilipinas..
Pagnagising si Kyla.. Ano kayang sasabihin niya sa akin? Iiwasan ba niya ako dahil sa nangyari nung nakaraan?
Nakatingin lang ako sa peaceful niyang muka, Ang ganda niya talaga...
Andito rin sina Akira ngayon, Pati si Tita Malou, Kanina nagkkwentuhan lang kami. Mula airport, dumiretso agad ako dito.
*Beep Beep Beep* Napatingin ako sa monitor sa tabi ko, ANONG NANGYAYARI?
"KYLA?!" Nagulat na lang nung biglang naghabol si Kyla ng hininga.
"Nurse!!!" Sigaw ni Tita Malou habang palabas ng kwarto.
Hinawakan ko yung kamay ni Kyla..
"Kyla!! Huy!!! Gumising ka dyan!!" Nasasaktan ako sa nakikita ko, naghahabol siya ng hininga tapos patuloy sa pagbeep yung machine sa gilid ko.
"Kyla!!" Sigaw ko, Putragis, Wag mo naman akong iwan Kyla!
Biglang dumating yung mga nurse pati yung doktor. Lumapit sila kay Kyla.
May mga kinalikot sila sa machine. Tapos chineck yung paghinga ni Kyla, Kalmadong kalmado sila sa ginagawa nila.
"Anong bang ginagawa niyo?!?! Nahihirapan nang huminga si Kyla!!! Gumawa kayo ng paraan!" Sigaw ko sa mga nurse, Tangina, Hindi ko kakayanin kapag nawala si kyla.
"Tama na, Andrew!" Pigil ni Sabrina at Akira sa akin.
"Diyos ko, Tulungan niyo po kami. Tulungan niyo si Kyla." Umiiyak na sa tabi si Tita Malou. Pati sila Akira naiiyak na.
Hindi ko na kaya yung nakikita ko, Feeling ko anytime titigil yung paghinga ni Kyla, Nagiging irregular na yung paghinga niya.. Patuloy sa pagbeep yung machine..
Lumabas yung mga nurse.. BAKIT BIGLA SILANG LUMABAS? Kailangan ni Kyla ng tulong! Pilit akong lumapit sa gilid ng kama ni Kyla.
"Sir, Wait lang po." Pagpigil sa akin nung isang doctor.
"Bitiwan mo ako." Binalikwas ko yung kamay niya.
"Kyla!" Sabi ko habang hawak yung kamay niya.
Natatakot ako.. Natatakot ako sa nakikita ko. Ayokong mawala siya.. Hindi ko kaya.
"Hoy!! Kyla!! Gumising ka diyan!! Hindi mo ako pwedeng iwan!! Naiintindihan mo ba ako?" Bigla na lang tumulo yung luha ko. Tangina, Hindi ko mapigilan. Gumising ka please..
"Huuuy!! Diba gagawin pa natin yung bahay na drinowing mo, Magpapapak pa tayo ng nutella! Magwiwish pa tayo sa star, Dadalhin pa kita sa Paris, Please.. Kyla...Pakakasalan pa kita..."
*Beeeeeeeeeep*
O_________O
Napatingin ako sa monitor...
Straight Line...
Naririnig ko na lang yung iyak nila Tita Malou, Natigilan ako.. Si Kyla...
"Nagkaroon ulit siya ng brain hemorrhage, Ikinalulungkot ko pero.."
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
Novela JuvenilMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...