| AKIRA'S POV |
Argh. Nayayamot na ko. Wala akong matinong design na nagagawa. Kailangan ko nang matapos yung project ko!
*Bzzzzt Bzzzzt*
- - -
From: Gab
Akira, Kumain ka na ba? Labas tayo!
- - -
Haay. Gab, mabuti na lang andyan ka palagi.
Obviously, matagal ko nang gusto si Gab. Simula first year college, kami kami na ang magkakasama sa STAR 7. Hindi ko alam kung napapansin niya yun. Pilit kong tinatago kasi alam ko naman na friend lang turing niya sa akin.
Close naman kaming dalawa. "Bestfriends" nga kami, sabi niya pero talaga bang "bestfriend" lang turing niya sa akin?
Ginawa ko na ata lahat ng pagpapapansin dyan kay Gab pero mukhang di pa din niya makuha. Nahihiya naman akong umamin kasi kahit papano babae pa rin ako. Gusto ko pa din na ako ang lalapitan ng lalaki.
- - -
To: Gab
Sige. Kita nlng tayo sa mall.
- - -
Ang bait kasi ni Gab sa akin eh tapos ang sweet. Ewan ko ba! Baka assuming lang ako na sweet siya sa akin. Ahhh! Ewan! Naguguluhan din ko. Siguro okay na din na ganito kami, atleast nakakasama ko siya lagi.
Inayos ko na ung gamit ko tapos pumunta na ko sa mall.
*************************************************************
"Oh, ano Akira! San mo gustong kumain? Libre ko! Mukhang haggard ka na sa kakagawa ng design."
"Kahit saan. Okay lang."
"Hay Nako, pagnagpagawa ako ng restaurant, ipapangalan ko "Kahit saan!" tapos ang mga pagkain "Kahit ano" "ikaw ng bahala" Nang sa ganon, marami ang bumili!"
"Ha-Ha-Ha! Corny mo Gab! Last mo na yan ah!"
"Hahaha! Sige na nga. Ako na mamimili. Halika!" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko tapos hinila ako sa kung saan.
Naiinis ako kay Gab! Bakit ba ang sweet niya. Nakakainis! Hindi ba niya alam na lalo akong nahuhulog sa kanya!
Nakarating na kami sa isang resto tapos umorder na din kami.
"Uy! May gagawin ka pa ba mamaya?" Tanong sa akin ni Gab.
"Meron. Andami nga eh! Ikaw? Parang petiks ka ah?"
"Eh, tapos na ako eh!"
"Weh?!"
"Oo, blueprint lang naman ang gagawin tsaka ilang mga worksheets."
(A/N: Yow readers! Si Gab po ay isang engineering student, kagaya ni Andrew! :3)
"Ohhh. Eh di ikaw na!"
"Talaga! Uy! Wag ka muna uuwi, may pupuntahan tayo! Tsaka may sasabihin ako."
May sasabihin siya Ano naman kaya yun?
"Hmmm, sige." Sagot ko na lang.
Habang kumakain kami. Iniisip ko pa din kung ano yung sasabihin niya tsaka saan kami pupunta? Haaaaay.
************************************************************
| GAB'S POV |
Tinitignan ko si Akira habang kumakain. Di pa rin siya nagbabago. Ang kalat kumain, parang bata. Hahaha!
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
Genç KurguMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...