Chapter 14: A day with Mr. Sungit.

1K 26 1
                                    

| ANDREW'S POV |

Bago ako umuwi dumaan ako ng registrar. Pinakiusapan ko yung staff na ipakita sa akin yung record nung babaeng maingay.

"Miss, can I check Ms. Kyla Monteverde's record." Sabi ko pagkatapos ay binigay na sa akin nung staff yung record. Kinuha ko lang yung address niya. Sinabi ko sa kanyang aalis kami bukas. Tsss. Kailangan na namin maayos yung venue ng event at tsaka para makabili na din kami ng mga kakailanganin.

***********************************************

"Andrew, how was school?" Here we go again. Nangungulit na naman si dad. Palibhasa, wala siyang pasok ngayon.

"Fine."

"Oh, by the way Andrew, tumawag yung dad ni Mica. Umuwi daw si Mica dito sa Pilipinas. Tinatanong nga kung dito nagstay sa atin eh."

"...." Tsss. Wala akong pakialam.

"Uy! Andrew! Umamin ka nga! Baka mamaya may balak kayo ni Mica magtanan ha!" Bintang ni dad.

"Dad, for Pete's sake! Una sa lahat, hindi ko gusto si Mica. Pangalawa, wala akong pakialam sa kanya."

"Hahahaha! Alam mo anak, hindi ko alam kung kanino ka nagmana ng ugali. Magphinga ka na nga. Pagod ka lang" Ganyan si dad. Magkaibang magkaiba kami. Lalo na sa ugali. Tss.

Makapagpahinga na nga.

***********************************************

| KYLA'S POV |

"Naku, bahala na nga siya!" Sabi ko sa sarili ko.

Eh pano naman kasi! Hindi naman niya sinabi kung saan kami magkikita. Hindi naman siya nagrereply. Ano kaya yun!

Pero naligo na rin ako. Just in case bigla siyang magtext kung saan kami magkikita.

7:39 am. Aga pa pala.

*Beeeeeep!!! Beeeeeeep!!! Beeeeeep!!!*

Aba naman! Yung sasakyan na yun, kung makabusina naman! Over!!

*Beeeeeep!!! Beeeeeeep!!! Beeeeeep!!!*

Ugh, ano ba yan! Hindi ba niya alam na maaga pa?! Ang ingay niya!!

Sinilip ko sa bintana kung sino yun. Kasi, last time I checked, wala namang may sasakyan dito sa kapitbahay.

Pagsilip ko sa bintana. May isang black na sasakyan. Aba! Mukang bago ha. Kanino naman to. Tsss.

*Riiiiing Riiiiiing*

Andrew Calling...

Thank you lord at naisipan na niyang tumawag. Tsk.

"Hel---"

"Baka balak mo nang bumaba dyan. Kanina pa ko bumubusina dito" 

"Ibig..Ibig sabihin ikaw yang nasa baba."

"Bilisan mo. Pagnainis ako, iiwan kita."

"Teka!" Sigaw ko habang nagmamadaling bumaba. Sinara ko na ang pinto at gate at agad na lumapit sa sasakyan. Binuksan na niya ung pinto sa front seat tapos pumasok na ako sa kotse.

"Ang tagal tagal mo!" Pagrereklamo ni Andrew.

"Aba naman! Kasalanan mo yan! Hindi mo sinabi na susunduin mo ko!"

"Kasalanan ko pa ngayon? Sinundo na nga kita!"

"Oo. Ang ingay ingay mo! Natutulog pa mga kapitbahay ko, busina ka ng busina diyan!"

"Tssss. Ewan." Matabang niyang sabi at pinaandar na niya ung kotse.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon