| ANDREW'S POV |
Andito ako ngayon sa may Narra tree. Nakasandal. Masyadongkasing busy yung mga tao dun sa SP. Buti nalang mahangin dito. Hindi rin masyadong mainit kasi natatakpan naman ng puno ung sikat ng araw.
Napapikit nlng ako habang nakasandal.
"Andrew!! Andrew!!" Sigaw ng isang babae. Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa akin.
"Oh shit." Sino ba to? Bat biglang nangyayakap?! Ugh.
"Namiss kita!! Sobra!!" Sabi niya habang nakayakap pa din sa akin.
"Teka nga! Sino ka ba?" Sabi ko sakanya habang inaalis ko yung pagkayakap niya sa akin. Pagtanggal ko sa pagkakayakap niya sa akin. Napatingin ako sakanya...
She looks familiar.
"Andrew, hindi mo na ba ko naaalala? Si Mica to!!" Mica?
Right. Si mica nga! Its been a while simula nung huli kaming nagkita.
"Andrew. Ano na? Wala ka man lang bang sasabihin?" Napaupo na rin siya sa grass. Sa tapat ko.
"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong
"Nakita kasi kitang naglalakad kanina eh kaya sinundan na kita. Antagal kong inantay tong chance na to para makita at makausap ka!"
"Ah." Matipid kong sagot.
"Ah? What the hell, Andrew?! Yun lang ba ang sasabihin mo? Ano? Galit ka pa din ba sakin?" Sabi niya sabay yuko. "Sorry. Sorry kong bigla akong hindi nagreply sa mga emails mo. Alam kong galit ka pa din dahil dun, Andrew pero tignan mo, andito na ako ngayon."
"You know what, I don't care."
Dati nung bata palang ako, simula nung namatay si mama, walang nang lumalapit sa akin dahil alam nilang ganito ang ugali ko. Wala akong nakakasundo sa mga nagiging kalaro ko. Iniisip kasi nila na masama ang ugali ko dahil tahimik ako at hindi masyadong nakikipagusap sa iba kaya walang gustong makipaglaro sa akin. Maliban kay Mica. Siya lang ang nakatagal sa ugali ko. Siya lang nagtatiyagang makipaglaro sa akin. Sabay rin naming nakilala si Akira.
Pero nung pumunta siya ng London, bigla nalang siyang hindi nagparamdam, nagpromise promise pa siya na walang makakalimot tapos siya din naman yung nakalimot. Anong ba namang trip yun?
"Andrew. I'm really sorry." Umiiyak na siya ngayon.
"Mica, will you stop crying? Okay, fine! Let's act as if nothing happened. That's it." Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko.
"Hindi mo na ba ako gusto?!" Sigaw niya.
"Anong sinasabi mo?"
"Hindi mo na ba ako gusto? Hindi mo na ako mahal?"
"Mica, kaibigan kita, parang kapatid ang turing ko sayo. Anong pinagsasabi mo?"
"What? All this time hindi mo man lang ako nagustuhan?"
"Sinabi ko na sayo, parang kapatid lang ang turing ko sayo...sa inyong dalawa ni Akira...." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko naramdaman ko na ang palad niya na tumama sa mukha ko. She slapped me so hard, I can feel my jaw dropping. Just.. WHAT IS WRONG WITH HER?!!
"Etong mukang to, hindi mo man lang nagustuhan?!" Sigaw niya ulit
SHE IS TOTALLY CRAZY!! Ang sakit nung sampal niya ha at ano bang sinasabi niya! Nababaliw na ba siya? Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
"Paano tayo? Diba i-ffix marriage tayo?"
"Last time I checked, sa ibang lalaki ka na ipapakasal ni Tito Arthur, at isa pa, nag-usap na kami ni dad, nangako siya na hindi na niya ako papakealaman. Lalong lalo na sa mga kasal kasal na yan!"
"Bakit ha, Andrew? May iba ka na bang gusto?" Ano bang gagawin ko para manahimik na siya? Tsk. Hindi ba talaga niya maintindihan na kaibigan lang ang turing ko sa kanya?
"Meron! Meron! Kaya manahimik ka na!" Iritang irita na ko sa kanya. Bukod sa sinisigawan niya ako. Kung ano ano pang kabaliwan ang sinasabi niya.
"Sino! Sino siya?!"
"Pwede ba,Mica. Tigilan mo na to. Its none of your business!"
"Andrew, hindi pa tayo tapos! Hindi ako makakapayag!" Sabi niya sabay walk out. Ewan ko ba! Ang labo talaga ng mga babae minsan! Tsk, tsk. Napunta lang sa London kung ano ano nang pinagsasabi.
***********************************************
| KYLA'S POV |
Yay! Andito ako sa event hall ngayon kung saan gaganapin yung Last Nights Dance. Grabe! Ang laki ng hall na to. Mabuti na lang at tinulungan kami ng ibang mga students sa pag dedecorate ng hall. Worth it din yung pagpaplano at pag aaway namin ni Andrew. Hahahaha! Naeexcite na ako sa Foundation day!!
Pero teka nga... Nasaan na nga pala si Andrew? Nung nagsimula kami magdecorate dito. Wala na siya eh. Tsk. Di man lang tumulong sa pagdecorate.
Haaaay! Kakapagod! Maka-uwi na nga!
******************************************************************
Habang naglalakad ako palabas ng University...
"Psst!" Sino un?! OMG! May multoooooo!!
"Hoy!" Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Ay! Kabayong butike!" Paglingon ko si Andrew lang pala.
"Ang nerbyosa naman nito."
"Eh pano naman noh, mag gagabi na, nangugulat ka dyan."
"Tsss."
"Bat nga pala wala ka kanina? Hindi ka man lang tumulong!"
"Ako nagplano nun noh! Bakit pa ko tutulong dun?!"
"Excuse me, TAYO nagplano nun noh!" Psh! Feeler!
"Okay, sabi mo eh."
"Talaga!"
Silence.... Akward Silence....
"Di ba magkakilala kayo ni Mica?" Pagbasag ni Andrew sa katahimikan.
"Oo, Bakit? Yiiiiieee! Miss mo na siya no?" Pang-aasar ko.
"Hindi ah!!" Defensive na sagot ni Andrew.
"Wooooh! Deny pa to."
"Psh.. Eh kung magkaibigan kayo, bat di ko kayo nagkikitang nag uusap?" Natigilan ako sa tanong ni Andrew.
"Kasi.. Ano kasi.. Nagalit siya sa akin..."
"Bakit?"
"Kasi ako ung nakapasok sa STAR 7, bago pa man magselection test, nabanggit na niya sa akin na gustong gusto niya makapasok sa STAR 7. Wala naman akong intensyon na masama tsaka di ko rin ineexpect na ako yung mapapasama dito." Pagpapaliwanag ko.
Tahimik lang si Andrew.. Ano kayang iniisip nitong lalaking to? Hmmmm...
"Uhh.. Andrew, una na ako ha! Bye!!!" Sabi ko sabay takbo palabas ng gate. Err.. ewan, pero ang awkward ng usapan namin na yun.
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
Teen FictionMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...