| KYLA'S POV |
After nung program, sinabi na sa amin na kailangan na namin pumunta sa kanya kanyang room para masimulan na ung selection test.
| AFTER 3 HOURS |
Ano yun?! Exam ba yun?! Mas malala pa yun sa tinake ko nung nag entrance ako dito ah! Grabe naman!
"Girl! Hirap ng exam!" Nanghihinang sabi ni Jelly. Agree naman ako! Grabe! Ano ba naman yun?
"I knoooow!!" Sang-ayon naman ni Kae
Napansin ko na tahimik lang si Mica kaya kinalabit ko siya.
"Uy, Nahirapan ka ba?" Tanong ko.
"Oo, medyo." Matipid niyang sagot.
"Naks naman! Alam mo feeling ko, ikaw na papasa!!!!" Hindi pa rin naaalis sa mukha ni Mica yung pagkaseryoso. Halatang halata na determinado siyang makapasok sa STAR 7.
"Sana...." Mahina niyang sagot.
Sa tuwing titignan ko si Mica, hindi maiwasan na isipin na talagang gusto niya ulit mameet ung kababata niyang si Andrew.
Biglang pumasok si Ma'am Jeanne sa room, nagsibalikan naman lahat ng mga estudyante sa upuan nila. Pumalakpak ng tatlong beses si ma'am para makuha ang atensyon ng lahat.
"Class, I want you to know na computer ang magccheck ng papers niyo, And... Bukas niyo na malalaman ang results."
WHAT? AGAD AGAD? RESULTS AGAD? SERYOSO BA YUN? WHAT THE!
"Girl!!!! Rinig mo un!" Sigaw ni Jelly.
"Yes! Yes! Hindi ako bingi, pero...Grabe!!!! Kinakabahan ako!" Sabi ko.
"Hay nako, di na ako umaasa!" -Kae
"Ikaw, Mica, nadalian ka ba sa exam?" Tanong ko.
"Medyo." Matipid na sagot ni Mica. Ayan na naman ang seryosong facial expression ni Mica...
"Kumain nalang tayo mga sis!" Sigaw naman ni Jelly.
Pumunta kami sa isang fastfood chain, kumain at nagkwentuhan. Para sa akin, hindi naman talaga importante kung makasama sa STAR 7, ang importante, makapag aral ako.
********************************************************
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Nagkita kita kami nina Jelly, Kae at Mica sa gate at dumiretso na rin sa classroom.
Ilang sandali lang, pumasok na rin si Ma'am Jeanne.
"Class, the new members of the STAR 7 will be announced in a bit"
"Ugh! Rinig ng buong school yung announcement! Nakakaexcite talaga tuwing may ganito!" Sabi ni Jelly.
SPEAKER: Good Afternoon Students, At this moment, we would like to announce the new members of the STAR 7. Starting from rank 7, with an average of 94.85%, Neil Chua"
Grabe, Sigawan lahat, pati ung mga katabi naming room rinig yung sigawan.
"Rank 6, with an average of 95.07%, Ms. Akira Yamamoto"
Sigawan nanaman! Nakikisigaw nalang akooo. Woooooh!!!
"Rank 5, with an average of 95.48%, Mr. Gab Dela Vega"
Kinalabit ako ni Jelly.
"Bakit?"
"Unbreakable talaga ang STAR 7, Sila sila pa din ang magkakasama!"
"Mukha nga eh."
"Rank 4, with an average of 95.79%, Ms. Sabrina Gaden"
Ang daming nagbulung-bulugan. Nagtataka sila kung bakit bumaba ung rank ni sabrina.
"OMG GIRL!!! Bumaba yung rank ni Sabrina! Ibig sabhin may nadagdag sa STAR 7!" Masayang sabi ni Jelly.
"Rank 3, with an average of 96. 45%, Sam Gaden"
Lalong mas umingay sa classroom, dahil bumaba ung rank nung kambal. Ang ibig sabhin, may pinabagong member ang STAR 7. Its either may nakatalo sa pagiging rank 1 ni Andrew o May panibagong rank 2.
"Rank 1, with an average of 98.23%, Andrew Madredia"
"Hala! Lumaktaw!! May nagdagdag sa STAR 7!" Sigaw nung isa kong kaklase ko.
Ang dami na namang nagbulung-bulungan. Napalingon ako kay Mica, tahimik lang siya, pinagdadasal ko na sana siya nalang ang makapasok, nakikita ko sa mata na gusto niya talagang makapasok.
"We are very pleased to announced to you that there will be a new member to the class STAR 7, for the record, we would like to welcome our new rank 2, with an average of 97.45%, Ms..."
Kabado lahat. Complete silence. As in walang nagsalita kahit isa.
"...Ms. Kyla Monteverde, Congratulations!"
"Ms. Kyla Monteverde, Congratulations!"
"Ms. Kyla Monteverde, Congratulations!"
"Ms. Kyla Monteverde, Congratulations!"
NAG EECHO SA TENGA KO.
Nagsigawan yung mga kaklase ko, dinudumog nila ako. Wala pa din ako sa katinuan. TOTOO BA? AKO? PARTE NG STAR 7?
"KYLAAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw ni Jelly, halos mabingi ako sa pagsigaw niya.
"OMG!! Can you believe it? Parte ka na nga STAR 7!!!!!!!!!!!!!"
Nagsisigawan pa din yung mga kaklase ko, hindi ko maexplain yung saya, nakikita ko si Ma'am Jeanne na nakikisigaw sa mga kaklase ko, nakita ko si Mica na lumabas ng classroom.
MASAYA AKO.
MASAYANG MASAYA.
Kaso... Nung nakita kong lumabas si Mica sa room, Hindi ko maiwasang hindi malungkot.
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
Teen FictionMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...