| ANDREW’S POV |
“TIFFANY AMBER MADREDIA!!!” Narinig kong sumigaw si Kyla.
Andito ako sa office/Study room namin sa bahay. Naririnig ko yung mga kalabog ng paa sa taas, Naghahabulan na naman yung dalawa.
“WAG KA MAKULIIIIT!” Sigaw ulit ni Kyla.
Konting render na lang matatapos ko na tong site plan na kailangan kong ipasa sa next week. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pintuan.
“DADDYYYYY!!!! SI MOMMY OH!!” Sabi ni amber sabay punta sa akin tapos nagpabuhat. Suot suot na niya yung swimsuit niya tapos nasa bewang niya yung salbabida niya.
Hingal na hingal naman na pumasok si Kyla sa study room.
“Amber! Hubarin mo na yan! Mamaya mo pa yan susuotin! Tara na, Magpaligo ka na kay yaya, Dali!”
“No mommy! The water is so cold!” Pagtatampo ni Amber, Buhat buhat ko pa rin siya ngayon.
“No baby, Hindi na malamig yung tubig. Tara na, Dali. Inaantay ka na ni yaya sa taas. Sige ka, Magagalit si daddy kapag hindi ka naligo!”
Tumingin naman sa akin si Amber… She gave me a puppy look eyes.
“Maligo ka na, Amber. Okay? Para aalis na tayo mamaya.” I saw her smile :)
“Yes daddy!” Binababa ko na siya tapos sumama na sa mommy niya, Umakyat na din sila sa taas.
Napaupo na lang ulit ako sa upuan sa office habang chinicheck yung site plan na ginawa ko. Hmmm, Muka namang wala nang mali, Kaya tinago ko na, Sa next week ko pa naman ipapasa to eh. Nasa vacation leave kasi ako ngayon, Aalis kami ni Amber at Kyla, Pupunta kami sa resthouse namin sa tagaytay. Bukas kasi gaganapin yung kasal ni Gab at Akira. Tsaka para magrereunion din kami.
**********************************************
| KYLA’S POV |
Napahilata na lang ako sa kama sa sobrang pagod. WAAAAAH!! ~~~ Nakakapagod makipaghabulan kay Amber! (Oo nga pala, Readers, I want you to meet, My Princess, Tiffany Amber Madredia :3 Hihihi.) Napakapilyang bata. Buong bahay ata namin nalibot ko na kakahabol sa kanya, Eh paano ba naman, Kanina pagpasok ko sa kwarto niya, Sinusuot na niya yung swimsuit niya na binili namin kahapon, eh dapat sa tagaytay pa niya yun suotin. Akala niya ata dito lang kami sa swimming pool ng bahay magsswimming.
Kaloka maging mommy! Nakakapagod pero Masaya naman :3
Narinig kong bumukas ang pinto…
“Hon?”
“Yes hon?” Lumapit naman si Andrew sa tabi ko, Umupo siya sa kama kaya humiga na ako sa lap niya.
“Hmmmm, Mukang pagod ah.”
“Hay, Sino ba namang hindi mapapagod? Nakipaghabulan ako sa makulit nating anak.”
“Hahaha! Lagi naman kayong naghahabulan eh.”
“Pffft, Mas sumusunod nga siya sayo kesa sa akin eh” Pagtatampo ko. :<
“Mas love kasi ako ni Amber.” Sabi niya sabay dila.
“ASA! Ako kay mas love ni Amber.”
“Hahaha! Ano ka ba, Parehas tayong love ni Amber. Pilya lang talaga siya.”
“Mana sayo eh.”
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko para ayusin yung mga gamit na dadalhin namin mamaya pero biglang hinigit ni Andrew yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
TienerfictieMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...