Chapter 24: Sembreak, Starts now!

1.6K 30 1
                                    

*Stretch Stretch*

 (╯3╰)

Haaaay!! Good Morning Philippines! Grabe. 11 na pala. Ngayon lang ako nagising. Buti nalang walang pasok. Hihihi. Sembreak naaaa.

Bumaba ako para kumain ng brunch (breakfast + lunch = Brunch. Hahaha!)

Pagtingin ko sa ref. May sticky note na nakalagay.

Kyla, May niluto ako dyan na tinola at nagsaing na rin ako. Kapag may kailangan ka. Tawagan mo na lang ako ha.

Love,

Tita Malou

 

Si tita talaga oh, nag abala pa. Hihihi. Ang swerte ko talaga kasi andyan sila Tita Malou para sa akin. Mamaya, bibisita ako sa kanila para naman makita ko yung pinsan ko. Yeeeeeey! 

Pagkatapos ko kumain naligo na ako rin ako kasi pupunta ko kina Tita Malou. Nako miss ko na si Stef! (Pinsan ko)

***********************************************************************

*Ding dong*

"Sino po sila?" Sabi nung nagbukas ng pinto.

"Stef!!!!" Niyakap ko kaagad si Stef. Hahaha! Namiss ko tong bruha na to! Para ko na rin tong kapatid si Stef. Magkasing age lang kami at parehas kaming nasa 3rd year college. 

"Kylaaaa!! I miss youuu!! Hahahaha!! Tara! Pasok ka." Pagaaya ni Stef.

Pagpasok namin nakita ko si Tito Randy at Tita Malou na nanunuod ng tv. Onga pala readers, only child si Stef. 

"Tita Malou! Tito!" Sabi ko tapos nagmano ako sa kanila.

"Oh, kung alam ko lang na dadalaw ka dito, isinabay na sana kita kanina" Sabi ni tita Malou.

"Okay lang tita, wala kasi akong magawa sa bahay eh. Tsaka mag isa lang ako."

Well, pinili ko talaga na humiwalay ng tirahan kina Tita Malou, Nakakahiya naman kasi kung dun pa ko sa bahay nila. Tsaka okay na rin naman kasi paminsan minsan pumupunta ako sa apartment si Tita Malou.

"Naayos mo na ba gamit mo?" Tanong ni Tita Malou.

"Oh, Kyla, saan ka pupunta?" Tanong ni Stef.

"Hindi pa tita, mamaya na po. Magbabakasyon kasi kami ng mga kaibigan ko, Stef."

"Oh, Talaga? Saan?!" -Stef

"Sa Marinduque."

"Woah!! Layo ah! Bigatiiiiin!" -Stef

"Ma, punta lang kami ni Kyla sa kwarto ha?" -Stef

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon