| KYLA'S POV |
Andaming tao. Sobra.
Andito na kami ni Mica sa school grounds. Ngayon daw kasi ipapakilala ang STAR 7. Since maraming new student ngayong school year, marami rin ang excited na ma-meet ang STAR 7.
"Kyla? Kyla, right?" Narinig kong sabi nung isang lalaki... o lalak-we? na may kasama na isa pang babae.
"Hi! My name is Jelly, and this is Kae, classmates niyo kami. 3-A section niyo dba?" Boom! Nung nagsalita na siya. Nalaman ko na isa siyang ganap na LALAK-WE.
"Ay! Talaga?! Hello classmates!" Masayang sabi ni Mica.
"Pwede ba kami makijoin?" -Kae
"Oo naman no!" -Ako
"Sureness!" -Mica
Nagsimula na ung program, pinakilala din yung mga school administrators, yung mga teachers at kung sino sino pang mga important person.
"Old student ba kayo, Kae and Jelly?" Tanong ko sa kanila.
"Oo, simula pa first year." Sabi ni Jelly.
Naisip ko lang mayayaman talaga sila, halata naman sa aura nila, pero, kahit ganon, mukha naman silang mabait eh.
"Nako! Ang tagal naman ipapakilala ng STAR 7! Excited na ako makita si Andrew!!!" Kilig na kilig na sabi ni Jelly.
"Hay nako, Jelly! Wag ka na ngang umasang mapapansin ka ni Andrew!" Sabi ni Kae sabay palo kay Jelly.
"Sino si Andrew?" Tanong ko.
"Nako Kyla, siya lang naman ang one and only prince charming ko!" Nagti-twinkle pa ung mata ni Jelly nung sinabi niya yan! Hahaha!
"Ewww, Jelly! Ano ba yan! Masyadong mataas pangarap mo ha!" -Kae
Nagtawanan kami, ang kulit kasi ng itsura ni Jelly eh!
"Si Andrew, siya ang rank 1 sa buong Choisi University" Biglang singit ni Mica.
"Kilala mo siya, Mica?" gulat kong tanong
"Oo, di ba nga sabi ko sayo, gusto ko makasama sa STAR 7. At isa pa... Kababata ko si Andrew." Mahinang sabi ni Mica.
Halos natulala na lang kami nila Jelly sa sinabi ni Mica. KABABATA NIYA YUNG TOP 1?!
"WHAAAAAAAAAAAT??? Kababata mo ang pinakamamahal kong si Andrew?" -Jelly
"Wow, Grabe! Talaga, Mica?" Sabi ko.
"Yup, pero matagal na nung huli kaming nagkita kasi nung 7 years old ako, nagmigrate kami sa London."
"WOOOOOAAAAAH" Jelly, Kae at Ako
"Grabe Mica, tagal na natin magkasama, ngayon ko lang nalaman yan ha!"
Maya maya lang narinig na namin na nagsisigawan ung mga tao. Grabe ha, ang wild ng crowd!
"Nako!! Mga sister!! Ipapakilala na ung STAR 7!!!" Sigaw ni Jelly.
Isa-isa nang umakyat ung mga members ng STAR 7.
Biglang umikot ikot sa Jelly sa Harap namin nina Mica at Kae.
"I am here para ipakilala ang STAR 7" Sabi ni Jelly sabay taas ng kamay. HAHAHA! Yung totoo! Parang ballerina lang na ewan.
"Yung unang lalaki na umakyat, that's Neil Chua, Neil ranks 7th in the school and is the son of the CEO of a sports car company. He is an animal lover. Pinaka-adorable sa lahat!" Tinuro niya yung lalaking brown ang buhok at matangkad, mukhang basketball player!
"Yun namang baby face na babae, that's Akira Yamamoto, she holds the 6th position in school, She is the daughter of the owner of an airline company and she loves afternoon tea and is very fond of cute stuffs" Ang ganda naman ni Akira!
"Yung 3rd na umakyat, that's Gab Dela Vega, Gab ranks 5th in school and is the son of the school's director. Makulit siya and very friendly. Well, I think he has a 'thing' for Akira. Okay lang! Bagay naman sila. Hihihi. OMG! Bago ko makalimutan, mayroon ding abs si Gab na mukhang phinotoshoped!" Hahaha! Pati talaga abs ni Gab, kasama sa pagdedescribe niya?
"Yang babaeng mahaba ang buhok, that's Sabrina Gaden, she holds the 3rd position in school and is the older sister of Sam. Ang ganda niya di ba?! Nagmomodel din kasi siya iba't ibang mga clothing line!"
"The next one is, Sam Gaden, He is ranked 2 in school and is the son of a music producer. He is the twin brother of Sabrina. Sa apat na lalaki ng STAR 7, siya yung pinaka-baby face. ANG CUTE NIYA DI BA?!?" Kilig na kilig na sabi ni Jelly.
"Last but not the least, is my prince charming, Andrew Madredia! He holds the 1st position in the entire school; he is good at everything he does and is always a smooth winner, he maintains a stoic and cool facade most of the time, he is the son of the CEO of Madredia Corporation. He's super hot!! Super handsome! Super everything!!!"
"And they are the...... STAR 7!!" Nakapose pa siya nung sinabi niya un! Hahaha!
"Hahahaha! Natatawa ako sa hitsura mo, Jelly! Lokaret ka talaga!" Natatawang sabi ni Kae
"Eh? Akala ko ba, 7 sila? Bakit 6 lang sila dyan?" nagtataka kong tanong
"Eh kasi si Megumi Nakahara na dating rank 4 ay nagmigrate na sa ibang bansa. Kaya nga, mas marami yung nangangarap na makasama sa STAR 7 eh." -Kae
"Ohhh, Galing naman!!"
Napansin ko si Mica na poker face lang, hindi man lang siya nakikisali sa kulitan namin nina Kae at Jelly.
"Mica, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan kong makapasok sa STAR 7." Seryoso niyang sabi.
She looked at me, iba ung tingin niya sakin ngayon. Punong puno siya ng determination. I wonder kung anong nasa isip niya...
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
TeenfikceMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...