Chapter 1: One and only chance!

1.9K 44 10
                                    

| KYLA'S POV |

Wow. Nakaharap ako ngayon sa computer, hindi ko alam na ganito pala kahirap magtransfer ng school, hirap na hirap na ako maghanap sa internet ng mga posibleng universities na lilipatan.

"Bakit naman kasi bigla pang nagmahal yung tuition ko sa dati kong school? Kailangan ko pa tuloy maghanap ng bagong school at magapply ng scholarship!"

Bago ang lahat gusto ko munang ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Kyla Elise Monteverde, isang Architecture student, ulila, namatay ang parents ko sa isang car accident, mag-isa lang akong nakatira dito sa apartment. Sinusuportahan lang ako ng mga tita at tito ko kaya nabubuhay ako sa araw araw pero masaya naman ako kasi kapag kailangan ko sila, andyan sila lagi para sa akin.

Sa ngayon, ang problema ko ay maghanap ng school. Hay! Kailangan ko maipagpatuloy ang pag-aaral ko para kina mama at papa at para na rin makabawi ako sa mga tumulong sa akin lalo na kina tita Malou.

Bukas-sara sa mga websites, tingin tingin ng mga scholarships. Hanggang.... VIOLA!

Napadpad ako sa isang website ng isang university.

"Cho-Chi-Choi-Choisi University, Ano ba yan! Ang weird ng pangalan ng university na to."

Inexplore ko ung website nila at tinignan ko ung about sa university...

Ang unang una kong napansin ay ayon dito, Choisi (pronounced as Chu-a-si) is a French word for "Elites" Woahhhh, bigatin pala tong university na to. Para daw sa mayayaman, anak ng mga politiko at mga tagapagmana ang mga nag-aaral dito.

"Eh? Financial problem nga problema ko eh, so... hindi ako pwede dito. Pfft."

Iko-close ko na sana ung website nung may nakita ako sa bandang baba nakalagay..

THIS IS ONCE IN A LIFETIME OPPORTUNITY!

Ten students will be chosen as part of the Choisi University. All you need to do is to take the qualifying exam on the 29th of April 2012. Whoever gets that highest grade in the exam will get the chance to be part of the student community and we guarantee you a 100% Free for your tuition until you graduate.

Reminder:

-You can send your application form in ChoisiU@yahoo.com

-Once you send it. There will be an immediate reply regarding the steps for the registration on the 29th of april.

GOODLUCK EVERYONE!

1% Loading

6% Loading

47% loading

89%Loading

100% Loading

"OMG!! OMG!! OMG!! Is this true?!"  Napaigting ako sa pagkakaupo sa nabasa ko.

Nagtatatalon ako sa sobrang tuwa ko. May pag asa na ako sa school na to! I have to grab this opportunity!

Kaya naman dali dali kong dinownload ang application form, sinagutan at I-sinend.

Maya maya nagreply na! Binigay nila ang procedures para sa registration tsaka ung applicant number ko. 

Sobrang saya ko ngayon! Kasi sa tagal tagal ng paghahanap ko, may na-apply-an na ako at yun 100% free ang magiging tuition ko.

"Ma, Pa, sana po mapasa ko tong exam na to. Sobrang importante sa akin nito. Eto na lng ang chance ko. Sana tulungan niyo pa ako. FIGHTING!"

 Nahiga na ako at natulog. Kailangan ko pang magpahinga at magreview.

STAR 7 ★ (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon