AUTHOR'S NOTE: Dinededicate ko tong chapter na to sa kauna-unahan kong reader.... Tentenenetententenen! Serenity_Elle >:D< Yeheeey *Huuuugs*
**************************************************
| KYLA'S POV |
May 23, 2012
It's been a while simula nung nagexam ako at ngayon... TODAY IS THE DAY!! NGAYON NA TALAGA MALALAMAN ANG RESULTS!!!! Ugh! Kinakabahan na ako. As in! Feeling ko nasusuka ako na natatae sa sobrang kaba.
Ang sabi sa akin nung staff na nakausap ko kanina sa phone, kailangan pa daw pumunta mismo sa university. Nakapost daw kasi dun ung nakuhang grade at kung sino ang maswerteng nakapasa.
Andito ako ngayon, nasa sulok ng kwarto ko. Yakap ung tuhod ko... Parang baliw lang? Hahaha!
"Kylaaaaa, hindi ba ngayon ka pupunta dun sa university na inapply-an mo?"
Pumunta nga pala si Tita Malou ngayon dito, kapatid siya ni mama ko, siya na rin ang nag aalaga sa akin, paminsan minsan lang siya pumunta dito at ngayon andito siya para ipagluto ako at nabanggit ko na din sa kanya ung tungkol sa exam.
"Eto na po tita, maliligo na po ako."
"Osige iha. Bilisan mo para makakain ka na."
Naligo na ako, nagbihis, nag-ayos at nagsimula nang kumain.
"Nako Iha, wag ka nang kabahan! Alam ko namang kaya mo yan! Ikaw pa, eh matalino ka, mana ka ata sa akin!"
"Tita talaga oh! Grabe tita! Yung kaba ko, parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko!"
"Kaya mo yan! Ano ka ba! Para namang hindi ka naging valedictorian nung elementary at highschool!"
"Eh tita, ibang case na to! Super hirap nung exam nila, parang out of this world yung mga tanong"
"Hay nako! Kung ako sayo, bibilisan ko na ang pagkain at titignan ko na yung results para hindi na ma-extend yang kaba mo."
Binilisan ko nang kumain gaya ng sabi ni tita tapos nagtaxi na lang ako papuntang Choisi University.
Habang nasa taxi ako, biglang nagtext si Mica
- - -
From: Mica
Kyla! On the way palang ako papuntang Choisi U! Nasaan ka na? Andyan ka na ba?
- - -
To: Mica
Otw palang din ako Mica! Kinakabahan na talaga ako. Malapit na ako, antayin kita sa main gate, sabay tayo ha!
- - -
From: Mica
Gosh! Sige, malapit na din ako! See you!
- - -
Inantay ko si Mica sa may main gate tapos naglakad na kami papuntang main building.
"Grabe Mica, yung puso ko parang lalabas na!!" Sabi ko.
"Parehas tayo!!"
Eto na. This is it! This is really is it is it! Nasa harap na kami ng bulletin board.
UGH. ANDAMING TAO!!
Halos di na ako makasingit at makalapit sa bulletin boardn kung saan nakapost yung mga natanggap. Sa pagpupumilit kong sumingit, nagkahiwalay na tuloy kami ni Mica.
6. AURING, MADAM 95.01
7. CUNETA, SHARON 94.95
8.. LI, JET 94.56
9. PADILLA, Robin 94.07
10. DELOS REYES, Angela 93.97
Ano ba yan! Hindi ko makita! Andaming tao! Grabe, buwis buhay ang pagtingin ng grade ha! Bakit kasi hindi nalang sa website nila pinost eh! Ugh!
5. MARTIN, COCO 95.23
4. VALENCIANO, GARY 96. 76
3. SERRANO, FRANCIS 96.89
2. FERNANDEZ, MICA 97. 36
1. MONTEVERDE, KYLA 97.89
1. MONTEVERDE, KYLA 97.89
1. MONTEVERDE, KYLA 97.89
1. MONTEVERDE, KYLA 97.89
"Number... Number 1... Number 1 ako." Mahina kong sambit sa sarili ko.
Totoo ba tong nakikita ko? Kinusot kusot ko pa yung mata ko para makita kung totoo tong nakikita ko.
"PUMASA AKOOOOOOOOOOOO!!! WOHOOOOOOOO!!" Nagtatatalon ako sa tuwa, hindi ko ma-explain ung nararamdaman kong saya!!!! Hindi ko na talaga maexplain!! Naiiyak ako sa tuwa!! Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko, basta ang alam ko, masayang masaya ako.
"Kylaaaaaaaaaaa!!!! ANG GALING MOOOOOO!!!" Masayang sabi ni Mica.
"Micaaaaa!!! IKAW DIN!!!" Sabi ko at parehas kaming nagtatatalon sa tuwa.
Umiiyak na talaga ako, halos tumulo na pati sipon ko kakaiyak ko.
"Kyla, Wag ka nang umiyak!!! You should be happy!" Sabi ni Mica.
"Hindi ko ta-tala-talaga mapigilan!" Pauutal-utal kong sagot.
Pagkatapos na pagtulo ng luha at ng sipon ko, ipinatawag yung top 10 na nakapasa sa central student affairs. Ang sabi dun, lahat daw kami magkakapasok sa university. Inexplain lang din yung enrollment procedures tsaka yung tungkol sa scholarship.
***************************************************************
Umuwi na ako at ipinaalam ko kaagad kay tita na pumasa ako. Sobrang saya ko talaga at hindi lang yun! Nakapasa din si Mica! Weeeee! Di ako loner sa first day!
THANK YOU LORD FOR THIS DAY!! YOU'RE THE BEST!
"Ma, Pa, Salamat sa guidance niyo ha? Grabe, Pangako, Pagbubutihin ko po"
BINABASA MO ANG
STAR 7 ★ (Complete)
Novela JuvenilMeet Kyla Elise Monteverde-- Ulila, incoming 3rd year college, commoner pero paano kung magkaroon siya pagkakataon na makapasok sa Choisi University, isang elite university na para lang sa mayayaman at paano kung makasama pa siya sa STAR 7 (Grupo ng...