*7 Dark Angel* -- Babes pahinga ka muna (p.1 of 5)

150 15 2
                                    

Maaga akong gumising.. may pasok po kasi.. 3rd day na pero wala pa rin akong natututunan.. pano ba naman absenero't absenera ang mga teacher ko. 

Accountant pa ako niyan ha? sana naman may teacher na kami ngayon.

Pagpasok ko ng room... nahagip agad ng mata ko ang pagkukumpulan ng mga kababaihan sa likuran.. pero dahil sa wala kaming lahing chismosa, naupo lang ako at nag earphone. 

mahilig talaga ako sa music.. at maaga pa naman.. mamaya pa dadarating yung Prof para sa First subject namin.

Biglang may humila ng earphone ko..

"Kamusta ka na?" napakunot ang noo ko..

"Sino ka? Do i know you?" biglang nalungkot ang mukha niya..

"Hindi mo na ako agad kilala?" tinitigan ko siya ng mabuti... parang familiar yung mukha niya pero di ko talaga matandaan..

"Magpapakilala na nga lang uli ako." tumayo siya at nilahad niya yung kamay niya.

"Tyron Dizon nga pala.. yung nakasabay mong kumain nung first day of school" napataas ang kilay ko.. so siya pala yung lalakeng mahilig ngumiti..

"So? anong kailangan mo?" napatingin ako sa paligid at ang daming taong nakapaligid samin..

"Gusto ko lang sanang makipagkilala.." umayos na ako ng upo at hindi na siya pinansin pa..

"Hindi ako friendly... kaya hindi ka pwedeng makipag kilala sakin.. sa iba na lang" at inilagay ko uli ang earphone ko... pero nakapatay yung music.. alam ko kasi na pagbubulungan na 

naman ako ng mga chismakers kung mga chismate...

"Grabe nuh? Ang gwapo gwapo ni Tyron pero inisnob niya"- Chismate #1

"Oo nga e.. Pero alam ko man hater kasi yan kaya ganun"- Chismate #2

"Hindi siya natinag sa kagwapuhan ni Tyron"- Chismate #3

Sabi na e.. ako na naman ang main topic nila.. bwesit kasi yung tyron na yun e. bat pa kasi lumapit lapit sakin.

binuksan ko na yung music ko at pinikit ko na ang mga mata ko.

Nang bigla na namang lumila ng earphone ko... Potekkk na lalake to nakakaasar na talaga.

pero pag dilat ko ng mata ko..

O__O

"Co-corey?" tumaas yung kilay niya..

"Parating na ang prof natin.. umayos ka na ng upo" sabay tayo niya at talikod sakin... teka? totoo bang kinausap niya ako?.. e! ang gaga mo naman clarity.. parang yun lang e.

Diba syempre masungiti siya? hindi niya nga ako pinapansin diba? at concern siya sakin? haaaaaay! Ano na bang nangyayari sakin?

"Oh! I forgot something" napatingin ako sakanya...

"Don't call me Corey..." pero dahil sa nahawa na ako sa kadaldalan ng mga mates ko... ito ang sinagot ko.

"Pano kung gusto kong tawagin kang corey anong gagawin mo?" diba ang shunga ko?.. bat ba masyado akong apektado dun? hayts..

"then i....

KILL YOU"

Napalunok ako sa sinabi niya.. yung mga mates ko? ayun nganga..

Lunch break na pero ako? eto hindi pa rin makamove on...  

Mukha na akong tanga dito.. kanina pa ako nakanganga sa mga nangyari kanina.. 

At hindi naman pala siya concern sakin.. siya pala ang President namin kaya ganun na lang siya makapagsaway.. Pero akalain mo siya ang president pero first day of school  

absent siya.. san ka pa?

mag isa lang akong kumakain... lagi naman ganun e.

"Hi"

"Ay palakang bondat" patalon ako sa gulat..

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo? Share share naman jan" napatingin ako sa nagsasalita...

"Ano na naman ang kailangan mo?" panung hindi magsusungit e ang kulit ba naman ng lalakeng to.. para siyang buntot na sunod ng sunod..

Sasagot palang siya ng biglang..

"AAAAAAAAAHH!" DAFUQ ang sakit sa tenga... nagsitilian na naman yung mga kalandiang mga babae dito -___- uso ba talaga tumili?

kumain na lang uli ako at hindi pinansin yung mga tao.. pati yung nasa harapan kung lalake.. hindi ko rin naman maintindihan e.

"Nandito ka lang pala e." yan ang naririnig ko.. pero wala akong paki sa mga pinaguusapan nila nuh! basta ako kakain lang ako.

"Dito na lang tayo umupo.." familiar yung boses ng mga yun.. pero wapakels pa din ako nuh!..

"Bat hindi ka namamansin?" nakatingin pa rin ako sa pagkain ko.. hindi ko rin naman sila makita dahil sa nakawagwag ang buhok ko.

Napalingon lang ako nung may kumalabit sakin..

O_____O Shemay!!

Nasa langit na ba ako? Bat puro anghel ang nakikita ko?..

"Clarity are you okay?"- Manager Bry.

( > . <)

(> . < )

( > . <)

Tao sila clarity.. wala ka pa sa langit.. tao sila.. bat kasi mukha silang anghel? TT____TT

"Clarity.. yoohooo.. okay ka lang ba?" bigla akong bumalik sa katinuan ko.

"Ha? Saying something?" mukha na ba akong tanga?

"Ay lutang nga ang utak niya" napakunot ang noo ko.

"Sino ang lutang ang utak? Ako?" hindi na sila sumagot at umupo sila sa tabi ko..

parang awa naman na! ako na naman ang topic ng mga chismosa dito TT____TT maawa naman kayo..

"Bat dito kayo nakaupo?" nakakaasar lahat ng tao dito sa canteen na katingin sakin TT O TT kill me now!!..

"kilala niyo si clarity?" napatingin ako sa nagsalita.. andito pa pala si Tokmol tyron...

&quot;Seven Dark Angel&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon