*Tyron's POV*
Pagkatayo ni Nigel dali dali rin akong tumayo para sundan si Clarity.. alam kung galit na galit siya.. sa mga salita niya pa lang e. Kapag kasi nag cursed na siya.. asahan mong kulong kulo na siya at wala ni isa ang pwedeng lumapit sakanya..
pero dahil pinag lihi ako sa makulit.. sinundan ko pa rin siya.. pero nagulat ako sa nakita ko...
"CLARITY...."
nakita ko siyang naka handusay sa may garden..
"Clarity.. clarity.." Hindi na siya sumasagot kaya binuhat ko na siya agad at dinala sa kotse ko...
Nang nakarating na kami sa Hospital at natawagan ko na rin ang dark angels..
"Kamusta si clarity?"- Bry..
"Hindi ko pa rin alam.. Nasa Emergency Room pa rin siya e" sagot ko..
"Ano bang nangyari?"- Drew
"Sinundan ko siya nung umalis ako sa canteen tapos nagulat na lang ako ng makita ko si Clarity na nakahandusay na sa sahig!" hindi ko mapigilang hindi mag alala..
Lahat kami napatingin sa pintong bumukas.. at kasunod nito ay ang pag labas ng doctor..
dali dali kaming pumunta sa doctor..
"Doc.. how is she?" nagpapanic na tanung ni Ash..
"She have a fever.. masyadong mataas ang lagnat niya.. tapos kulang pa siya sa tulog then sinabayan pa ng stress kaya na over fatigue siya" direstyong sabi ng doctor..
"But doc.. what about her condition?"- nagpapanic na sabi ko..
"She's fine now.. but i need one person para makausap sa office ko.. sino ba ang kapamilya niya dito?"
Sasagot palang sana akong biglang may nagsalita sa likuran ko..
"Ako na doc.. I'm her Boyfriend..." napaawang ang bibig naming lahat ng sabihin niya iyon.. pero sa isang banda naasar ako... bakit kasi napaka pretending niya..
Pinagmasadan na lang namin ang likod nila ng doctor na palayo samin...
"Kahit kailan napaka pretending niya asar!" hindi ko napigilan ang sarili kung sabihin ang mga bagay na yun. Nagulat na lang ako ng may nagtap sa balikat ko,..
"Hindi siya pretending.. Pinangangatawan niya lang ang posisyong totoong sakanya" napayuko ako sa sinabi ni Kenjie..
"Baka nakakalimutan mo.. Tyron na simula palang siya na ang panalo?" dagdag pa ni Bry..
"Isa lang ang nakalimot at hindi ikaw yun! Kaya wag kang umastang pagmamay ari mo siya.. Pare pareho lang tayong nag eeffort para sakanya.. at alam nating lamang na lamang satin si Nigel" hindi ko alam kung pinagtutulungan nila ako o pinaaalahanan lang.. pero sa tono ng mga boses nila parang pinagbabantaan nila ako e.
"Hindi ka namin pinagtutulungan.. pinapaalala lang namin na mas malaki ang sakripisyo ni Nigel para sakanya.. at ni isa saatin walang kayang pumantay sa ginagawa niya.. so don't be selfish! kasi wala ka pa sa kalingkingan ni Nigel.. o kahit sino saatin walang karapatan dahil wala pa satin ang nakakagawa ng sakripisyong buwis buhay katulad ng ginagawa ni Nigel" - Drew
at isa isa silang nagsipasukan sa kwarto ni Clarity.. naiwan akong nakatayo at lutang dahil sa mga sinabi nila..
Siguro nga tama sila.. wala pa ako sa kalingkingan ng sakripisyong ginagawa ni Nigel para kay Clarity.. napangiti na lang ako ng mapait..
BINABASA MO ANG
"Seven Dark Angel"
Humor"SEVEN DARK ANGEL" pangalan ito ng isang grupo ng kalalakihan.. Sila ay may mabubuting puso.. Hindi sila masasamang tao, Ngunit nakapagtataka na seven dark angel ang pangalan ng grupo nila gayong mabubuti silang tao. Napaka misteryo ng grupo ng kala...