*7 Dark Angel* Sorry na, (p.2 of 7)

152 11 0
                                    

Nakarating na kami sa garden. Nakatayo lang ako habang si Corey naman ay nakasandal sa puno, at ang iba nakaupo sa bermuda grass.

"So what's the problem to your butler?" siya ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.

"Sabi ko gusto kong kunin mo na siya, dahil hindi ko kailangan ng butler o maid man" nakatingin p rin ako sakanya ng diretsyo. Pero siya sa iba siya nakatingin pero pagbanggit ki ng huling sinabi ko. Bigla na lang siyang napaharap sakin.

"I said give me an acceptable reason" tumingin siya sa mga mata ko. Kaya naman hindi ako nagpatalo

"Okay, Sa huling pagkakataon babanggitin ko uli ang isang bagay na pinaka malaking problema. "I'M.A.MAN.HATER". Sa trabaho puro na nga kayo lalake e. Sa school puro na rin lalake ang kasama ko, kayo rin yun. Tapos hanggang bahay ko? Lalake pa rin ang gusto niyo makasama ko? Ano ba talaga ang gusto niyo? Lalo ka na Nigel! Anong problema mo sakin at lagi ka na lang kontrabida sa buhay ko."

Nagiwas siya ng tingin, tinignan ko din ang ibang kasama namin at lahat sila ay nakatungo, wala ni isa sakanila ang nagtatangkang sumasagot. Binalik ko uli ang tingin ko kay Nigel.

"Ang laki ng galit mo sakin Nigel.. Ano bang kasalanan ko sayo? At parang napapansin ko na parang nangiinsulto ka na" tumingin uli siya sakin at ngayon makikita mo sa mga mata ang samot saring emosyon. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman niya,

"Bakit ka ba man hater?" isang tanung na nakapagpaurong ng dila ko.

"Porket ba lalake kami, katulad na rin kami ng lalakeng nanakit sayo sa nakaraan mo? O sabihin nating KAMI ba yung lalakeng nanakit sayo? At pati kami kinamumuhian mo?" parang nanginig ang buong katawan ko sa sobrang lamig ng tono ng boses niya.

"Hindi dahil sa ka-uri namin ang nanakit sayo.. pwede mo na kaming itulad sakanya o sakanila, dahil tandaan mo ang kasalanan ng isa hindi kasalanan ng lahat. Dahil siya lang ang nanakit sayo at hindi kami kasama sa taong tinutukoy mo, kaya ibahin mo kami sakanila."

para akong tinamaan ng bala at tumagos talaga sa puso ko yung sinasabi niya. Ngunit akala ko tapos na siyang magsalita pero ang huling salitang mga binitawan niya ang siyang talagang hindi ko makakalimutan.

"Iniingatan ka lang namin dahil mahalaga ka samin, pero kung gusto mong hindi ka na naming pakialaman. Sige malaya ka na! Hindi mo na kami makikitang lalapit pa sayo at ni isa samin wala nang magtatangkang guluhin ka."

Tumalikod na siya at dirediretsyong lukumakad palayo samin, habang ako naman nananatiling tinitignan ang likod ni Nigel habang palayo sa kinaroonan ko. Isa isa na rin umalis ang seven dark angel, pero may isang naiwan na siyang talagang kinagulat ko.

"B-bakit nandito ka pa" tumingin siya sakin at ngumiti dahilan para magulat ako.

"Kung sila tinalikuran ka, wag kang magalala nandito lang ako lagi para sayo clarity. Basta pag may kailangan ka tawagin mo lang ako at agad kitang pupuntahan" tumalikod na rin si Tyron ngunit bago siya tuluyang umalis, humarap siya uli saakin.

"Isumpa mo na lahat ng lalake sa mundo, kamuhian mo na kaming lahat, magalit ka na samin basta pagkatapos nun, unawain mo na kahit kailan hindi mawawala ang lalake sa buhay mo. Dahil sa mundong ito, dalawa ang nilikha ng Diyos, at una si Adan dun! at sana maunawaan mo na hindi lahat ng lalake pare pareho, para saan pa at nauso ang salitang originality kung parepareho lang din naman kami. Subukan mong magtiwala saamin, malay mo maunawaan mong mabuti na hindi pala kami pare pareho. Just face your fears and be strong!"

at syaka siya tuluyang umalis sa lugar na kung asan nagiisa na lang ako.

Hindi ko alam pero parang isang riddles ang sinabi ni Tyron at Nigel pero kung uunawain mo. Iisa lang ang pinaparating ng sinabi nila, umupo ako at sumandal sa punong sinandalan kanina ni Nigel.

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon