*7 Dark Angel* Sorry na, (p.1 of 7)

112 11 2
                                    

*Clarity's POV*

*YAWN*

Nagunat unat ako, grabe tinanghali na ako ng gising buti na lang linggo ngayon at walang pasok.. Sobra kasi akong napagod kagabi dahil sa dami ng customer sa angel spot.

Kinusot ko ang mata ko syaka ako tuluyang bumaba sa kama ko at dumiretsyo sa banyo ko, nagsipilyo, naghilamos at nagsuklay ako syaka ako bumaba.

Pagbaba ko sa hagdan sumalubong agad sakin si Kiere.

"Good Morning Ms. Clarity" nakangiti siyang sumalubong sakin. Kaya naman nagaalangan din akong ngumiti, syempre naman medyo nagaalangan din ako nuh! duh? lalake pa rin siya.

"Breakfast ready" tumango na lang ako at umupo sa dinning table. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga nakahain sa lamesa.

Simpleng bacoon, hotdog at sunny side up na itlog lang naman ang niluto niya pero nakakabilib, na kaya niyang magluto ng mga gantong ulam kahit na maskuladong lalake siya.

Nagsandok na ako ng kanin at kumuha na rin ako ng ulam ko.

Natutuwa pa rin ako tuwing maiisip mong may mga lalakeng kayang gumawa ng mga gawaing pang babae.

"Ms. Clarity nalabhan ko na po ang mga marurumi niyong damit" bigla akong napatigil sa pagsubo ng kinakain ko at napatingin sakanya.

"Marurumi kung damit?" tumango tango naman siya.

"Yes!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kiere, pero bigla na lang nanlaki yung mga mata ko ng may maisip akong kakaiba.

"Lahat nang nasa basket na marumi kung damit nilabhan mo?" tumango naman siya ng buong husay. Dahil sa sobrang gulat napatayo ako sa kinauupuan ko at napatakbo papunta sa likod ng bahay kung saan sinasampay ang mga nilabhang damit.

"AAAAAAAAAAAHHHH!" FUCK SHIT hindi ako napamura dahil sa hindi maayos ang pagkakalagay niya. Mabibilib ka talaga sakanya dahil daig niya pa ang isang babae pagdating sa gawaing bahay pero ang dahilan ng pag sigaw ko ay...

"What dafuq! PATI MGA UNDERWEAR KO NILABHAN MO?" talagang hindi ko na napigilang hindi mapasigaw dahil sa hiya at inis. Hindi naman ako naiinis dahil sa wala akong tiwala sa laba niya pero shit naman kung kayo kaya ang magpalaba ng underwear sa isang lalakeng hindi niyo kilala, try niyo kung hindi kayo sumabong sa sobrang hiya.

Pano na lang pala kung may meanstration ako? Di nalabhan niya din ang panty kung may dugo? diba ewwness naman yun? Grrrrrr..

-----------------------------

Nasa room na ako ngayon, and still i'm pissed off. 

Paanong hindi ako mabubwesit kung naalala ko pa rin ang bagay na nangyari sa sakin kahapon?

Hindi talaga ako makakamove on dun.. Kaya naman kailangan ko nang gumawa ng isang hakbang para naman mapaalis na si Kiere sa bahay ko. Hindi dahil ayuko sa kanya at hindi naman sa gusto ko siya. Pero ayuko lang talaga ng may lalakeng kasama lalo na sa pamamahay ko.

Dumating na si Luke at Corey.. pero hindi ko sila pinansin, buong subject nakinig lang ako sa discussion ng prof ko. Kunwari nakikinig ako pero totoo lutang ang utak ko kakaisip sa mga nangyari kahapon naasar talaga ako.

"Okay class dismiss" bumalik bigla ang kaluluwa ko ng biglang magsalita ang prof namin. Tumayo agad ako at inayos ang mga gamit ko.

"Clarity sabay na tayo sa baba." hindi ko pa rin siya pinansin dirediretsyo ako sa canteen. Dumiretdyo ako sa counter at umorder, pagkaorder ko umupo na ako.

"Clarity, may sakit ka ba?" napatingin ako dun sa nagsalita, sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko napansin na buo na pala ang 7 dark angel kasama si tyron.

"Wala." i wear my poker face mask again.

"May problema ka?" tinignan ko si Corey na nagsalita.

"Oo.. malaki ang problema ko, gusto mong malaman?" at itinaas ko ang kilay ko.

"Sige ano ba ang problema mo?" seryosong sabi niya.

"Paalisin mo na ang butler mo sa bahay ko, hindi ko kailangan ng butler o maid.. Hindi ako tamad at mas lalong hindi pa ako baldado." bawat salita ko binigyan ko ng diin para naman mas tumatak sa utak niya ang mga sinasabi ko.

"Bakit may mali ba siyang ginawa?" syaka siya tumingin sakin suot ang serious mask niya.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Hindi ko siya kailangan" nagsmirked siya kaya naman mas lalo akong nangigil. Para kasing hindi seryoso ang dating ng mga sinasabi ko.

"I need a acceptable reason kung bakit kailangan mo siyang paalisin!" he said that with a jaw dropped.

"Sa garden tayo magusap" syaka ako tumayo at lumakad papuntang garden. Gusto ko sa garden magusap dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magsisigaw na naman ako dun, ako na naman ang mapapahiya pag ginawa ko ang ganung bagay.. Ayuko nang dagdagan pa ang kahihiyan na nangyayari sa buhay ko.

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon