*7 Dark Angel* Sorry na, (p.4 of 7)

94 4 0
                                    

Pagkalabas na pagkalabas niya medyo nakahinga na ako. At nang maikalma ko ang utak ko. Humarap agad ako kay Drew.

"Drew, hindi ka pupunta sa engagement party na yun. Wag kang pumayag na kontrolin niya ang buhay mo." nakakainis, hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nasisira ang buhay namin.

"papayag na lang ako para matigil na si tita" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Wag kang tanga! Sa istoryang 'to hindi ka martir at mas lalong hindi ka super hero. Kaya gamitin mo ang utak mo. At sa tingin mo ba na kapag pumayag ka sa kagustuhan niya. Titigilan niya na tayo? Parang sinabi mo lang na talo na tayo!" hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa utak niya. Sa witch pa na yun talaga siya susunod. Nang iinsulto ba siya?

"Tama si tita, nigel hindi ba dapat masaya ka na mababawasan na ang karibal mo? Pero kung umarte ka parang alalang alala ka saakin? Ano bang gusto mong palabasin? Ha?" sinugod ko siya at binigyan siya ng isang malakas na suntok. Para makalog ang utak niya at matauhan siya. At sa sobrang galit ko sa mga sinabi niya. Kinuha ko yung baso at binasag iyon sa kamay ko.

"Oo nagaalala ako. Dahil ako ng leader ng grupong 'to. At bilang isang patas na leader gusto kong lumaban kayo sa abot ng inyong makakaya." at tumingin ako sa mata ni drew. Habang ang kamay ko ay patuloy pa rin sa pagdurugo.

"At gusto ko. Lumaban ka, para sa huli manalo o matalo man kayo atleast lumaban kayo" biglang tumayo si Drew. At humarap din sakin.

"Paano kami lalaban kung sa umpisa palang alam na naming talo na kami? Sige nga paano? Lalaban pa rin ba kami kahit alam naming lamang ka na samin?" hindi ko alam pero may parte sakin ang parang nagising sa sinabi niya.

"Kahit matalo kayo ngayon. Alam niyo naman sa huli kayo pa rin ang mananalo. Kaya lumaban kayo, manalo matalo atleast pinakita niyong deserving kayo" tumalikod na ako sakanila ng magsalita si Drew

"Balang araw malalaman mo kung bakit mas pinili kong magpakontrol kapalit ng sarili kung kaligayahan. At para sayo yun nigel." hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero alam kung may dahilan siya kung bakit ganun na lang naging desisyon niya.

Pumunta ako sa garahe at kinuha ko ang kotse ko at pinaharurot iyon. Hindi ko alam kung saang direksyin ba ako pupunta basta nagdrive lang ako kung saan.

*Clarity's POV*

Nagiisa ako ngayon sa bahay paano ba naman yung pinsan ko bigla na lang akong inuwan pagdating namin hindi na nga siya bumaba e. Sabi hinahanap na daw siya ng mother in law niya.

|FLASHBACK|


"Sino naman ang pakakasalanan mo?" ngumiti lang siya ng malapad.

."Si.." Bigla akong napasigaw.

"AAAAHHHH" biglang may dumaan na pusa kaya naman gumewang gewang yung sasakyan namin dahil sa gulat ni arjanet. Muntikan pa kaming mabangga.

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon