*Clarity's POV*
Ang weirdo ng lalakeng nasa harap ko.. Ngumingiti dahil lang sa okay ako?.. hindi kaya may problema to sa pagiisip?
"Sige una na ako ha?" tapos umalis na siya.. weirdo kiddo :3
Nagsimula ng dumami ang tao.. hindi rin kami naguusap ng mga crew lalo na kung hindi naman importante.. at si Coral? Hahaha yun ang gusto kung itawag sakanya
Coral.. whahaha hindi naman kami nagpapansinan.. galit pa rin ako sakanya nuh! Letugas siya.
nag close ang Angel Spot ng saktong 9 pm hindi daw kasi kami pwedeng magpagabi kasi nga may pasok pa bukas you know..
"halika na.. kain na tayo clarity" aya sakin ni Ken..
"Magpapalit lang ako Kanjie.." pagharap ko sakanya.. kumunot ang noo niya..
"Bakit?" napakunot na rin ang noo ko dahil sa reaksyon niya.
"Sino si Kenjie?" nagtatakang tanung niya..
"Ikaw.. sino pa ba ang kausap ko dito?" timang lang ang peg niya? sino pa kaya ang kausap ko dito maliban sakanya? May katabi ba ako? XD
"Hindi kenjie ang nick name ko.. ken lang" napakamot siya sa ulo niya..\
"e. gusto ko ng kenjie e." bat ayaw niya ba ang kenjie? ang ganda naman ng kenjie a? choosy pa siya.
"Paano naman naging kenjie?" wala ba tong alam sa combine names..
"Kasi ang name mo ay Jetro Ken.. di kinuha ko yung ken tapos kinuha ko rin yung je kaya kenje pero para hindi bisya pakinggan ginawa kung kenjie.. gets?" hahaha. bravo
ako na ang genius...
Jimmy Neutron Like :D
"Woah! ang galing mo pala sa Combine Names.. nakakahangga ka naman.." parang yun lang e.
"Hahaha.. Kala mo naman naka imbento ako ng isang kemikal na nakakamangha e. Combine names lang naman ang ginawa ko." nakakatuwa siyang kausap
"Hoy! magsikain na kayo." napatingin kami ng sabay sa nagsalita.. si Manager Bry lang pala..
"Opo" at sabay na kaming pumunta sa table.. Grabe hindi ko namanlayan na nakipag kwentuhan na pala ako kay Kenjie. Ewan ko ba basta para kasing kamukha niya si Kenjie
sa She's Dating the Gangster.. Crush na crush ko kasi si Kenjie dun e. kaya siguro naaliw akong kausap si Ken haha at kaya ko rin siguro nabuo yung kenjie...
[COM's Note: Picture ni Kenjie si side.. Mukha talaga siyang heartrob xD ngiti palang mamatay ka na sa kelerg @O@ hihihi ang cute cute mo naman Kenjie.. akin ka na lang choss]
Natapos na kaming kumain at nagpaalam na rin ako na uuwi na ako..
Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep.. Nagaaya pa nga sila na ihatid ako pero hindi na ako nagpahatid may pupuntahan pa rin naman sila e.
Baba sana ako kaso may nakasunod sakin na sasakay kaya sumakay na lang ako..
Nakakaasar bat lagi ba talaga akong inaasar ng tadhana? Agh!!
Nakasakayan ko na naman kasi ang ex ko sinong hindi maiinis?
Pero mas nagulat ako sa taong katabi ko sa jeep..
O_________________O
totoo ba to o nanaginip lang ako?
Si Corey nakasakay sa jeep? at.......
Katabi ko pa siya?
kaming dalawa ni Corey magkatabi tapos yung hinayupak kong ex kaharap namin kasama yung new girlfriend niya..
"Grabe ang gwapo niya.. Artista kaya siya?" napatingin ako sa babaeng nagbubulungan.
"Para siyang anghel nuh? Kakaiba ang kagwapuhan niya" Sibul ng babae.. Sinabul (Sigaw na Bulong)
Tsss.. bakit ba kung saan kami pupunta e. siya ang napapansin? Paano naman ang beauty ko diba?
"Ang swerte nga ng babaeng katabi niya.. sa tingin mo magano ano sila?" aba naman napaka chismosa naman nila aah!
"Hindi naman siguro sila nuh? Sana ako na lang yung gf niya mas bagay kasi kami.." hay.. naku kung wala lang talaga yung bwesit kung ex..
Napayuko na lang ako...
"Bayad po" nagbayad yung katabi ko kaya inabot ko..
"ilan to?" tanung ni manong driver.
"Dalawa ho!" napaangat yung tingin ko kay Corey.. pero iniwas ko agad..
"Baby.. Dun ka na sa bahay matulog pwede?" eh! bat ang landi niya asar talaga grrrrr..
pero hindi ko pa rin maalis na masaktan dahil sa mga nangyari.. bigla niya na lang akong iniwan ng hindi ko alam ang dahilan.. ang sabi niya lang wala na daw spark.. tss
at ngayon habang tinitignan ko sila parang tinatarakan ng itak ang puso ko ng paulit ulit.. alam niyo yung harap harapan makikita mo yung taong mahal mo na may katabing ibang
babae..
habang nakatingin ako sakanila.. bigla na lang napatingin sakin si Kleo.. yan po ang name ng ex boyfriend ko..
kaya napa iwas agad ang tingin ko sakanila..
at dahil sa pagiwas ko.. napasandal ako kay Corey..
"Sorry.." mahinang sabi ko.. wala na rin naman akong lakas ng loob na makipag away sakanya sa sitwasyon ko ngayon.
hindi siya sumagot.. alam ko naman na hindi talaga siya sasagot e.
Huminga ako ng malalim para hindi lumabas ang mga luha ko..
*Sniff* *Sniff*
singot ako ng singot kulang na lang masingot ko yung katabi ko...
May kamay na umakbay sakin.. kaya na patingin ako ng dahan dahan dun sa may ari ng kamay..
at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino
O____________O si corey naka akbay sakin..
"Babes pahinga ka muna.."
BINABASA MO ANG
"Seven Dark Angel"
Humor"SEVEN DARK ANGEL" pangalan ito ng isang grupo ng kalalakihan.. Sila ay may mabubuting puso.. Hindi sila masasamang tao, Ngunit nakapagtataka na seven dark angel ang pangalan ng grupo nila gayong mabubuti silang tao. Napaka misteryo ng grupo ng kala...