*7 Dark Angel* Sorry na, (p.7 of 7)

111 5 0
                                    

*Nigel Slash Corey POV*

Umagang umaga may nambubulabog sa doorbell ko. Tumayo ako at tinignan si Clarity.. Tulog na tulog siya kaya naman hindi ko na siya inabala pa at nagtungo na ako sa pintuan. Para tignan kung sino yung bwesit na kay aga aga nambubulabog. 

Pagbukas ko ng pinto biglang nagising ang kaluluwang kong inaantok pa. Nang makita ko ang Buong Grupo sa pintuan ng bahay ko. 

"Bagong gising ka bro! Haha ano ba ang pinagkaabalahan mo at mukhang inumaga ka na ang tulog?" pipigilan ko sana silang pumasok pero ng malingat ako nasa loob na pala sila ng bahay ko. Ang bilis talaga ng mga kumag na 'to.

"Ano bang ginagawa niyo dito?" tanung ko sakanila. Gusto ko na silang palayasin ngayon dahil alam kong paborito nilang destinasyon ang kwarto ko. At oras na pumasok sila sa kwarto ko paniguradong magkakaroon ng world war S.A.B (Sapakan, Awayan at Basagan ng bungo) kaya naman kailangan kung umisip ng paraan para mapalayas silang lahat. 

"Bro! Baka naman nakakalimutan mo na schedule mo ngayon." napatngin ako kay ash at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Schedule mo ngayon. Dito sa bahay mo ngayon ang tambayan. Nakalimutan mo ata?" nasapo ko na lang bigla ang noo ko ng maalalang may schedule nga pala kami para sa tambayan namin. Nakakaasar bat ko nga ba nakalimutan 'yon? At ang malas bat ngayong araw pa? 

"Labas na lang tayo. Ayukong magulo ang room ko. Dahil sa kagagawan niyo." sana naman pumayag sila. 

"Teka, diba ikaw ang nagsabi na sa bahay na lang ng bawat isa? Kasi naaalidbadbaran ka sa mga tao sa labas?" sumingit pa talaga 'tong si Ken. Pinaalala pa 'yon. 

"Oo, nga bakit ata nagbago bigla ang utak mo Nigel?" sabat naman ni Luke. Nako! kailangan makapagisip ako ng magandang dahilan. 

"Kasi nga ayuko dito sa bahay. Magulo na yung bahay ko. Guguluhin niyo pa" wala na talaga akong maisip na ibang dahilan. 

"Hala. Yung bahay ko nga parang laging dinaanan ng yolanda pero okay lang sayo." talaga naman si luke. Kung di lang talaga ako nangangamba sa pwedeng mangyari baka natawa na ako sa mga pinagsasabi ni luke ngayon. 

"Hahahahahaha! Ang loko mo talaga kahit kailan Luke." at talagang natatawa pa sila samantalang ako. Namomoblema na sa mga mangyayari. Nakakaasar naman talaga ang mga 'to. 

"Ano na? Umpisahan na ba natin? Sa kwarto na lang ni Nigel, tutal nandito na rin naman tayo sa 3rd floor" nagtataka kayo kung bakit nasa 3rd floor na sila 'no? ang main door kasi ng bahay ko. Nasa 3rd floor. Kasi tinatamad akong bumaba pag may tao. Kaya naman nilagay ko ang main door sa 3rd floor. Ayuko rin naman kasing nasa 1st floor ang kwarto ko. Kaya pagpasok mo ng maindoor yung unang kwarto akin agad 'yon! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon