*7 Dark Angel* Ten Little Bad Boys (p.2 of 2)

117 11 0
                                    

*Luke's POV*

Buti naman nakaabot kami kung hindi baka kalbo na si Clarity..

Naglalakad na kami sa hallway at itong si clarity tanung ng tanung sakin kung sino yung mga lalake sa detention room..

"Luke.. sino ba kasi yung mga lalakeng yun? hindi ko naman kasi magets yung sinasabi ni Corey." sabay kaming tumingin kay Nigel.. ayaw kasi niyang tinatawag na Corey.

"He-he-he.. hindi ko kasi maintindihan kung anong sinasabi ni NI.GEL" sabay tingin sakin ng nanlilisik na mata ni Clarity..

"Okay ikukwento ko sayo pero sa canteen na. Nagugutom na ako e" yeah! nagditch na lang kami sa isa naming subject.

Nakarating na kami ng tahimik sa canteen at alam niyo ba ang himala? Sumama samin si Nigel sa canteen.. Minsan talaga ang weird ng takbo ng isip niya..

Minsan kasi para siyang bakla.. pero uy! wag kayong mga sumbongera ah? Pumapasalang yan ng tao pag sinabihan niyo siyang bakla kasi naman ayaw niyang may nakakabuking sakanya kasi naman kilala siya dito sa campus bilang "King of Angels" pero di lang nila alam "Princess of Angels" talaga siya whahaha..

"Hoy! Kupal ano na naman ang tinatawa tawa mo dyan? Nagiimagine ka nanaman?" Naiiritang tanung ni Nigel

"Wala.. That's none of your business" pero ang hindi niya alam binubuking ko na siya sa inyo whahaha..

"Hoy! Luke Luke tae mong bulok..Kwento muna" kumunot ang noo ko sa tinawag niya sakin.

"Pffft." napatingin din ako kay Nigel na nagpipigil ng tawa..

"Ang bastos mo Clarity" siya naman ngayon ang kumunot ang noo.

"Ang bastos nakahubad especially nakatuwad" napanga nga ako sa sinabi niya.

"HAHAHAHAHAHAHAH" Pareho kaming napatingin kay Nigel na bigla na lang humalagpak ng tawa..

"Ehem... Bibili lang ako ng makakain" biglang tayo niya at punta sa counter..napailing na lang ako..

"Uy Luke luke tae mong bulok.. Magkwento ka na dali" ang bastos talaga ng babaeng to..

"Ang bastos mo talaga" kumamot siya sa ulo niya.

"Ano ba kasing bastos dun?" ang hina naman pumick up nito =______=

"Nasa canteen tayo tapos puro ka tae" tumaas bigla yung kilay niya..

"e.Ano naman kung magsabi ako ng tae? kumakain ka na ba?" pero napatingin kami sa biglang nagsalita.

"Kami kumakain" tumingin sakin si clarity kaya napatingin din ako sakanya.. pero saglit lang yun at tumingin uli si Clarity dun sa mga babaeng ngsalita kanina

"Who is fucking care if two of you were eating? Did I ask both of you?" sabay kampay ng kamay niya.. alam niyo yung parang sinusukat niya yung lugar namin..

"Dito dito lang ha? Mga sabatera." at syaka siya umirap.. Grabe naman ang pagkamataray niya. TT O TT bat ba nagkaganito ng ugali niya huhu..

"Excuse me.. wala rin naman akong pakealam sa sinasabi mo.. ang akin lang sana naman wag kang magsasalita ng mga nakakadiring bagay lalo na dito sa canteen.. marami kasing kumakain" pagmamataray din nung babae..

Tumingin ako kay clarity at nakikita ko na ang panget niya aura.. Patay kang babae ka. Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkakaganyan huhuhu.. Ang bad ni clarity...

Tinignan niya ng nanlilisik niyang mata yung babae..

"Ang arte naman.. Pang miss universe lang ang beauty mo teh? Kung ayaw niyong marinig ang pinaguusapan namin.. Lumayo kayo dito sa upuan namin." at hindi na sumagot pa yung mga babae.. mukhang natakot na talaga.

Nabigla ako ng bigla siyang tumingin sakin.

"Magkwento ka na.. Pampatagal ka e" nanginig ako ng marinig ko yung ganun niyang boses..

"Okay.. Chill" magiistart na sana ako ng dumating si Nigel.

inilapag niya lang yung tray ng pagkain.. hindi naman siya nagsalita kaya naman nagumpisa na ako..

"Ang Ten Little Bad Boys ay isang loko lokong grupo.. Actually sila na ang pinaka mabait na grupo dito sa lugar natin.. hindi sila nambubugbog, hindi sila gangster at lalong hindi kriminal.. Mahilig lang talaga sila sa buhok." Pagpapaliwanag ko kay clarity.

"e. Bat ang hilig nila sa buhok?" napakamot ako ng ulo sa tanung ni clarity.

"Yun ang hindi namin alam. May kanya kanya kasing dahilan ang bawat grupo. At hanggang dun lang ang binibigay nilang detalye. Parang kaming 7 Dark Angel. May mga bagay din kaming hindi pwedeng sabihin sa iba. Kasi tanging grupo lang namin ang pwedeng makaalam nun!" pero nagulat akong bigla na lang nagliwanag yung mukha ni Clarity.

"Oo nga pala. Bat nga pala Seven Dark Angel ang pangalan ng grupo niyo ang weird naman kasi ng pangalan ng grupo niyo" nanlaki ang mata ko dahil sa tanung niyang yun.

"Teka. diba sabi mo gusto mong malaman ang detalye sa Ten Little Bad Boys? So wag ka munang magopen ng ibang topic" iniligay niya ang kamay niya sa baba niya na parang nagiisip

"Oo nga nuh! Nga pala sino ba ang tatanga tangang Leader ng TLBB?" awtsu! makatanga naman si clarity huhu.. ang sakit niya talagang magsalita grabe na tuuuu..

"Makatanga ka naman grabe ka ha?" humarap na lang siya sa ibang directsyon at syaka niya flinip yung buhok niya.

"Sagutin mo na lang kasi" bigla siyang tumingin sakin habang finiflip yung buhok niya.

"A-ah! Ang leader ng TLBB ay si Reldiem Almin pero mas kilala siya bilang "REAL" biglang napatigil sa pagfiflip ng buhok si clarity ng sabihin ko yung REAL.

"Ha? Pano naman naging REAL ang nickname niya?" sabi na magtatanung din siya e. kahit kami rin naman nung una naming marinig na REAL ang nick name nagulat din kami at naguluhan.

"Kasi diba ang pangalan niya ay Reldiem? kinuha nila yung Re tapos yung Al kinuha nila sa surename niya na Almin.. Kaya naging REAL, Gets?" tumango tango lang siya kaya naman tinuloy ko na ang kwento ko.

"At ang kanang kamay niya naman ay si Speedrian Lloyes.. A.K.A "SPEED" tinignan ko ang reaksyon ni Clarity.

"Wow! ang astig naman ng mga pangalan nila.." kung titignan mo ang itsura ni clarity mahahalata mong bilib na bilib siya sa mga pangalan ng TLBB.

"Oo nga e. Pero pag nalaman mo pa ang lahat ng pangalan ng grupo nila mas masasabi mong kakaiba talaga sila" nagkibit balikat na lang siya.

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon