Nang matanaw na namin na wala na si kleo. Bumitiw na sa kamay ko si Nigel at dirediretsyo siyang lumakad na wala man lang sinasabi sakin.
Hindi ko alam pero parang nawala na ako sa utak ko at ito na lang ang lumabas sa bibig ko.
"Sorry na, Nigel alam kung wala nang magagawa tong sorry ko dahil nasaktan ko na kayo, lalo ka na pero nigel. I swear nagsisisi na ako sa mga nasabi ko sainyo at sa mga nagawa ko" hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko.
"Kahit tanggalin niyo ako sa Angel Spot okay lang basta mapatawad niyo -" naputol ang sinasabi ko ng tumigil siya sa paglalakad at humarap siya sakin.
"Hindi ako galit sayo. At mas lalong hindi kami galit sayo, lalo na ako" nabigla ako ng ngumiti siya ng napakatamis. First time kong makita siya na ngumiti ng ganun.
Lumakad siya palapit sakin at tinap ang ulo ko. Pero di ko na namalayan ang sunod na ginawa ko. Napansin ko na lang na nakayakap na pala ako sakanya. At patuloy ang agos ng mga luha ko.
"Sorry Nigel, sorry na hinusgahan ko kayo ng hindi kinikilala ang tunay na ugali niyo. Sorry" napadilat na lang ako ng maramdaman kung may mga kamay ang lumapat sa likuran ko at halos mapatalon ako ng yakapin ako pabalik ni Nigel. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba tong nararamdaman ko pero parang pag nasa bisig ako ni Nigel pakiramdam ko wala na akong pwedeng katakutan pa. Napaka gaan ng pakiramdam ko sa mga yakap niya.
"Napaka iyakin mo talaga, kahit na ang sungit mo napaka iyakin mo pa rin" napaangat ang ulo ko sa sinabi niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman na iyakin ako?" humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti lang siya ng makahulugan.
"Wag mo nang intindihin yun. Sige na umuwi ka na gabi na" tumalikod na siya at sa pagtalikod niya, napansin ko yung kamay niya.
"Y-yung kamay mo Nigel, d-dumudugo" nanginig ako ng makita ko yung dugong nasa kamay niya. Bigla niya iyong itinago
"Wag mo na lang pansinin yun." lumapit siya sakin at niyakap niya uli ako nang sobrang higpit pero ang katawan ko'y di pa rin tumitigil sa panginginig.
"Breathe in, breathe out" bulong niya sakin pero di ko pa rin magawang ikalma ang sarili ko. Meron kasi akong phobia sa dugo hindi ko alam pero basta pag nakakakita ako mg dugo bigla na lang sumasakit ang ulo ko.
"Ikalma mo ang sarili mo." tumingin ako kay nigel pero naging blurd na ang paningin ko.
"Pitch!!! Wake up, pitch!" at sa sandaling yun. Yun na ang huling narinig ko. Naging blanko na ang paningin ko.
---*
Pagmulat ng mga mata ko. Kisame ang sumalubong sakin. Inikot ko ang paningin ko pero parang hindi pamilyar sakin amg lugar na ito. Wala ako sa bahay ko pero nasaan ako ngayon?
Napatingin ako sa buong kwarto ng biglang may nakapukaw ng atensyon ko. Nakita ko si Nigel na nakahiga sa sofa at payapang natutulog. At nakita kung nakabenda ang kamay niya. Biglang nagflashback sakin ang lahat ng nangyari.
"Oo nga pala nahimatay ako nung dumudugo yung kamay niya." kausap ko yung sarili ko, nababaliw na ako.
Tumayo ako at kinuha yung kumot niya at ikinumot sakanya. Pero bago ako bumalik sa kama ni nigel hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala ang anghel na nasa harapan ko.
Ngayon ko lang napansin na napakagwapo niya pala talaga. Kulang ang salitang gwapo para sa isang katulad niya. Isa siyang perpektong bulto ng isang lalake.
"Hindi ako matutunaw ng mga titig mo" napaatras ako ng magsalita siya.
"Kanina ka pa gising?" idinilat niya ang mga mata niya.
"Ikaw, kanina ka pa ba nakatitig sakin?" sabay nagsmirked siya di ko alam pero feeling ko napaka pula na nang mukha ko dahil sa hiya.
"Ang lakas ng apog mo. Di ako tumititig sayo nuh! May dumi ka kasi sa mukha mo" sana naman maniwala siya sa palusot ko. Ang tanga mo kasi clarity tititig ka na nga na lang magpapahuli ka pa. Asar!
" Oh? May dumi ako sa mukha? O baka naman nabibighani ka lang sa angking kagwapuhan ko?" sabay humalagpak siya ng tawa. Nagulat na lang ako ng bigla ko siyang hinampas ng pabiro.
"Hahahaha. Okay ka na ba?" pagiiba niya ng topic.
"Ah! Oo okay na ako." napayuko ako di ko alam pero parang nahihiya talaga ako sakanya.
"Thank you nga pala nigel" inangat ko ang ulo ko. Binigyan ko siya ng isang totoo ngiti
"Ha? Thank you for what?" nakakunot noo niyang sabi sakin.
"Thank you for saving me. Thank you na lagi kang nandyan para sakin. Then Sorry na" napayuko uli ako. Ewan ko ba pero pag dating talaga kay nigel tumitiklop ako.
" Tsk. Wala yun. Natural lang na magalit ka samin dahil sa pinapahalagahan mo lang ang damdamin mo at naiintindihan naman namin na natatakot ka lang na masaktan uli. Kaya okay lang yun" at tumayo siya sa sofa at humarap sakin.
"Pero siguro naman ngayon alam mo na ang lesson mo?" at ngumiti siya.
"Oo. Natutunan ko na bawat tao may kanya kanyang kaugalian at ang nakaraan ay hindi dapat binabasehan para manghusga ng ibang tao sa iyong kasalukuyan" tinignan ko ang reaksyon niya at ng makita ko ang itsura niya para akong nasilaw sa mga ngiti niya.
Minsan ko lang siyang makitang ngumiti pero parang hinihiling ko ngayon sa kalangitan na sana lagi na lang siyang nakangiti dahil sa bawat ngiti niya. Gumagaan ang bagay bagay.
BINABASA MO ANG
"Seven Dark Angel"
Humor"SEVEN DARK ANGEL" pangalan ito ng isang grupo ng kalalakihan.. Sila ay may mabubuting puso.. Hindi sila masasamang tao, Ngunit nakapagtataka na seven dark angel ang pangalan ng grupo nila gayong mabubuti silang tao. Napaka misteryo ng grupo ng kala...