*7 Dark Angel* -- Partner ko siya sa activity? (p.2 of 7)

172 16 1
                                    

*Clarity's POV*

Pag ka baba namin medyo awkward.. tapos napansin ko lang na magkahawak pa rin pala kami ng kamay.. Sabay naming inalis yun..

"Salamat sa paghatid sakin a." Kumunot ang noo niya..

"Anong hatid?" pagtatakang tanung niya..

"di ako nakatira e. Kaya mo ko dito binaba diba?" mas lalong kumunot ang noo niya..

"e? Dito ka rin nakatira?" Ako naman ang napakunot noo..

"Oo.. dito ako sa village na to nakatira e. ikaw?" tanung ko sakanya..

"Ayan lang ang bahay ko oh!" Sabay turo ng katapat bahay ko..

"WHAT? sa tapat bahay ko lang ikaw nakatira?" napakamot siya sa ulo niya..

"Paulit ulit? kakasabi ko lang diba?" at tumalikod na siya sakin at syaka dirediretsyong naglakad papasok sa bahay nila..

Napayuko na lang ako.. kasi akala ko... tsss.. Maraming namamatay sa maling akala..

Masyado ka kasing assuming clarity.. asa ka namang maging mabait sayo yun.. asa ka naman na magiging close kayo.. haytss.. bat ko ba gustong maging close kami? pake ko ba sakanya?

lumakad na rin ako papunta ng bahay.. pero nagulat ako sa taong nakatayo sa tapat ng bahay ko..

"Anong ginagawa mo dito?" ano pa kayang kailangan niya at nagpunta siya dito?

"So magkatapat pa talaga kayo ng bahay.." nakakaasar talaga.. pagod na ako nangbubwesit pa ang isang to.

"Bat kung makapagsalita ka.. feeling mo parang tayo pa? tss.. Don't act like my boyfriend" at tumalikod na ako at binuksan ang pintuan..

"Boyfriend mo naman ako a!" Ang kapal talaga ng mukha niya kahit kailan.

"Correction! EX-BOYFRIEND, i think you know the meaning of EX-BOYFRIEND? So you don't have authority to judge my decision.. Excuse me"

at umiwas na ako sakanya pero mabilis siya at nahawakan niya ang braso ko..

"Kailan pa naging kayo? Ilang buwan pa lang akong nawala sayo may pinali---"

*SLAAAAAAAAAAAAAAP*

"HOW DARE YOU TO SAY LIKE THAT TO ME? hindi ba dapat sa sarili mo yan sinasabi... ilang buwan palang tayo naghihiwalay pero may kasama ka ng iba? Wag kang maghugas kamay na parang napakalinis mo.. pero sa totoo lang inuuod na ang kaluluwa mo dahil sa sama ng ugalil mo!! at wala kang pake kung kami na! wag kang umarteng may pake ka sakin.. kahit ang totoo wala naman talaga!"

at dirediretsyo na akong pumasok sa bahay..

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari at parang apektado pa rin siya sa mga nangyayari sakin.. hindi ko alam kung nangaasar na lang ba siya o talagang gusto niya lang akong saktan ng paulit ulit..

Hindi pa ba apat yung sakit na ginawa niya sakin noon? Kulang pa ba yung pagwasak niya sa puso ko? Ganun na ba talaga kakapal ang mukha niya para sirain ang buhay ko?

"Seven Dark Angel"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon