[JM]
Maaga akong nagising pero naka tanaw lang ako sa malayong desyerto dito sa Egypt. Parang kailan lang ng makuha akong head architect para sa paggawa ng gymnasium dito. I was a fresh graduate then, pero isang break agad ang offer sa akin by my father's friend. Ayaw ni mama kasi malayo tapos limang taon pa ang kontrata. But i insist, i wanna be the person i wanted to be, yung may marating sa buhay. I study hard and harder to be the best in my chosen career. So when opportunity knocks, I can't even see myself turning down the chance. As expected, I know my life would be hell hard here, but what I didn't expected, that it was hell harder than what I imagine.
Mga kasama ko dito iba-iba ang lenguwahe at mga pasaway. Pero may ibang mundo ako, may mga pinoy din kaso ilag sila sa akin, kasi daw big boss nila ako. May time na nagyayaya silang mag bar sa syudad, kaso ayoko, so i'll buy myself some bottle of liquor and drink myself to death. Inaamin ko naging alcohol dependent ako, wala eh, yun lang ang karamay ko sa kalungkutan.
After five years... para na akong preso na lalaya na. Dahil uuwi na ako ng Pinas.
"Boss, excited kanang uuwi?" Hindi ako kumibo, nag-iisip pa ako if uuwi ba ako or hindi muna. "Bossing, maraming mga magagandang bebot dun, magpakasawa ka." Nilingon ko ang nagsasalita, si Crisostomo, ang babaero sa lahat. Nginitian ko lang siya saka tumalikod at nilagay ang mga gamit sa bag, wala akong binili kasi mayaman naman ang parents ko, kaya na nilang bumili. Wala din akong gadgets, hindi ako mahilig aside sa tablet ko, ni wala akong phone. Nag titipid ba? Hindi naman.
"Bossing baka may kakilala ka dun sa atin hanapan mo ako huh? Bigay mo roaming ko!"Bakit ba may mga lalaking na uulol sa babae? Ako? Never pa akong nagkakagirlfriend at may niligawan. Ayoko sa mga babae, ewan, kaya ngayon I shamelessly admit that I am still and remain virgin. Psssssttt.... Secret lang natin yun huh? I guess na dala ako sa sitwasyon ng parents ko, na e promise ko na talaga na ayokong mag asawa. Hindi ako bakla huh! Sadyang wala lang akong hilig sa babae, malamig pa daw ako sa bangkay. Pag may nagpapa cute, deadma ko lang sila.
Sa hinaba-haba nang flight, sa wakas tanaw ko na sa baba ang paliparan ng NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT. Hindi alam ng parents ko na darating ako, pero alam ng brother kong si Jacob dahil siya ang susundo sa akin.
"Kuya...." Nailing nalang ako ng makita ko ang kapatid kong si Jacob na panay ang kaway at animoy aso kung makangiti. "Kuya kumusta ang Egypt?"
"Egypt pa rin." Nilagpasan ko nalang siya, alam ko nakabusangot na naman yun! Madali pa namang magtampo na parang bata parin. "San ang destinasyon natin ngayon?"
"Sa ating mansion."
"Anong meron?"
"Wala, guguluhin lang natin si Jereh!"
"Akala ko ba nagpad na siya?"
"Oo kaso pinalipat ni mama, baka daw sa tinagal-tagal nila ng syota niya e baka mabuntis na ito dahil solo na nila ang pad."
"Buti naman at natagalan ng babae si Jereh."
"Bakit? Mabait naman si kuya Jereh ahhh, ikaw lang naman ang gago!"
"Ano? Sino ang gago?"
"Sabi ko nga si kuya Jereh."
Ng narating namin ang mansion ay natulala ako sa nakita, daig ko pa ang bumisita sa libingan sa sobrang tahimik. I was expecting na kahit papano sabik silang makita ako. "Nasan ang mga katulong?"
"Pinalayas ni mama, matanda na daw tayo para magkaroon."
"Dito ka nakatira?"
BINABASA MO ANG
I'm Marrying My Brother's Pregnant Girl
RomanceJames Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na wala ng bastardo ang dapat na isilang sa pamilya. His boring life will always be boring until his f...