[ JM ]After kong silang manmanan ay pumunta ako sa office, lumagda ako ng kontrata, ang plano ko ay isama si Jany at Millah, pero ang balak ko ay umalis na handa na ang papeles nila, i love my job, and i love them both kaya ayokong mapawalay sa kanila.
Two years!
Yan ang nilagdaan kong kontrata on the spot! Nag tataka sila, pero halata nilang bad mood ako kaya walang nag lakas loob na mag tanong. I end up at the bar and drinking till its late! Hindi ma wala sa utak ko ang tawanan nila at yakapan, bilang asawa nasasaktan ako at nag seselos. Ano bang laban ko sa first love? Sabit lang naman ako eh. Ngayong darating na si Jereh, alam kong kukunin na niya ang pinahiram niya sa akin.
Yun ang hindi ko matanggap!
Mahal na mahal ko na si Jany at Millah para basta-basta niya lang kukunin. Nang makita ko siya ay nananariwa ang sakit!
I hurt her!
And it hurt me more!
Gusto ko siyang yakapin at aluin. Ayokong makitang umiiyak siya.
Because of me!
Kaya aalis ako.
Para malaya na siyang mahalin ulit si Jereh.
"NO NEED! MY PRIDE DIN AKO! AYOKO SA LAHAT NG INIIWAN, KAYA NGAYON PALANG AALIS NA KAMI NG ANAK KO!"
Bigla akong na alarma at nasaktan din kaya umakyat na lang ako sa taas hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin pa niya. Hindi agad siya sumunod sa kuwarto kaya nilabas ko siya at nakita ko siyang naupo sa may hagdanan at umiiyak. Gausto ko man siyang yakapan at mag sorry na lang saka pikit matang tatanggapin na andito na si Jereh at hanggang dito na lang ang papel ko.
"Mag tutuos tayo Jereh, makukuha mo man siya, bubugbugin muna kita!"
Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako, naka lock ang gate kaya pinag sisipa-sipa ko ito, hanggang sa nakita kong tumatakbo si Jacob at Jereh na buksan ito. Nang maka pasok ay walang sabi-sabi sinuntok ko si Jereh at tumilapon siya dahil sa gulat.
"Dios ko JM anung ginanagawa mo!"
Sigaw ni mommy na dinaluhan si Jereh na nag durugo ang ilong. I didnt see it coming, pero isang di inaasahang ataki mula kay Jereh ang nag pa bagsak sa akin at galit na din siya kaya nahihirapan na si Jacob na awatin kami.
"Tama na yan!" Sigaw ni daddy!
Si mommy umiiyak na at yumakap sa akin. "JM, anong problema, bakit sinasaktan mo ang kapatid mo!"
"Ang walang hiyang yan, bitawan mo siya Jacob, nang mabugbug ko siya! Matagal ko na sana ginawa to eh."
Susugod na dapat si Jereh pero nahila ito ni daddy at tinulak palayo. "I SAID ENOUGH!!!"
"Just let him be dad! Gusto ko ring patayin ang hayop na yan!" Nag didilim na ang paningin ko sa galit.
"Huh! Ikaw pa ang may ganang patayin ako? Ano bang kasalanan ko sayo?"
"BAKIT JEREH, ANG PAG EWAN SA BUNTIS MONG GIRLFRIEND HINDI BA YUN KASALANAN? INIWAN MO ANG RESPONSIBILIDAD MO AT KAILANGAN KONG PANGATAWANAN PARA SA PAMILYA! PARA SA ANAK MO! TAPOS ANO? BABALIK KA NGAYON? PARA ANO PA'T GUGULUHIN MO ANG BUHAY KO? SIGE, IBIBIGAY KO ANG ASAWA KO SAYO! PERO PAPATAYIN MUNA KITA HAYOP KA!"
Susugurin ko na dapat sya ng isang suntok pero si daddy ang nagpa tigil sa akin.
"BAKIT JM? GINUSTO KO BANG LUMAYO? GINUSTO KO BANG MAG PARAYA?SA TINGIN MO GANUN-GANUN KO NA LANG IPINAUUBAYA SAYO SI JANY? HINDI! MAHAL NA MAHAL KO SI JANRAH PERO KAILANGAN KONG BITAWAN SIYA DAHIL SAYO!"
BINABASA MO ANG
I'm Marrying My Brother's Pregnant Girl
RomanceJames Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na wala ng bastardo ang dapat na isilang sa pamilya. His boring life will always be boring until his f...