[JM]
Umalis ako ng bahay, i stayed at the hotel, nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Anong karapatan nilang pangunahan ako? Especially sa kasal? Kung andito lang si Jereh ay baka nasuntok ko pa ito kasi gagawa gawa ng kabalbalan naduduwag namang panagutan ang ginawa. Pero I know i have to face my parents again and hiding is not me. Hindi ako duwag.
"Kuya???" Bigla akong napalingon sa bose ng kapatid ko si Maya, dalagang dalaga na siya. "Alam kong galit ka, kung sana naging lalaki lang ako, aakuin ko na ang pagpapakasal kay ate Jany."
"Jo-h-ny??"
"It's J-A-N-Y, a short for Janrah, it's not that bad marrying her kuya, she is super mabait at maganda."
"Whatever! I am not going to marry her anyway!"
"Mahal na mahal nila ang isat-isa, limang taon, limang taon ang tinagal ng pagsasama nila ni kuya, pero ewan ko kung anung totoong nangyari at biglang nawala si kuya, ngayon pang buntis si ate Jany." Malungkot ang mukha ni Maya, isang himala, infact ito ay para ding si Jacob na nagmana kay mama na maloko at madaldal. "Kuya, ayaw mo bang isilang si baby Jamillah na may tatay? Paano kaya kung hindi nagka balikan sina mommy at daddy? Am i gonna be like you? Is she gonna be like me too?"
"I didn't make it!" Malungkot na sabi ni Jacob. Napataas ako ng kilay nang yakapin ni Maya si Jacob at mukhang iiyak talaga sila. "Nag apila ako kay daddy at mommy na ako nalang ang ipakasal kay Jany, total crush ko naman siya."
"So what happens?"
"HINDI MO NGA KAYANG DALHIN ANG SARILI MONG PAG AARAL PAG AASAWA PA KAYA?"- ginaya niya ang boses ni daddy kaya natawa na ako kasi kuhang-kuha niya ang timbre ng boses nito. Gusto kong matawa, gagu talaga itong si Jacob kahit kailan pero seryoso silang dalawa ni Maya kaya hindi na ako umimik.
"Bakit daw kuya?" usisa ni Maya na parang pusang di mapa-anak.
"I'm not worthy enough to have a Family! I'm just only 22, ano nga bang alam ko? Ok lang sana kong sa pag aaral lang ako bumagsak, pano pala pag sa marriage na? di kawawa si baby Jamillah."
"Sana bumalik na si kuya Jereh." Wishful na sabi ni Maya. "Kuya, sorry kung hindi kita matulongan, but please try to consider it, wag mong hayaang isilang ang pamangkin nating walang ama, kawawa si mama, iyak ng iyak, kung kinakailangan luluhod daw siya sa harap mo gagawin niya!"
Dahil sa pinag sasabi ng mga kapatid ko ay nahulog ako sa isang matinding pag iisip. at ang kalaban ko ay ang aking konsensya. Si mama ay aking weakness kapag ganito nang willing siyang lumuhod ay mukhang corner na ako. Kung hindi ko kasi pagbigyan si mama ay lalaki ang lamat namin ni daddy. Napahawak ako sa ulo dahil hindi ko alam kung anong gagawin. I found myself going home at nakita ko nga si mama na nakatanaw sa malayo habang si daddy ay may luha ang mga mata, he is the cold Jeremy Liam pero seeing him right now ay nakaramdam ako nang nahabag ako.
"Mom?"
"JM anak? Sorry huh? Kung ipipilit ko ang tingin namin ay dapat ng daddy mo, believe me, hindi lang ikaw ang nahihirapan. Pero kasi naging selfish kami. Payag na akong umalis ka. You can sign a contract and live, kakausapin nalang namin ang parents ni Janrah to postponed the wedding habang hindi pa namin makita si Jereh."
"Mom, you know kung anong pananaw ko sa babae, relasyon at responsibilidad. I love my free boring freedom at ang hinihingi ninyo ni daddy sa akin ay isang pagbibigti!"
BINABASA MO ANG
I'm Marrying My Brother's Pregnant Girl
RomanceJames Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na wala ng bastardo ang dapat na isilang sa pamilya. His boring life will always be boring until his f...