After two years
[ Jany ]
Masaya ako dahil ako ang nanalo sa bidding para maging suppliers ng mga halaman at bulaklak sa gagawing planetrium ni Mayor. Since dito na ako tumira sa Davao, ipinamana na ni mommy sa akin ang flower farm at ang banana plantation dito ng mga abuelo ko. Kahit every day super busy ako i always find time para sa mga baby ko. Ayoko kasing isipin nila na wala na nga silang tatay pati ako mawawala pa.
"Maam si Maica tinupak na naman ayaw kumain." Sumbong ng yaya niya.
"Mommy....Mommy... Kasama mo na ba si daddy?"
Ginulo ko ang buhok niya saka kinarga. Masayahin si Millah pero may time din na hinahanap niya ang daddy niya.
"Diba sabi ko sayo nasa malayo si daddy para mag work?"
"Kailan siya darating?"
"Yun ang hindi alam ni mommy, mabuti pa, tulungan mo akong pasayahin si Maica."
Jamaica o Maica, ang aking pinagbubuntis ng umalis ako ng Manila at nanirahan sa Davao. Sila lang ni Millah ang nagpapasaya sa akin. Sila ang buhay ko. Ang alaala ni JM sa akin. Hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hanggang ngayon wala akong ibang minahal maliban sa kanya.
"Nag asawa na kaya sya?"
"Maica???"
Gusto kong matawa kay Maica, magkaiba sila ng ugali ni Millah pero parati silang napagkamalang kambal. Si Maica ang ka ugali ni JM, ang hirap espelingin.
"Maica?"
Nag liwanag ang mukha niya ng makita niya ang ate niya na may dalang ice drop. Ang ipinagsasalamat ko sa dios at lumaki silang maayos at magkasundo. Pinunasan ko sila at pinapatulog, siesta time, dahil sabado naman halft day lang ako, matutulog din ako katabi nila Suot ang pajama at maluwang na tshirt ay handa na akong mag landing ng may kumatok sa pintuan.
"Maam may bisita po kayo!"
Wala akong nagawa kundi ang tumayo. Pag baba ko ng hagdanan ay na shock ako, bigla ko nalang tinalon ang pagitan namin.
"Jereh!" Yumakap ako sa kanya.
"Mukhang hindi mo atah ako na miss ahhh!"
"Hindi ba halata? Kumusta kana?"
"Ang daya mo! Bakit dito ka nagpunta? Nahihirapan tuloy akong hanapin ka!"
"Bakit mo kasi ako hinanap? Diba ang sabi ko sayo, mag paka layo-layo na ako! Bakit hinanap mo pa ako?"
"Diba sabi ko hindi ako magpapakasal hanggat hindi kita mahahanap? Ehhh gusto ko ng mag asawa eh kaya hinanap kita!"
"Ohhh, Jereh, congratulations!"
"Ikaw kumusta kana?"
"Heto, masaya naman! Sabihin mo sino ang papakasalan mo?"
"Yung na e kwento ko sayo, si Aerie!"
"So she is the one huh! Im happy for you! Dati, I've been waiting for you to propose on me, kung kailan handa kana hindi naman pwede."
"Oo nga eh, graveh ang tadhana kung mag biro!"
BINABASA MO ANG
I'm Marrying My Brother's Pregnant Girl
RomanceJames Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na wala ng bastardo ang dapat na isilang sa pamilya. His boring life will always be boring until his f...