[JM]
Dumating kami sa Cebu. Sagot lahat ni tita Pearl ang tuxedo namin. Sumama din ang mga pinsan ko na inaasar akong umuwi lang para mag-asawa ni wala silang alam sa tunay na nangyari. May iba na kilala si Janrah na girlfriend ni Jereh ang hindi nalang nag comment para huwag masira ang mood nga pamilya.
Kinahaponan naging busy na ang lahat dahil sa kasal. Hindi ako maarte pero ayoko namang may masabi ang syota ni Jereh na pangit ako kaya nagpa pogi din ako. Ang dyasking Jacob ay pumasok pa dala ang claydough niya at inayos ang buhok ko dahil nagmumukha daw kaming magkapatid ni daddy. Actually i looked amazing in the mirror, may silbi din pala si Jacob kahit papano. Pero pumasok din si Maya amy dalang lipstick at basta nalang nilagyan ang bibig ko para daw mamula-pula para hindi kahiya hiyang e kiss si Janrah ani pa niya. In all wala akong nagawa sa mga kapatid ko. Nakalulungkot lang is that, wala si Jereh.
Nasa simbahan na ako nang sumenyas ang wedding coordinator na magsisimula na kasi dumating na ang bride. I'm marrying her for my niece! Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. "I will make your life a living hell! Kung bakit kasi nagpakasal ka sa akin!" Feeling ko bibitayin na ako sa araw na 'to. Nang nakita ko siyang naglalakad ay unti-unting nauubosan ako nang hangin. Ni hindi ko alam kung humihinga pa ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Nang inabot na ng tatay niya ang kamay sa akin, ay tinapik niya lang ako. Makapal ang belo, kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya, ganun daw yun eh, magkahawak kamay hanggang sa matapos ang seremonya. "Ang init ng palad niya."
"DO YOU, JAMES MATTEW CIRILLIO, TAKE JANRAH ALEJANDRO AS YOUR WIFE FOR BETTER OR WORST?"
"I do!"
Mabilis ang pag sagot ko para matapos na ang kasal, para kasing inunti-unti nila ang aking kamatayan eh.
"DO YOU, JANRAH ALEJANDRO, TAKE JAMES MATTEW CIRILLIO AS YOUR HUSBAND FOR BETTER OR WORST?"
Hindi nga sumagot na tila nag-iisip. "Naloko na! May plano ba siyang ipahiya ako? Oh mag run away bride kaya?"
"DO YOU, JANRAH--"
"I do!"
"BY THE POWER VESTED IN ME, I NOW PRONOUNCE YOU HUSBAND AND WIFE. YOU MAY KNOW KISS THE BRIDE.
Binuksan ko ang belo para makita ang mukha nang aking bride, the moment na lumantad ang mukha niya ay nagka gulatan kami rather, nagulat ako kaya nagulat din siya. "Impossible, bakit naging siya ang pinakasalan ko?" Hindi ako makapaniwala na ang babaeng pinagpapantasyahan ko gabi-gabi ay ang syota ni Jereh na asawa ko na. Biglang nawala sa utak ko ang plano kung pahirapan siya dahil ngayon palang nahihiya na ako, unti-unting nawawala ang hangin sa akin at ang lakas ng kabog ng puso ko.
I kiss her!
Parang may kuryente na nagkonekta sa aming dalawa, hindi ako makakapag salita sa hiya. Sa unang pagkakataon ay nagkakagusto ako sa babaeng ngayon ay asawa ko na. Sa receiption ay tahimik lang siya, pero pagkinakausap ni Maya at Jacob ay ngingiti ngiti naman siya. Habang ako ay tahimik lang na pagot din ako sa ka paparoon at parito. Invited ata nila kamag-anak nila sa buong sulok ng Cebu.
"Salamat son, sana kahit hindi mo siya mahal, sana alagaan mo siya at wag mo siyang sasaktan, aalahanin mo buntis siya."
"Mom! ano namang akala mo sa akin sadista? Kung maka sasaktan ka diyan kala mo naman sasalingan ko siya." ngumiti lang si mama na tila may ibig sabihin kaya si daddy ang hinarap ko. "Dad? Anong mangyayari pag bumalik si Jereh? Are we getting a divorce?"
BINABASA MO ANG
I'm Marrying My Brother's Pregnant Girl
RomanceJames Matthew Cirillo is the eldest son of Irish Hearts and Jeremy Cirillo. Dahil sa takbo ng love ng kanyang magulang ay ipinatupad ng tatay niya na wala ng bastardo ang dapat na isilang sa pamilya. His boring life will always be boring until his f...