4 | Video Message

135 11 0
                                    

Chapter 04

Lyonce's POV

Naglalakad kami ni Amor sa corridor ng ikalawang palapag nang makita namin ang mga kaklase namin. Nakatingin lamang sila sa bintana at ang iba't parang nasusuka sa kung ano. Nagmadali kaming tumakbo ni Amor sa itaas. Nang malapit na kami sa room ay agad napatigil si Amor sa pintuan.

"Pres. Yung amoy na yan!" Napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko ang napakapilyar at nakakasukang amoy na nalanghap ko kahapon. Bloods. Pero saan nanggaling?

Pumasok ako at tiningnan ang loob. Mas lumakas pa ang amoy na naamoy ko kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Napaigtad ako nang marinig ko ang pagbagsak ng isang box kasabay ang malakas na mura ng aking lalakeng kaklase.

"Putangina!"

Nasaksihan ko ang unti-unting pagdaloy ng dugo sa sahig na nanggaling sa isang walang kabuhay-buhay na nilalang. Hindi ko maiwasang mapatakip sa aking ilong at bibig upang pigilan ang sarili na masuka sa hitsura ng kaawa-awang pusa.

"What the hell is that!" Narinig kong sigaw ni Angelica at tumili.

"Sinong may gawa nito! No. That precious little cat, no!"

Napatanga na lang ako. Hindi ko maiwas ang aking paningin sa karumaldumal na nangyari sa maliit na pusa. Sinong walang pusong may gawa nito? Bakit sunod-sunod ang nangyaring ganito? If they're trying to pull a joke, then it's not funny.

Napalingon ako sa babaeng dumaan sa aking gilid na walang emosyong tumungo sa sariling upuan, Aiko Araquel. Binuksan  niya ang kahong nasa ibabaw ng mesa niya. Naitapon niya ang takip nang makita ang silid.

"Ano yan?" Hindi ito maitsura at parang may galit ang taong gumawa sa kung ano mang kaawa-awang nilalang na ito.

"Wait. Is that a rat?" Nakita kong maarteng itinuro ni Angelica ang laman ng kahon. Hindi man masyadong maaaninag pero nakita ko ang buntot at ulo ng dagang nandoon, ang kaniyang katawan ay tila walang habas na dinikdik ng parang luya. Narinig ko ang sigawan ng mga babae kong kakalse dahil sa nakakadiring itsura nito.

"Anong gagawin natin?"

"Maya-maya lang ay dadating na si Ma'am"

"Magsusumbong ba tayo?"

"Sinong may gawa nito Pres?"

Walang gustong umapak sa loob ng room. Anim lang kaming nandirito. Si Sarah na may hawak ng susi kanina, si President, Dave, Aiko, Angelica at ako. Takot at pandidiri ang nangingibabaw sa kanilang hitsura.

"Papasukin niyo lahat ng boys," mahinang sabi ni Pres pero sapat na upang marinig ng lahat ng nasa loob ng room.

Tinawag ni Dave ang mga lalake papasok.

"No! Ayoko! Nakakadiri, eww. Look at that mouse." Pierrionne Justine Corimo. He hates rats pero napilitan na lamang itong pumasok nang binigyan siya ng masamang tingin ni Pres.

"Ilabas niyo ang mga kahon, kung ayaw niyong makakita ng kung anong nakakadiring bagay, huwag niyong buksan," babala ni Press sa mga lalake.

"Saan naman namin dadalhin lahat nang 'to, Roberto?" Tanong ni Mark, Mark John Ramos. Artist at dancer. He's a thin guy na may singkit na mata at pang koreanong mukha.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni President at nakakunot ang noong inikot ang tingin. Tumigil ito sa gilid na bahagi ng classroom, sa bintanang gawa sa grills at kitang kita ang labas kung saan sobrang lapit na ang pader na skwelahan at sa likod non ay ang napakaraming puno.

Mukhang nairesolba na nila ang problema. Lumabas na ako at tiningnan isa-isa ang aking mga kaklase. Ang iba'y nag-aalala ang mukha at nakatingin sa mga lalake sa loob. Ang iba'y nakaupo at nakatingin sa kawalan. Pinuntahan ko si Amor na para bang balisa at tingin nang tingin sa loob ng classroom at saka naman iikot at bubuntong hininga.

Hell-o Where stories live. Discover now