17 | Meal

62 7 1
                                    

Chapter 17

"Tinalakay natin ang pagkakakapantay-pantay natin anuman ang kasarian ng isang tao. Walang karapatan ang sinuman na manghusga dahil maaring mayroon mga bahagi sa buhay nila na hindi natin nalalaman." Kitang-kita ang mga papikit na mga mata sa mga estudyanteng nakaupo sa likuran, malakas silang napapahikab at sinusubsob ang kanilang mga mukha habang nagsasalita ang isang guro sa harap. Araling Panlipunan. A-not-so-interesting-subject para sa mga estudyanteng nasa likuran. Ngunit iba naman ang makikita sa harapan na silid. Naroon ay makikita ang mga estudyanteng nakikinig ng mariin at isinusulat pa ang mga importanteng bagay na iniulat ng guro sa harapan.

"Anong oras na ba?" Ani ng isang estudyante sa pinakahuling row.  Nakaupo roon ang babaeng may maiksing buhok at may benda sa gilid ng noo nito. Sa kaliwa, katabi niya ang isang babaeng may kaputian at may singkit na mga mata na nakaearphones lamang at nakatingin na diretso sa harap na para bang nakikinig. Sa kaniyang kanan ay nakaupo rin ang isang lalakeng may kachubby-an at nakalagay sa kaniyang palad ang kaniyang mukha na parang kahit anong oras ay pipikit na at makakatulog na. Sa tabi nito ang isang bakanteng upuan na dating upuan ng namatay nilang kaklase.

"Hermann? Anong oras na?" Tanong ng babaeng may benda sa ulo sa katabing lalake. Tiningnan naman ng lalake ang relos na nakakabit sa kaniyang pulsuan.

"3:00," maikling sabi nito.

"Argh! Ba't ang bagal ng oras kapag ang matandang iyan ang nagtuturo?" Nakatingin ng masama ang babae sa matandang babaeng nagtuturo sa harapan. Nabagot ng sobra ang babae sa pakikinig sa dalawang oras nitong pagtuturo. Dahil sa umabsent na guro ay nagpatuloy ang unang subject nila hanggang sa mag-uwian.

"Wag kang maingay, Aiko," saway sa kaniya ng nagngangalang Hermann. Napairap na lamang ang babae at tumunganga sa harapan, hindi na nag-abalang makinig pa.

"Alam kong marami na ang nangyari sa loob ng silid na ito at alam ko kung gaano iyon nakaapekto sa inyo. Nakikita ko ang mga matatamlay niyong mukha. Patawarin nawa ng Diyos ang kung sino man ang may gawa ng lahat ng ito. Manatili tayong positibo at maingat."

Bakit ba nakarating diyan ang topic eh ang pinag-uusapan lang naman ay pagkakapantay ng babae at lalake? Nasa isip ng mga estudyanteng nasa likuran na patuloy na tumitingin sa orasan dahil sa pagkainip.

"Sana'y maliwanagan ang ating isip sa mga nang---" naputol ang mga sinasabi ng matandang guro nang marinig sa buong skwelahan ang malakas na siren na naghuhudyat tuwing may kalamidad.

"May drill?" Tanong ng mga estudyante na agad nagsiupuan sa ilalim ng kanilang mga desk.

"Takpan ninyo ang inyong mga ulo ng libro o kung anong matigas na bagay," sabi ng matandang guro na nagmamadali rin sa pagliligpit ng mga gamit niya sa desk.

Nang matigil ang siren ay nagsitayuan na ang mga estudyante upang bumaba. Nang makalabas ang lahat upang bumaba, ay nagsiksikan na ang mga estudyanteng gusto nang makababa. Itinaas ng Presidente ng seksiyon Bonifacio ang pangalan ng kanilang seksiyon upang makasunod ang lahat kung saan man sila mananatili habang may drill. Nang makababa at makatungo sa field ay nagsiupuan na sila sa sahig.

"Alexa, bilangin mo na, baka may kulang." Ang babaeng tinawag na Alexa ay siyang sekretarya ng kanilang klase. Inatasan siyang bilangin at ilista ang mga estudyanteng nandoon. Nasa isip ni Alexa ang mga kaklaseng nawala at saka niya tinanggal sa listahan. Now, they're only 39. Nang bilangin niya ang lahat ay napakunot ang kanilang noo. Luminga-linga siya na tila may hinahanap at may kulang sa kaniyang binilang.

Hell-o Where stories live. Discover now