29 | Snapped

52 7 2
                                    

Chapter 29

Mitz' POV

"Tara, kailangan na nating lumabas." Hinila ko ang pulsuan ni Mark John palabas. Wala pang gumagalaw sa mga kaklase ko. Walang gustong magpractice unang subject sa umaga, alas syete palang. Absent si Ma'am kaya eto na naman po kami. Nauna kong hinila si Mark John palabas. At sa hindi ko din malamang kadahilanan, badtrip na badtrip ang umaga ng isang to. Well, sino ba naman ang hindi mababadtrip kung kakarating mo pa nga lang ay practice na ang sasalubong sa iyo. At isa pa, hindi naman sila ang mapapagod magsita sa mga kaingayan at katigasan ng mga bungo nila.

"Wala akong gana magturo ngayon," nakasimangot na reklamo ni Mark John. Nakahawak parin ang kamay ko sa kaniyang pulsuan at hindi naman siya pumapalag. Patuloy kami sa paglalakad palabas ng building para maghanap ng bakanteng lugar na hindi pinaparaktis-an ng ibang mga estudyante.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala. Malas lang talaga ako ngayong araw... tapos dumagdag pato," seryosong seryoso ang mukha niya at mukhang hindi mabiro ang isang to ngayon. May dalaw ba to o ano?

"Wag mo lang masyadong pairalain mamaya kapag magtuturo na tayo. Baka makipagsabunutan-- i mean, makipagsuntukan ka pa." Nadulas pa ako. Geez, Mitz. Yung bibig mo talaga. Eh kasi naman eh, parati kasi nilang inaasar si Mark John na bakla ayan nahahawa na ako sa mga inaasar nila. Hindi ko naman mapigilang mang-asar minsan. Hmmp.

"Wag kang mang-asar ngayon. Can't punish you right now." Parang mabilaukan pa ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Jusko, mahabagin. Kung ano naman tong pinag-iisip ko.

"Baliw. Wag ka na kasi sumimangot. Hindi ako sanay," sabi ko.

"Paano ako hindi sisimangot? Eh wala ngang sumunod sa atin eh, mukhang walang balak mag-aral o pumasa." Nang mapilingon ako sa likuran namin ay wala nga. Nang tumingin ako sa classroom namin ay nakita ko si President sa may pinto na parang tinatawag pa ang atensiyon ng iba. May mga kaklase naman kaming nagsilabasan na pero kakaunti lang rin. Sina Abegail, Ara at Kathleen lang rin naman ang lumabas.

Napabuntong hininga nalang akong nakatingin sa nakakafrustrate naming section. Hay jusko, kailan ba makikinig ang mga to?

Nasa labas na kami. Nasa volleyball court kami magpapractice kasi wala namang naglalaro ngayon. Wala rin masyadong activities ang mga volleyball players ng ganito ka aga, kadalasan, hapon sila nagpapractice. Open area ito kaya sobrang init, eh hindi naman kami makapagpractice sa covered court kasi may nagpa-practice namang taga ibang year.

"Bilisan niyo!" Sigaw ko sa kanila nang makita ko silang bumaba na. Eto namang mga hinayupak nato, akala mo naman nagmomodel sa malapad na field kung makapaglakad. May iba pang nagkukwentuhan.

"Hindi tayo pwede dito Mitz! Sobrang init! Baka mapano si Sweet." Well, excuse naman nila yan everytime ayaw nilang magpractice sa mainit na lugar pero hindi rin namin pwedeng baliwalain si Sweet. Bawal kasi siya mainit eh kaya napatingin nalang ako sa loob ng court slash gym kung nasaan marami rin ang nagpapractice.

"Don nalang sa may likuran, hindi naman masyadong mainit don," narinig kong sabi ni Mark John sa akin at nginuso ang likurang parte kung san walang masyadong nagpapractice. Nauna na kaming maglakad papunta roon kaya agad naman silang sumunod sa amin. Nang makarating kami roon ay agad ko silang hinarap. May nahuhuli pa sa paglalakad kaya nakakagigil silang panoorin, alam mo yung feeling na gusto ka nalang mangaladkad ng tao. Grrr.

"Naalala niyo ba iyong pwesto niyo? Yung tinuro ko noong isang araw? Sige na. Formation!" Sigaw ni Mark John
Seryosong seryoso ito kaya ang iba napasunod nalang sa takot. Pero hindi naman siguro mawawala ang mga matitigas ang mga ulo. Mga pinaglihi sa sama ng loob. Amputcha.

Hell-o Where stories live. Discover now