22 | Stay

66 9 3
                                    

Chapter 22

Girlie's POV

December naaaa! Christmas season! It means na malapit na ang Christmas break pero hindi ko naman aakalain na sa susunod na linggo na. At heto na naman kami sa classroom na patuloy na binalik-balikan namin kahit alam naming may posibilidad na may mamatay sa amin. Bakit? Para sa akin, kailangan ko parin ang matuto. At hindi ko naman maiwan-iwan ang mga kaklase ko. Gusto kong sumama sa kanilang labanan ang kung sino man ang pumapatay. Pero sobrang nakakalungkot lang kasi napakalaki ng nabawas sa amin. Imagine? 34 nalang kami ngayon na dating 53. Kung dati napakaingay namin to the point na naririnig na ang mga boses namin sa field pero ngayon.. well, wala namang pinagbago, maingay parin pero hindi na kasing-ingay noon. Alam mo yun? Nakakamiss lang yung mga pag-iingay nila noon, lalo na sina Bernette na talagang nangunguna.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa paligid. Ngayon? Unti-unti na kaming nagkakawatak-watak, may nag-aaaway away na. Hindi na nagpapansinan ang bawat grupo ay squad pero hindi parin maiwasang mag-ingay. Nitong nakaraang mga araw ay wala namang nangyayari, mas kinakabahan nga ako dahil sa sobrang tahimik na-- walang pumapatay-- parang bumalik yung dati ang pinagkaiba nga lang ay mas kaunti kami ngayon. May mga teachers naring pumapasok-- yung mga practice teachers, pero mayroon paring hindi na talaga pumasok sa classroom namin-- takot na baka kung anong mangyari sa kanila kapag pumasok sila sa amin. Katulad na lamang kanina na dalawa sa apat na subject lamang ang may dumalong guro.

At ngayon? Byernes ng hapon, ikalawang huling linggo bago ang Christmas Break. Medyo maingay dahil sa kwentuhan ng mga grupo nina Yna na nakaikot ang upuan. Ang mga lalake naman ay naghiwa-hiwalay at parang hindi kilala ang isa't-isa-- ewan ko ba sa kanila, simula noong nawala sina Pierrionne at Peter, parang namatay yung pagkakaibigan nila. Ang makikita ko nalang sigurong nag-uusap ay sina Dave at Retlaw, tapos sa kabila naman ay sina Karlo at Dave John, habang yung ibang mga lalake ay nakikisalo sa ibang mga babae. Kami naman squad at naghihiwalay rin, minsan nalang nag-uusap pero hindi naman galit sa isa't-isa. Nasa harap ako nakaupo habang sila naman ay nasa likod kaya hindi ko talaga sila nakakausap tuwing may klase. Nakaupo ako ngayon sa aking upuan at tulalang nakatingin sa pinapanood kong kdrama--- napailing nalang ako nang mapansing wala na talaga akong naiintindihan sa pinapanood ko dahil sa mga iniisip ko.

"Guys." tumayo si President sa harap. Nakuha niya ang atensiyon ko kaya tinanggal ko na ang earphones na nasa tenga ko at tumingin sa kaniya. Inikot niya ang kaniyang paningin kaya napatingin narin ako sa iba ko pang mga kaklase.

"Guys!" mas malakas na tawag niya. Ang iba'y tumingin sa kaniya ngunit agad ring ibinalik ang atensiyon sa kani-kanilang gawain. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa mga pinapakita nilang ugali. Jusko naman.

"Kailangan nating magplano para sa Christmas Party sa susunod na Byernes," sabi niya ngunit ganoon parin ang naging reaksiyon ng mga kaklase ko. Wala. Walang may gusto. Walang may pakialam.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Abegail dahil siguro sa inis. Napatayo siya sa harap.

"Guys! Makinig naman kayo!" Malakas niyang sabi. Ang iba sa kanila ay napairap nalang at napilitang makinig sa harapan habang patagong hinahawakan ang kanilang mga cellphone.

"Napakaingay. Mamatay ka rin naman," napatingin ako kay Barbie na nagsalita sa kaliwa ko sa tabi ni Carrene na katabi ko. Agad naman siyang siniko ni Carrene dahil sa sinabi niya.

"Hayaan mo na Barbie," sabi ko.

"Duh! Nakakairita na yang boses niya. Paulit-ulit nalang," sabi niya at napasandal nalang sa kaniyang upuan. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan at nagsimula nang magsalita si President.

Hell-o Where stories live. Discover now