40 | Love (End)

83 5 33
                                    

Enjoy reading this 10K word chapter! Sobrang haba po! Sana magustuhan niyo!

Chapter 40 [END]

Sweet's POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong sumasakit ang aking kamay dahil sa isang bagay na nakatali rito. Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong nakasubsob ang ulo sa isang matigas na bagay, at nakaupo ang katawan ko.

Did I fall asleep somewhere? Nasaan ako?

Nang dahan dahan kong ibuka ang mga mata ko at iangat ang mukha ko ay nakita sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag kaya sandali akong napapikit. Nang maramdaman ko na ang buo kong katawan ay saka ko na napagtanto kung ano ang nangyayari sa akin.

My eyes widened when I tried to move my hands by I can't move it. Naramdaman ko ang mahigpit na taling na nakatali rito na siguradong magiiwan ng marka dahil sa pagkahigpit nito. Nang subukan kong igalaw ang paa ko ay nakatali rin ito sa magkabilang paa ng inuupuan ko.

Anong nangyayari?

Nang mapatingin ako sa paligid ko ay ganun na lamang ang kaba ko nang makita ko ang lahat ng mga natitirang kaklase ko. Nakatali sila sa kanilang mga upuan at natutilog parin. Ako lang ang gising at nakakakita sa kanilang mga kalagayan ngayon.

Nang pilitin kong isipin ang nangyari kanina ay unti-unti namang bumalik sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari kanina.

"Guys! You need to get the hell out of here!"

"Alam mo na kung sino ang mastermind!"

"Si Kyte! Siya! Siya ang mastermind! At kasama niya si Ma'am Flores!"

Kyte? You mean.. Kyte Malasaga? My bestfriend?

Napailing ako sa iniisip ko. Hindi pwede yun! Kyte is the most fragile in this class! She's my softest bestfriend and ya'll are saying she can kill? That she killed everyone here? No--

Natigilan ako sa pinag-iisip ko nang maalala ko na ang mga sumunod na mga pangyayari. I saw her face in my mind, i heard her laughing evilly while looking at all of us na tila ba balak niya talaga kaming patayin. Na wala siyang ni isang pagsisisi sa puso niya na.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at ang pagbabadyang pagbasagsak ng luha ko. Gusto ko mang pigilan ang luha ko ay kusa narin itong nagsilaglagan at ang mga tahimik na hikbi sa gitna ng pag-iyak ko.

Pinakalma ko pa ang sarili ko, huminga ako ng malalalim na hininga at tumingin sa labas ng classroom at baka sakaling may dumaang kahit sino ngunit napatanga na lamang ako nang makita ang madilim na paligid sa labas. Walang kahit na anong tunog ang maririnig sa paligid kundi ang mga boses ng mga palaka sa paligid.

Inikot ko ang tingim ko sa mga kaklase kong nasa paligid ko. Nakaikot ang mga inuupuan namin sa buong classroom. Nasa kanan ko ay nakaupo ang natutulog na si Retlaw, katulad ko ay nakasubson rin ang kaniyang mukha sa armchair habang nakatali ang kaniyang kamay at paa. Sa kanan ko naman ay Devien, hindi tulad ko, nakasandal ang kaniyang katawan sa upuan at siya'y nakatingala, at natutulog. Nasa tabi ni Devien at Yna pagkatapos ay si Abegail, Ara, Mark John, Amor, Shane, Karlo, Lyonce, Dave John at Aiko na katabi ni Retlaw. Tumingin ako sa kanan ko at saka ko tinawag ang pangalan ng katabi ko.

"Devien." I tried not to shout at baka may biglang makarinig sa paligid at baka patayin kami.

"Devien!" Sinubukan kong magpumiglas mula sa pagkakatali ko pero hindi ko man lang maigalaw ang kamay ko dahil sa higpit nito. Nang tingnan ko ang tinatawag ko ay hindi man lang ito gumalaw.

Hell-o Where stories live. Discover now