3 | Welcome Party!

191 10 2
                                    

Chapter 03

Yna's POV

Nakaikot sila kay Amor habang nakaupo at umiiyak siya sa isang upuan. Yakap niya ang mga binti niya at naka-lublob ang mukha sa kaniyang tuhod. Gumagalaw ang kaniyang mga balikat at maririnig ang kaniyang mga hikbi. Katabi niya si Lyonce na pinapatahan siya.

Napatingin ako sa nakabukas naming cr. Naroon ang mga boys at nag-ma-mop, nagpupunas, may kung ini-spray para hindi na kumalat ang masangsang na amoy ng dugo.

Habang kami ay nakaupo sa isang sulok. Masama ang tingin ko sa babaeng kanina pa naglilinis. Tche! Akala mo naman kung sino ang babaeng to.

"Tulong!"

Halos lahat ng mga babae at nagsisigawan. Lahat kami ay napatakip sa aming mga ilong at ang iba'y pinipigilan ang sarili na masuka.

"Anong nangyari!?" Sigaw ni president kay Amor.

Naliligo si Amor ng dugo. Lahat ng bahagi ng kaniyang katawan lalong lalo na ang uniform niya ay punong puno ng pulang likido. Amoy na amoy namin rito ang masangsang na amoy nito. Saan galing yan?

Nakita ko ang itim na balde sa sahig ng cr. Nakikita ko ang takot at nanginginig na mga mata ni Amor. Nakikita namin ang kaniyang mga luhang humahalo sa pulang likido.

"Pres. Please. Ayoko nito, please. Nagmamakaawa ako," takot na takot ang mga mata niya.

Agad namang umaksiyon si Pres at tinulungan siya ng mga lalake. May tumakbo papunta sa locker ni Amor para kumuha damit. Narinig namin ang agos ng tubig loob ng cr. Impit na napasigaw ang mga kasama ko at hinila ako palayo sa kanila nang makalabas si Amor.

"Ang baho!"

"Yuccck. Saan galing yan?"

Sa gilid pa namin ay nakita namin ang isa naming kaklase na kahit anong oras ay maaring sumuka. Halos umiyak na siya habang nakayuko at pinipigilan ang kaniyang pagsuka. Jomelle Loja. Kahit sa kaunting masangsang o mabahong amoy ay masusuka na siya. Sensitive ang ilong.

"Lumayo tayo sa kaniya. Anytime susuka na iyan. Ew." Hinila ako Alexia nang may pandidiri ang mukha at nagtakip pa ng ilong. Umalis naman kami at pumunta sa pinakasulok.

Sakto namang umalis kami sa aming pwesto nang masimulang sumuka si Jomelle. Naramdaman kong tumalsik ang suka sa aking binti na ikinatili ko.

"Ano ba! Ewww! Anong gagawin ko! Nakakadiri, sana lumabas ka na lang kung alam mong susuka ka!" Reklamo ko sa kanila. Eww! Anong gagawin ko dito. Ewww!

Lumayo ang mga kaibigan ko sa akin nang matalsikan ako ng nakakadiring suka. Biwisit! Ewww! Yuck!

"Ew! Yna! May wipes ka? Nakakadiri yung suka sa binti mo ohh!" nandidiring sabi ni Shane sa akin at tinuro pa niya ang nasa binti. Eww! Ayoko na dito! Mommy!

"Yna! Eto oh. Punasan mo yan." Halos hindi na lumapit na iniaabot ni Mitz ang wipes sa akin. Halos masuka ako nang kumuha ako ng isang wipes at ipinunas ko sa aking binti. Hindi ko na madescribe ang mukha ko dahil sa pandidiri. Halos hindi na lumalapit ang mga beshies ko sa akin dahil sa pandidiri.

Nang matapos ay itinapon ko ang wipes sa suka ni Jomelle na nakakalat sa sahig. Natigil sa paglilinis ang isa kong kaklase nang mapansin niya ang ginawa ko.

"Ano ba, Yna! Ba't mo tinapon diyan! Kitang nililinis ko na eh!" sumingkit ang aking mga mata habang nakatingin ako sa kaniya.

Hell-o Where stories live. Discover now