6 | Envy

123 10 0
                                    

Chapter 06

Christian's POV

[Defeat!]

"What!"

"Shit!

"Ahhhh!"

Natawa ako sa reaksiyon ng mga kasama ko nang matalo kami sa isang laro. Tila inis na tinapunan nila ako ng kung anong bagay na mahawakan nila at saktong natamaan ako ng tumbler sa ulo na tinapon ni Dave John.

"Gago! Ikaw nagpatalo sa amin, wag kang tumawa diyan!" Inis na sabi niya.

"Bwiset ka Tinong!" Natawa ako lalo narin sa pagtawag sa akin ni Nethanel Moraga  sa palayaw ko. Si Nethanel o mas tinatawag naming Tantan ay ang kaisa-isa naming transferee. Noong una, sobrang hiyain pa niya, ayaw pang makihalubilo pero mas naging magaan rin ang loob ng lahat sa kaniya.

"Pag itong rank ko bumaba Tinong, sasakalin talaga hanggang malagutan ka ng hininga!" Tinuturo turo pa ako ni
Dave John.

"Ang saya mo yata ngayon ha?" Naiiling na tanong ni Aemille sa akin.

"Oo nga, kanina ka pa tawa ng tawa," pagse-second the motion ni Pierrionne.

"Wala lang. Masama bang maging masaya?" Tanong ko at mas lalo pang ngumisi. Napailing nalang sila habang may kung anong sinasabing nasibalikan sa kani-kanilang mga upuan. Nanatili ako sa aking upuan na nasa pinakahuli at pinakagilid ng classroom, nasa likod ko ang table na ni Ma'am. Kaya kahit maglaro ako buong period dito ay hindi mapapansin.

"Guys! Sige na! Bumalik na kayo sa mga upuan ninyo, malapit na mag-one, baka biglang pumasok ni Ma'am at makita ang napakakalat nating classroom," narinig kong sigaw ni Roberto sa harap. Noong una'y walang nakinig dahil may mga samu't saring ginagawa ang mga kaklase namin.

"Guys! Makinig kayo, ano ba!" Sigaw ng Amor na siyang Vice President namin. Napuno ng hiyawan ang kasunod ng kaniyang sigaw kaya nakisali na lamang ako.

Dahil sa ako ang may pinakamalakas na hiyaw ay sa akin nabunton ang napakasama niyang tingin. Grabe, bakit parang galit lahat ng tao sa akin ngayon?

Nang bumalik sa kaniya-kaniyang gawain ang lahat ay napasandal na lamang ako sa aking upuan. Bakit ang boring ng mga araw? Halos wala nang naiisip na kalokohan tong mga kaibigan ko dahil narin sa nangyari, parang tumamlay ang lahat nung dahil doon. Hindi na masyadong nagpapakita si President at madali nang uminit ang ulo. Yung mga babae naman parang may open forum parati at sobrang seryoso ang pinag-uusapan. Yung mga lalake naman.. wala.. chill? Pero wala na talagang mga kalokohan.

Nakarinig ako ng isang pamilyar na musika sa aking katabi kaya napabaling ang atensiyon ko sa tinitingnan niya. Nanonood ng performance sa paborito niyang grupo. Naalala ko ito, iti yung isa sa sinayaw namin dati sa isang contest.

"Aw! Nami-miss ko na sila," Maria Sweetlayne Deloy.

"Wala pa ba silang bagong kanta?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala pa. Sa tingin ko nasa bakasyon pa sila ngayon. Bakit hindi nalang kayo bumalik sa pagsasayaw niyo?" Nakasimangot na tanong niya.

"Nawalan na yata sila ng gana," komento ko. Mayroon kaming grupo noon na nagsasayaw sa mga kanta ng mga iba't ibang klaseng grupo. Kasali si President Roberto, Pierrionne, Mark John, Dave, Aemille, Dave John, at ako. Originally hindi naman talaga ako ang kasali sa grupo nila kundi si Niño. Galing ako sa ibang grupo. Noong una, si Bush Sandukan, ang pumalit-palit pa kay Niño tuwing wala siya pero mas madalas ay ako tuwing wala sa mood si Bush sa pagsasayaw.

"Sayang."

"Tsaka. May iba talaga silang pinagkakaabalahan ngayon." Napatango na lamang siya.

Napatingin ako sa orasan, eksaktong ala una na. Naramdaman ko ang pagtawag ng kalikasan kaya ako napatayo. Napatingin ako sa CR namin pero may nakalagay ritong 'occupied'. Diretso na lamang akong lumabas sa classroom at tinahak ang daan papunta sa hagdan. Nakita ko si Ma'am kasama si Niño. Ano kayang meron?

"Good afternoon Ma'am. Magc-cr lang po ako sandali," paalam ko sa kaniya sa ako nagmano kay Ma'am at dumiretso na pababa.

Napakatahimik na sa ibaba na ikinataka ko. Madalas ay marami pang naglalakarang mga estudyante sa mga oras na ito pero ngayon ay naghihimalang tahimik ang lahat. Pumasok na ako sa CR ng boys, syempre. Wala ring gumagamit ng Cr kaya napakatahimik ng paligid. Kahit ang mga yabag ko'y maririnig ko na.

Nang matapos akong umihi ay inayos ko pa ang aking pantalon, pero nakaramdam ako ng kakaiba. Tila may nanonood sa akin sa loob. Napatingin ako sa aking gilid ngunit wala naman akomg nakitang ibang tao. Na-iisa lang ako.

Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at saka nagpunas ng kamay sa lababo, napatingin ako sa akimg repleksiyon sa salamin. Hindi ko talaga maitatangi ang ganito kagwapong mukha. Hays. Kung ako naging babae, siguradong maain-love ako sa sarili ko.

Natawa ako mag-isa sa aking naiisip habang nagpupunas ng kamay.

Ngunit natigilan ako nang makaramdam ako ang malamig na simoy ng hangin na tila dumaan lamang sa aking likuran. Napatingin ako sa salamin at sakto namang nakakita ako ng isang anino. Halos napatalon ako sa gulat pero halos wala akong maisigaw. Nakatitig lamang ako sa anino, lumalakas ang tibok ng dibdib ko habang nasa aninong gumagalaw ang aking atensiyon.

Mama! May multo!

Magpapakabait na po ako promise. Please po. Wag niyo po akong kainin! Hindi po ako masarap!

Napapikit nalang ako sa kaba at hinintay na maglasoglasog ang aking katawan. Pero ilang segundo ang dumaan nang walang nangyari sa akin kaya napadilat na lamang ako.

"Hi," bati sa akin ng taong nasa likuran ko kaya halos natanggalan ako ng napakaraming tinik sa aking dibdib nang malaman kung sino ito.

"Akala ko naman multo na, hindi pa ako ready mamatay." Napahawak ako sa aking dibdib dahil doon.

"Hindi ka pa ready?" Wala sa sariling napatango ako.

"Pero, ako ready na," and then I saw the person's creepiest smile. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang nakatingin lang ako sa kaniya sa salamin. Naging sobrang bilis ang pangayayari naramdaman ko na lamang ang paghihirap ko sa paghinga.

"I envy everything you have, and I believe you stole something from me"

F-fudge! H-help!

---

The spotlight that should be mine. I want it! I want everything! I deserve everything.

I was very happy when I saw his body hanging on the ceiling of the comfort room.

"Find your comfort here, boy."

I grab the red pentel pen in my pocket and then draw something on his white shirt. Circles, from smallest to biggest. I made him look like a dartboard. I laugh wickedly as I saw his pitiful figure. Aw! Such a waste.

Kinuha ko ang tatlong kutsilong tinatago ko.

"First throw." I threw the knife and it landed near his heart where the hundredth score in the dartboard is. "No luck, lemme try more."

When I threw the second knife, it accidentally landed on his neck, deeply. I giggled.

"This is so fun!" Playing with this one is fun, i never taught of that!

But then i saw his face again. I envied that face. You just got all you have right now because of that face. I will ruin it. Puno ng galit ang buong sistema ko nang ibinato ko ito sa kaniya. Not on his heart but on his face.

I WILL TAKE ALL THE THINGS YOU HAVE! I WILL KILL ALL OF YOU!

_LYLLIE

Hell-o Where stories live. Discover now