16 | Hide and Seek

75 8 3
                                    

Chapter 16

Hanna Bee's POV

Alas seis ng miyerkules, napagdesisyunan kong pumasok ng maaga, hindi dahil nagbagong buhay na ako, kundi dahil sa nangyari kahapon. I saw their bodies yesterday, anim sa kanila ay namatay. The killer is really brutal, halos masuka ako nang makita ko kung paano sila pinatay. Well, kung mamatay lang rin naman ako, I want to die beautiful. Huling oras ko na nga, puputulan niyo pa ako ng ulo, o dika kaya balatan ang mukha-- NOOOO! My face!

Nang makapasok ako sa room ay kakaunti palang ang nakarating pero parehas yata kaming nagulat ni Shane nang makita ang isa't-isa sa room.

"Ba't ang aga mo?" Malakas at sabay pa naming tanong sa isa't-isa. Agad naman kaming sinaway ng iba naming mga kaklase na nandito na. Sobrang sama ng tingin nila sa amin kaya napakagat na lamang ako ng labi at saka excited na lumapit kay Shane. Dumating na rin sina Mitz, at Sat. Umupo ako sa nakabilog na upuan at tinabihan si Shane.

"Bakit ang aga mo yata Shane?" Tanong ko sa kaniya.

"Eh ikaw? Bakit sobrang aga mo ngayon? May milagro yatang nangyayari ngayon," sabi niya. I just laugh at her. I flipped my hear.

"Gosh! Ang tanging magandang milagro na nangyari ay noong ipinanganak ako sa mundo, ang alam ko doon naimbento ang salitang maganda. Hays." I just tucked my hair onto the back of my ears while smiling sweetly.

"That's so random. Nasisiraan na yata kayo ng bait dahil nagising kayo ng maaga," sabi ni Mitz na may kasama pang mga iling.

"Oo nga, what's with you two today? Bakit maaga kayong dumating?" Tanong ni Sat sa amin.

"Well, no reason," maikling sabi ni Shane at saka nagkibit-balikat lang. Ang then their heads turned to me.

"Well, wala lang rin. I'm just in the mood today," sabi ko. "Masama bang maging maaga ako? Ikakamatay niyo yun? Ikakamatay ko ba iyon? Ba't parang magugunaw na ang mundo nang makita niyo akong maaga?" Inirapan ko lamang sila.

"Teka maayos na ba kayo Shane? Yna?" Naalala ko ang nangyari sa kanila kahapon.

"Okay na ako, medyo masakit lang ang noo ko dahil siguro'y may tumama na kung anong bagay." Napatingin ako sa noo nilang may nakalagay na benda. Ang sakit niyan.

"Wala ba kayong naaalalang nangyari?" Tanong ko. I'm really curious about what happened, kasi paano nakapasok ang pumatay e sila lang naman ang nakakapasok sa loob? At silang lahat ay nasaktan, anim pa nga ay namatay eh.

"Wala talaga eh. Ang kahuli-hulihang naalala ko ay tinakot namin yung pinakalast na costumer hanggang sa nagsitakbuhan na sila palabas pagkatapos nun.. nada!" Paliwang ni Shane sa amin. Napaisip naman ako. How? Nakagagawa pa ng magic ang kung sino bang pumapatay sa amin? Bakit ni isa sa amin ay walang nakakakita man lang sa ginawa niya?

Napabuntong-hininga na lamang ako sa narinig kong sagot at saka napatingin sa kabilang side ng classroom. I saw there, pictures. Nasa ibabaw ito ng hanggang bewang namin locker. Nakalagay roon ang labing-apat na larawan ng mga kaklaseng nawala na sa amin. Nakalagay ito sa frame at ang bawat isa ay may nakalagay na kandila sa gilid.

Ang iba kong kaklase na maagang dumating ay nakayuko lamang at nakatingin sa kawalan. Kami lang yata ang nag-uusap at nagpakahype sa loob ng classroom. Silang lahat ay nagninilay at ibang tahimik na umiiyak. I saw President sa harap ng picture ni Sarah. He was just staring at her pictures while tears are rushing down his face. Naririnig ng lahat ang hikbi at hagulgol nito.

"Kanina pa siya diyan. Kami ang inutusan niyang ilagay ang lahat ng pictures nila diyan," narinig kong sabi ni Yna.

Sa katabi ng picture ni Sarah ay ang picture ni Lynn at ang katabi ay ang picture ni Queeny. My heart broke when I saw their friends circling and crying infront of their pictures. Si Sarah, Lynn and Queeny ay sobrang malapit na kaibigan nina Girlie. May squad sila, and they are called IMCC. Napakalaking kawalan sa kanila ang nangyari kahapon. 3 of their friends died, paano nalang ako? How about me? I value friendship so much. Shane and the girls are my friends but there is one person na labis kong iniingatan rin, and it's Claudine. Claudine and I may have different attitude, but we are so comfortable with each other. Ah! Ano ba yang iniisip mo Hanna Bee, that's not good! No one's going to die! Napailing ako sa naiisip ko.

Hell-o Where stories live. Discover now