30 | Seven

41 5 1
                                    

Chapter 30

Alexia's POV

Papasok ako sa classroom, bitbit ang isang malamig na mineral water na kakabili ko lang sa canteen. Ayan, nauubusan naman kasi kami ng tubig sa despenser. Dalawa ang binili ko, para sa akin at para sa prinsipeng nakatulala sa kaniyang kinauupuan ngayon.

"Dave John," tawag ko rito pero nakatingin lang ito sa ibang sulok ng classroom kaya napabuntong hininga na lang ako. Inilapit ko sa mukha niya ang bottled water at idinikit ito bahagya sa kaniya. Natawa ako bahagya nang bumakas ang gulat sa kaniyang mukha at masama ang tingin sa akin dahil sa ginawa ko. Agad niyang kinuha ang bottled water at saka binuksan iyon.

"Ba't ka ba natutulala?" I ask, taking a seat beside him. He just smiled at me, and gently shook his head.

"Wala."

Hindi na ako nagtanong pa at inikot na lang ang tingin sa paligid. Napansin kong kakaunti na lang kami sa loob. At halos lahat sila ay tahimik lang at may kani-kaniyang ginagawa sa cellphone.

"Saan ang iba?" Tanong ko.

"Sino?"

"Iba nating kaklase. Ba't ang tahimik?"

"Nasa Senior High building," sabi niya. Napakunot naman ang noo ko at napaisip bigla. Saka ko lamang naalala ang nangyari doon. Kagabi, that cincuentaytres twitted something. At nakita ko rin ang article na gawa ng mga officers ng school. May namatay na naman.

"Si Barbie?" Tanong ko. He just nodded. Napabuntong hininga na lamang ako at napasandal sa upuan ko. My body slowly slid down and my head found comfort in his shoulder. Naramdaman ko naman ang pagsandal ng kaniyang ulo sa akin.

"May progress na ba?" Mahinang tanong ko. I felt his hands slowly creeping his way to mine. He gently held my hand and slowly entertwined our fingers.

"Progress? Progress saan?"

"Lutang lang Dave John? Sa 'investagation' kuno ninyo." I held out my other hand gesturing a peace sign and move it like i was qouting the word investigation.

"Naghihintay nalang ako."

"Naghihintay kanino?"

"Kay Karlo. He's been ignoring me these past few days," sabi niya na ikinataka ko.

"Huh? Bakit?"

I felt his shoulder shrugged.

"Ewan. Noong isa araw pa siya ganiyan. Tuwing tanghali at hapon, inaaya ko siya para pag-usapan namin ang mga nalalaman namin pero parati niyang sinasabi na busy siya at may pupuntahan pa siya."

"May pinag-awayan kayo?"

"Wala. Wala akong naalala na pinag-awayan namin. Ang alam ko lang hindi na niya ako pinapansin pagkatapos nung.."

"Noong?"

"Pinag-usapan namin yung mga pictures."

"Pictures? Anong pictures?" Napaayos ako sa aking upo at napatingin sa kaniya.

"Naalala mo yung nakita ni Aidyl na pictures? Yung nakita niya sa lost and found? Yung mga pictures ng nga namatay nating mga kaklase," sabi niya. Napaisip naman ako sandali. Wait. Ahhh!

"Ahhh yun! Pero.. ang naalala ko, si Karlo ang nagkeep ng mga iyon hindi ba?" Tanong ko. Yun ang naalala ko.

"Oo. Nasa kaniya lahat. Ilang araw pagkatapos ng araw na yun, pinag-usapan namin yun. Pinagtugma-tugma namin ang mga pictures, at kung ano ano pang maaari naming malaman mula doon. Medyo marami ring mga conclusions na nabuo.. pero sabi niya, siya na daw ang magke-keep ng pictures," sabi niya.

Hell-o Where stories live. Discover now