9 | Visitor

100 7 0
                                    

Chapter 09

Ara Jamaica's POV

"Ano bang nangyari diyan sa ulo mo Girlie? Masakit ba?" Napangiwi ako nang makita ko ang benda sa ulo ni Girlie. May nangyari na naman ba?

Hindi siya nagsalita. Nasa tabi niya sina Lynn, Sarah, Queeny, Devien, Eljohn, Aiko, Faye, Hannah Mae, Aidyl, Maria Sweetlayne. Her squad.

"Oo nga. Anong nangyari? Bakit nangingitim diyan sa harapan ng classroom at may naamoy akong kung ano?" Tanong ni Eljohn.

Pero nakatulala lang sina Girlie, Lynn, Sarah, Faye, Queeny at Devien habang ang natitira sa amin ay mariing nakatitig sa kanila dahil sa kuriosidad.

"Lynn? Magsalita naman kayo." Si Aidyl naman ay niyugyog pa si Lynn dahil wala ni isang nagsalita.

"Hoy! Magsalita kayo!" Sigaw ni Aiko na nagpakuha ng atensiyon ng lahat.

"Ingay-ingay Aiko," napasimangot si Faye. Naaasar na 'tong singkit nato.

"Ano nga kasing nangyari?" Pilit naming tanong.

"Ako na nga," pagsisimula ni Devien. "Kahapon, si Francis " putol niya.

"Ano?"

"Namatay siya."

"ANO?! NANAMAN?" halos napatalon ako sa gulat nang sumigaw si Pres. Nanghihina siyang umupo sa gilid habang nakatingin na ulit sa kawalan. Another one dead. Tsk. Nice one killer. Nice one. Note the sarcasm please.

"Pres. Pasensiya na, hindi namin siya natulungan. Pinilit naman namin, pero hindi kaya eh at saka nakatakas yung nakaitim na may gawa lang ng nangyari." Napatingin ang lahat kay Hermann na umiiyak na lumapit kay President. Ano? Iyak na ulit tayo?

"Pres, bakit wala yatang ginagawa ang mga teachers? San sila?" Napatingin ako kay Lyka na iiyak na sa nalaman. Nawalan ulit kami. Tatlo na.

"Pres, bakit sobrang tahimik ng school sa mga nangyayari? Pres walang bang may pakialam o may malasakit na tulungan tayo rito?" Nakakunot ang noo ko. Hindi naman pwede to. Tinatago nila to sa awtoridad? Bakit? Para hintaying maubos na kami lahat sa loob?

"Nasunog siya guys," natahimik ulit nang marinig namin si Girlie na nakatulala parin.

"Saan ang katawan niya?" Tanong ni Pres.

"The guards took it, hindi namin alam kung saan nila dadalhin ang katawan ni Francis but they said they'll hand it to his parents. Pero bakit parang hindi ako naniniwala?!" narinig ko ang galit ni Girlie. "Pres! Hindi nila aayusin lahat nang 'to! Itatago nila lahat! Gagawin nila lahat para maitago ang nangyayari dito! Pres! Namatay si Francis ng walang kalaban laban! Nakita ko siyang unti-unting natupok bago ako nawalan ng malay!" Umiyak na ng umiyak si Girlie habang inaalo siya ng mga kaibigan. Lumapit na rin ako para yakapin ito at haplusin ang buhok upang mapakalma.

"Ano? Iiyak na naman tayo? Wala na naman tayong gagawin?" Napabaling ang lahat ng atensiyon kay Dave John na bigla na lamang nagsalita.

"Anong sinasabi mo, Dave John? Wala naman tayong magagawa!"

"Iyak kayo ng iyak nakakaumay na. Tatlong tao ang nawala sa atin, wala kayong ibang ginawa kundi umiyak. Hindi na ako magtataka kung sa isang araw ubos na tayo. Tanggapin niyo na mamatay tayong lahat dito, iniisa-isa na nga tayo eh!" 

Hell-o Where stories live. Discover now