34 | Lazy

48 5 0
                                    

Chapter 34

"Ano yun, huh? Sino yun? Bakit hindi ko alam iyon?"

[Who knows? Bakit hindi mo alamin kung sino? It's not my fault na tatanga-tanga ka.]

"Don't use that tone on me lady! Mas matanda parin ako sayo--"

[But you knew i can do better. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin.]

"Nakakasalamuha mo sila araw-araw! Bakit hindi mo alamin kung sino ang pumatay sa babae? Kinakalawang ka na yata? Sobrang lapit mo lang sa kaniya pero hindi mo man lang napansin?"

[Shut up.]

"I'm a--"

[And I don't care. Wala akong pakialam sa position mo. Akala ko ba nasa kamay mo na sila? Bakit parang may nagrerebelde yata?]

"I will catch whoever that bastard is. Madali ko lang siyang makikita dahil kilala ko sila. Kaya he better watch out."

[That's good.. Mama.]

A minute with silence after hearing the soft voice on the other side of the line.

[I've been stressed these passed few days because of them. Apakabobo naman kasi eh, sobrang dami ng clues pero hindi naman nila napapansin.]

A smirked was visible on the lady's lips.

"Don't worry too much. Ilan nalang ba? 20? Minus you? Malapit ka na sa gusto mo."

[Help me, Mama.]

"Of course."

[Help me kill them all. It'll be my satisfaction.]

"I will do anything."

---

Faye's POV

I was in my own world, listening to music, banging my head a bit, feeling the beat, when I heard a loud thud in the front door. Kinuha ko ang earphones na nakakabit sa kaliwang tenga ko para medyo mapakinggan kung ano man ang kinapuputok ng butsi ng gurong nakasimangot na pumasok. Nagkakasalubong ang kaniyang mga kilay at walang emosyong naglakad papunta sa harapan naming lahat.

Magsisimula na naman yang magsalita. Sobrang sakit ng boses niya sa tenga at nakakaumay na ang 'sa buhay' lectures niya. Tangna. Napatingin ako sa katabi kong nakasandal lang sa kaniyang upuan at nakangalumbaba. Pinapaikot-ikot ang kaniyang ballpen sa kaniyang kamay habang nakatingin sa harapan pero mukhang walang interes na makinig. Typical Aiko.

Ibabalik ko na sana ang isang earphones ko sa aking tenga nang magsimula magsalita ang gurong nasa harapan namin.

"Makinig kayong lahat." I can't help but to roll my eyes. Sino bang gaganahang makinig sa kaniya? If I know, magrereklamo lang iyan tungkol sa mga ugali daw namin. Kesyo mas mabait daw yung last batch, kesyo mas matalino daw sila, kesyo parati daw kaming naghahanap ng gulo. Siya pa pagulungin ko dun sa may hagdan eh. Eh napakapeke lang ng mga sinabi niya netong mga nakaraang araw? She's grieving with us? Ba't nakita ko siyang masayang kumakain ng Durian nung isang araw?

"Sa nangyari kahapon.." Nothing new. Parati naman yung nangyari, ba't parang naging concern siya bigla?

"The principal was worried na lalala pa ang nangyayari sa section niyo, baka madamay pa ang ibang students. Meron nang nawalang teacher, alam niyo yan kaya hindi na nagtitiwala ang principal sa nangyayari sa atin," sabi niya. Sumingkit ang mata ko sa simabi niya. Huh? Sa tagal-tagal nang may namamatay sa amin, ngayon pa sila nagwo-worry? They didn't even speak noong namatay ang teacher eh wala naman yata kaming kasalanan doon, parang bini-blame nila sa amin lahat kahit walang sapat na ebidensiya.

Hell-o Where stories live. Discover now