5 | Unknown

128 11 2
                                    

Chapter 05

Roberto's POV

"Angelica!" Lalapit na sana ako sa kaniya nang maramdman ako ang paghila sa akin ng mga tao.

"Mr. Tagalog! Kailangan mo munang kumalma, hindi pwedeng galawin ang katawan ni Ms. Gementiza," narinig ko ang sabi ng dati naming profesor na ngayo'y adviser ng SSG officers.

"Sir, ano pong nangyari? Sabihin niyo po sir, ano pong nangyari?!" Nagmamakaawang tanong ko kay Sir. Parang kanina lang ay nandoon pa si Angelica sa classroom. Ba't parang ang daming nangyayaring hindi maganda sa amin? Sinong may gawa ng lahat ng 'to?

"Hindi rin namin alam. Napatakbo lang ako papunta rito nang may makapagsabi sa akin," sabi ni Sir habang nakatingin sa nakahandusay na katawan ni Angelica.

Gusto kong umiwas. Ayokong makita ang halos mabasag nitong ulo na tila ilang beses ipinukpok sa dingding. Ang katawan nitong lusag-lusag na tila ilang beses sinaksak ng isang patalim. Ang damit nito'y punit-punit at kulay pula na dahil sa kaniyang mga dugo. Nakaupo siya sa kaniyang upuan. Her back is resting in the chair na para bang nautulog lang. Pero hinding-hindi ko kaya itong tingnan sa mukha dahil sa karumaldumal na nangyari sa isa sa mga kaklase ko.

Narinig ko na mas may nagtakbuhang mga estudyante sa aming direksiyon.

"Anong nangyayari?" Narinig ko ang ilang mga pamilyar na boses. Naramdaman ko ang isang kamay sa aking balikat.

"An-nong.." hindi makapagsalita si Sarah dahil sa hindi kaaya-ayang tanawin sa aming harapan. Nasa harap lamang kami ng nakabukas na pinto, walang nagtangkang pumasok at galawin ang kaniyang katawan. Isa-isa naring pinaalis ni Sir ang ibang mga estudyante at itinira ang ibang kaklase kong nandito. Nang mapatingin ako sa kanila'y hindi maipaliwanag ang mga emosyon na nasa kanilang mga mata. Gulat, takot, awa o pandidiri. Klase-klase.

Ang iba naming mga kaklaseng lalake ay nagsilbing bakod sa SSG office. Walang silang pinalapit ni isa.

"Sinong may gawa nito?" Tanong ng isang babae sa aking tabi. Barbie Shane Lagutin.

"Hindi ko alam Barbie. Bakit parang mas lumalala ang lahat? Kung sino man ang may gawa nito, may konsesiya pa ba siya? Bakit kailangan niyang patayin?" Hindi ko na napigilan ang aking luha umaagos dahil sa pagod. Kahapon, may nangyari kay Amor. Ngayon, yung tungkol sa mga patay na mga hayop at saka ito? Kung hindi ko kinakaya ang nangyayari ngayon, paano na kaya sa maari pang gawin ng kung sino man?

"Siguradong kakalat ito sa campus. May bago na naman silang pag-uusapan," sabi ni Abegail sa aking kabilang gilid. Tulala akong nakatingin sa katawan ni Angelica.

"Sino bang may kayang gumawa nito? Classmate ba natin?" Tanong ni Aiko na ikinakunot ng aking noo.

"Paano mo nasabing kaklase natin ang may gawa nito?" Tanong ko at saka humarap sa kaniya, tinalikuran ang bangkay na katawan ni Angelica.

"Bakit? Nagsasabi lang ako ng isang posibilidad. Sinong may alam na nandito siya buong umaga? Sinong may galit sa kaniya? Hindi mo masasagot ang huling tanong kasi obviously halos lahat ng kaklase natin hindi pa natin nakikilala ang mga tunay na ugali" paliwanag niya.

"Ayoko pagdudahan ang kahit sino sa inyo," mahinang sabi ko.

"Kailangan pres, kasi kung patuloy kang magbulag-bulagan sa mga nangyayari, paano pa natin 'to malulutas? Wala ka pa namang ituturo eh, pag-aralan mo lang kami," paliwanag niya.

"Paano kung wala sa atin?" Nagdadalawang isip parin ako.

"Paano kung nasa atin?" Balik na tanong ni Aiko. Ah! Naguguluhan na ako!

Hell-o Where stories live. Discover now