8 | Burn

125 7 17
                                    

Chapter 08

Hermann's POV

"Wala akong ginawa sa bahay, puro lang ako pagbabasa ng manga."

Mangga? Nababasa ba ang mangga? Nasisiraan na yata ng bait tong katabi ko.

"Nakaka-excite na kasi ang bagong episode ng manga-ng binabasa ko kaya hindi ko na namalayan ang oras." Napabuntong hininga pa siyang kumuha ng one-fourth na papel sa bag ko.

Paano ba magbasa ng mangga? Hngg.

"May assignment ka? Pakopya" tanong pa niya sabay paglahad ng kaniyang palad sa harapan ko.

"Francis Pal, tingin mo masipag ako?" Napangiwi siya sa sinabi ko saka sabay kaming napailing. "Nga pala. Sa tingin mo, sino ang may gawa nun kay Tinong?" Tanong niya bigla sa akin. Yeah.

"Hindi ko alam."

"Tingin mo, isa sa mga kaklase natin?" Tanong niya na ikinalingon ko.

"Hindi pwede."

"Anong hindi pwede?"

"Wala naman sigurong mamatay tao rito hindi ba? Baka taga ibang section. Yung katabi nating section na inggit kay Tinong!" Kumunot ang kaniyang noo. "O 'di kaya may nagkakagusto sa girlfriend niya tapos pinagbalakang patayin siya! Hindi pwedeng classmate natin, mababait kayong lahat!" Sunod-sunod na sabi ko.

"Hindi pa natin masyadong kilala ang lahat ng kaklase natin, tingnan mo si Roberto at ibang boys, parang makakapatay na sa sama ng tingin nila kay Niño," paliwanang niya. Napalingon ako kina Pres kasama Jose, Pierrionne, Nethanel, Aldrin Karl Piad, Dave, Bush, Dave John, Peter, at si Retlaw Rabanes na siyang katabi ni Mau. Ano bang ginawa ni Rasonable at ganiyan kagalit ang mga yan?

"Ano bang ginawa ni Niño?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ako updated.

"Sabi nila, may nakakita daw kay Niño na nandoon sa loob ng CR bago makita ang katawan ni Tinong," sabi niya. Si Niño? Napatingin ako sa kinauupuan ni Niño, nakita ko siyang nakatulala at nakatingin lamang sa kawalan. Kaawa-awa ang mukha nito, punong-puno ito ng pasa at nakakuyom rin ang kaniyang mga kamay. Naawa ako sa hitsura nito. Talagang ganun kalaki ang galit nila kay Niño? Paano kung hindi pala siya ang may gawa? Eh wala pa namang nakokomperma.

"Saan mo nakuha yang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Narinig ko lang din," sabi niya at saka nagkibit balikat.

Nag-aalinlangan man ay lumapit ako sa kay Niño. Nasa pinakagilid siya malapit sa bintana.

"Niño," tawag ko sa kaniya ngunit hindi siya kumibo na parang wala siyang naririnig na kahit na ano.

"Noy! Wag mo ngang lapitan yan!" Narinig kong sigaw ni Dave John sa likuran kaya nilingon ko sila.

"Kakausapin lang naman," naiiritang sabi ko. "Niño." Tinapik ko ang kaniyang balikat pero malakas niya itong tinabig.

"Niño, alam kong wala kang kasalanan," mahinahong sabi ko pero bahagya siyang natawa rito.

"Pare-pareho lang kayong lahat," malamig na sabi niya.

"Niño, nadadala lang sila sa nangyari kaya hindi sila nakapagpigil. Hindi mo naman magagawa ang nga iyon hindi ba? Kaya hindi mo kailangang matakot," pagpapakalma ko sa kaniya.

"Ano bang alam mo? Nandoon ka ba noong halos patayin ako nila? At pagbintangang ako ang pumatay? Mga gago." Kahit sa mahinahong boses ay ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya.

Hell-o Where stories live. Discover now