24 | Happy New Year

67 6 0
                                    

HAPPY 2K READS GUYS! THANK YOU SA SUPPORT SPECIALLY MY BONIFAM. LOVE YOU GUYS! THANK YOU!

Chapter 24


HAPPY NEW YEAR

ROBERTO:
3!

ARA:
2!

ROBERTO:
1!

ZEJANE:
HAPPY NEW YEAR GUYS!!

FAYE:
Talon-talon mga duwende
Ay joke

GIRLIE:
HAHAHAHAHA HAPPY NEW YEAR GUYS!

ARA:
HAPPY NEW YEAR BONIFACIO
WISHING FOR A GOOD AND PEACEFUL YEAR FOR US

ROBERTO:
happy new year guys
kita tayo sa lunessss

SWEET:
happy new year guys
makikita niyo naman ang maganda kong mukha
swerte niyo naman

NOEL:
[sent a photo]

ABEGAIL:
[sent a GIF]

HANNAH:
happy new year guyses

KATHLEEN:
hAPPY NEW YEAR
TALON TALON NA MGA BURAOT

DAVE:
happy new year guys
wag magpaputok sa loob
sa labas lang dapat
ay joke

AMOR:
happy new year!
miss ko na kayo

ROBERTO:
please be early sa monday!
baka may sumiklab na namang bulkan na nagngangalang Flores
Aw

[Seen by Yna and 17 others]

---

Aidyl's POV

"Good morning." Napalingon ako sa aking tabi upang makita ang bumati sa akin. Naramdaman ko ang kaniyang siko sa aking tagiliran kaya napasama ang aking tingin.

"Ay sorry," sabi niya saka tumawa. Napakalaki ng bagpack niya at may dala pang case. Well, may dala rin naman akong case pero.. puro scratch lang naman ang nasa loob nito eh. Parang ready-ing-ready na siya ngayong back to school. Ako? Ewan ko. Kinakabahan nga ako kasi wala akong ginawa buong Christmas break. Ahmm. Kain? Tulog? Gala? Ano pa? Nood ng Kdrama, nood ng vlogs? Sorry naman, minsan kasi talaga nawawalan ako ng pakialam sa school pero matino naman ako. Hindi lang ako katulad nina Abegail na mukhang kaharap parati ang libro. Ako? Study lang kapag may quiz or test, kung wala naman, edi wala.

"May assignment tayo?" Tanong ko nalang para hindi maging tahimik at awkward ang paglalakad namin.

"Wala naman akong naalala na may nagbigay. Tsaka. Remember, wala masyadong pumapasok na teacher," sabi niya na ikinatango ko nalang. Sabagay. Parang takot na takot na yata ang mga teacher sa amin eh mahigit isang buwan nang walang nangyayaring masama sa amin kaya naniniwala akong nanahimik sila, naniniwala akong nakokonsensiya na yung taong gumagawa nito. At naniniwala akong magiging masaya ang huling tatlong buwan namin dito sa school.

Tahimik lang ako habang naglalalad kami papunta sa classroom. Paano ba kausapin ang matatalino? Paano ko ba siya kakausapin? Dapat ba magtotopic ako ng math equation or balancing sa science? Pero himalang tahimik si Abegail ngayon ah. Minsa kasi ay tatamaan ng topak ang isang to.

Hell-o Where stories live. Discover now