Chapter 1 "The Wrecker"

150 9 0
                                    

(O_o)? What the hell is this?  Ano itong kalokohan na ito? Do I really need to introduce myself? Argh! Fine then!  Okay so here it goes:

I’m Meana Alexandra Rafael, maraming nagsasabing hindi nababagay ang pagmumukha ko sa ugali ko, pero bagay na bagay naman daw ang unang pangalan ko sa personality ko, “Meana” tanggalin mo lang yung letter  ‘a’  sa huli  “Mean” ang kalalabasan. Oo inaamin kong masama akong tao not physically but mentally. Mayabang ako, judgemental, pulaera, Perfectionist at isama niyo na lahat ng masasamang gawain na pwede kong gawin at doon mo makikila ang pangalang Meana. I have a stone heart and a strong belief that having a relationship is like having  life full of shits, ayoko sa lahat yung kinaaawaan ako, why would they? Dahil alam ko naman sa sarili kong kaya ko at kakayanin ko, isa sa mga nagpatatag sa personality ko ay yung hindi sumusuko sa isang laban, well kaya nga binigay sayo ni Papa God yang problem na yan for you to solve it, naniniwala din ako na ang taong hindi marunong lumusot sa problema, they are the weakest person I know. Hindi ako yung babaeng showy, show your feeling to others kung baga? Yuck?! Napaka-pathetic lang ng mga ganun! Ano yun showing their weakness to others? While others are laughing at you and telling you that you are too stupid to cry deep inside? Nandididri ako sa mga taong ganyan! I also hate couples who are doing Public Display of Affection, yung bang jusko! Kulang na lang doon na sila gumawa ng baby?! Argh I really as in totally hate that! Minsan nga may naka-encounter akong ganyan, well nagpapasalamat ako at dala ko ang Starbucks Frappe ko, Caramel Frappe to be exact, may nakita akong couple na nag-kikissing scene sa may tapat ng church, nillapitan ko sila, I was standing  infront of them na ha? Pero hindi parin sila natitinag, tinanggal ko yung cover ng coffee ko at ibinuhos sa lalaki, tiningnan lang ako nung lalaki at para bang nagulat siya na makita ang isang dyosang katulad ko, humarap sa akin yung haliparot at malanding babae at susugod pa sana siya but before na makasugod siya sinampal ko na siya yung lagitik na lagitik hah? Then I told them : “ sa dinami dami ng pwede niyong pag gawan ng kalandian dito niyo pa napili sa tapat ng simbahan? MGA BASTOS!”

Ang sakit ng mga sinabi ko sa kanila noh? Ganyan talaga ako, epal sa lahat if I know I’m doing the right thing, I’m a relationship wrecker, bitch and hmmm madaming tawag sa akin ang mga tao eh, masyadong madami na puro negative, ewan ko din ba sa kanila mga Insecure lang naman sa akin, pero kahit ano pang itawag nila sa akin, isa lang naman ang lagi kong sinasabi “wala akong pakialam sa kanila”. Bakit? Kasi ano bang mangyayari sa akin kung pag-uukulan ko sila ng oras ko? They didn’t even know me and I’m just doing the right thing.

Ganyan lang ang takbo ng buhay ko, halos everyday na nga akong nakakarinig ng negative judgement eh, well who the hell care? Madami na akong natanggap na awards , I was then our batch Valedictorian in my past elementary years, straight yan simula grade 1, Salutatorian naman ako when I was on highschool, mayaman kami, maganda ako, matalino, beauty and brains kung baga? Yan ang nagdi-describe sa physical appearance ko, pero kahit na ubod na ako ng kasamaan may taong nanjan pa rin kahit ganito ang ugali ko, ang one and only best friend ko na si Angela Grace Planas, pang-angel ang name pati din ugali niya, siya ang total opposite ng isang Meana Alexandra Rafael, pero siguro nga our opposite attitudes ang nagpatatag sa amin.

Madami na akong nasirang relationship, dahil ayoko lang na nakakakita ng mga taong naglalandian sa harapan ko, mahigit sa 20 na relationship na yata ang nasira ko, but who cares? Masama ba ang ugali ko? Kung Oo, alam ko, at kung hindi naman ikaw na ang pinaka-sinungaling na nilalang na nakilala ko, sa dami dami na ng napag-hiwalay ko, iisa lang ang naging karma ko, dahil katulad ko masama din siyang tao, mas masama siya sa akin ng 10%. He’s  name is “Lexus Alexander Hendrix” ang kayang sirain ang buhay mo ng hindi mo nalalaman, ang taong kayang doblehin ang kakayanan kong manira.

Subaybayan niyo ang kwento ko, ang pinaka-masamang babaeng makikilala niyo, not physically, ang pinaka-magandang nilalang na nabubuhay sa kasalukuyan at siguro ang kwento kong ito ang makakapag-paintindi sa lahat na ang isang kagaya ko ay may halaga at hindi dapat hinuhusgahan ng sobra sobra, siguro isa itong kwento kong ito ang magpapatulo sa luha niyo at makakapag-pabago ng pananaw niyo sa isang “kontrabida at pakialamerang” kagaya ko.

When the LOVE of the Wrecker StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon